Chapter 12: Unfamiliar Feeling

1281 Words
Flint     "To tell you the truth... I hate guys, you're all a banch of jerks. Pare-pareho lang kayo na pag nakuha na ang gusto'y mang iiwan na. Para bang isa lamang kaming damit na pag pinagsawaan ay pinapalitan. That's the reason why I learn to play this kind of game.."     Tila naumid ang aking dila dahil sa kanyang sinabi.     Nang iwan ako ni Shanaiah ay minabuti ko na lang na bumalik sa table namin. Hanggang hatid na lang sa tingin ang tanging nagawa ko habang pinag mamasdan siyang maglakad palayo sa'kin.     I admit to myself na natamaan ako sa sinabi niya. Pero di ko mapigilang hindi mapangiti sa isiping ang tulad kong cassanova king ay na attract sa isang cassanova queen.     'Yeah, maybe Shanaiah is right.'     Dahil sa labis na pagka ukupa ng aking utak tungkol kay Shanaiah ay hindi ko na namalayang hindi pala naka rating sa party si Nicole. ••••••••••×××     MEDYO marami rin akong nainom kanina sa party. Pero hindi naman ako nalasing. Ang ipinag tataka ko lang ay hindi ako maka tulog.     Kaninang-kanina ko pa talaga gustong matulog, pero ayaw talaga akong dalawin ng antok. Dahil ang kasalukuyang laman ng isip ko sa mga sandaling ito ay ang magandang mukha ni Naya.     Tumimo sa isipan ko ang mga sinabi niya sa'kin kanina. Medyo  na offend ako doon, pero di ko magawang magalit kay Shanaiah.     Parang ibig ko pa ngang bumunghalit ng tawa sa isiping nasampal ako ni Shanaiah after kissing her. Ngayon lang ako nanghalik ng babae na ang naging reward ay isang matunog na sampal. Pero mayamaya'y napa upo ako sa aking kama mula sa pagkaka higa. Hindi ko mapigilang di mapa isip ng malalim.     Hindi ko akalaing magiging ganito ang epekto sa akin ng halik na iyon. It was wonderful. It seems that the taste of her lips is far different from the other. Much sweeter..     Kusang Napa pikit ang aking mga mata. Sa aking isipan ay nakikita ko parin ang naka ngiting si Shanaiah. She's a real beauty, a goddess. I can't believe na sa likod ng makapal niyang eyeglasses, mahahaba at maluluwang na damit ay naka kubli ang isang magandang babae. Not just a girl because she is the great cassanova queen.     Minsan ko ng narinig ang sabi-sabi about sa kanya. Pero ni minsan ay di nagkaroon ng pagkakataong mag cross ang aming landas. Which is very ironic. She's also the prodigal sister of Shun and Shin, which happened na kaibigan din namin.     'What if noon pa kami nagka kilala?'     Napa iling ako dahil sa mga isiping naglalaro sa aking isip. Oo, susunod sa akin si Shanaiah bilang aking secretary, But bilang babae'y mahihirapan akong paamuhin siya. Lalo pa't she's also a cassanova.     'A cassanova Queen and cassanova King? What a perfect combination...'     "Tsk!"     Inis na tumindig ako mula sa aking kama. Past two na pero hindi parin ako maka tulog. Pumasok ako sa banyo para mag shower. After taking a cold shower, I go back in my bed and lay down. But, after two ours ay bumangon ulit ako at nag bihis ng damit.     Almost five na nang marating ko ang town house ni Grey.     Napa buntong hininga ako ng maalala ko ang nangyari sa aking pinsan. Two months ago ay ikakasal na dapat si Grey. Pero hindi siya sinipot ng kanyang bride. Napahiya si Grey at parang nagalit sa mundo. Lagi siyang naglalasing. At ng minsang nag da-drive siya ng lasing ay na aksedente si Grey. Three weeks siya sa hospital namalagi kaya hindi siya nakaka sama sa mga gala at gimik namin. Pati na sa party.     Gising na si Grey ng papasukin ako ng kanyang maid. Sa den ako dinala ng aking pinsan saka nag padala ng breakfast sa kasambahay.     "Ang aga mo. May tinakbuhan ka na naman bang babae? Don't tell me na didiretso ka na sa office niyan pag  ka galing mo dito sa'kin?" Sabi niya habang naka tingin sa akin.     "No, babalik pa ako sa bahay. Actually galing ako sa party ni Louise. Kasama ko sina Matt at Red. Naroon din sila Joshua, Xavier, Shun at Shin. Pero si Joshua ay dumating na kasama ang misis niyang si Cassandra." Mahaba kong sabi     Sinuklian niya ako ng isang pilit na ngiti.     "Dapat ay may asawa na rin ako ngayon. Dapat ay may misis na rin ako.." Aniya bago napa iling ng sunod-sunod.     "Hey! Grey, hindi ako nagpunta rito para pasamain ang loob mo. Gusto kitang kamustahin and there's something bothering me." Alanganin kung sabi sa kanya.     "Babae?"     Tumango ako bilang sagot.     "Yeah, babae." Pag kumpirma ko.     "Kailan pa may babaing nagpagulo sa isipan mo? As I know, kapag may babae kang natipuhan ay para kang sinisilihan. Pero kapag nakuha mo na ang gusto'y para kang palos na masyadong madulas sa pag-iwas." Mahaba niyang sabi.     "I don't know what is happening to me. Matagal ko na siyang kasama pero hindi ko siya pinapansin. Kagabi sa party ay hinalikan ko siya pero sinampal niya ako." Paliwanag ko sa kanya.     Napa ngiti si Grey habang naka tingin sa akin na parang di maka paniwala sa sinabi ko. Kahit bihira nang ngumiti si Grey buhat ng hindi matuloy ang kasal nito at maaksidente ay nakaramdam ako ng tuwa. Ang bahagya siyang ngumiti dahil sa aking kwento.     "Naka kita ka na ng katapat mo?" Tanong niya.     "Maybe..." Hindi sigurado kung sagot.     "Pero ang sabi mo'y matagal mo na siyang kasama? Kilala ko ba siya?"     Tumango ako sa aking pinsan.     "Yeah, kilala mo siya. Si Shanaiah."     "Iyong secretary more?" Parang di maka paniwalang turan niya.     "Yes, and you know what? She's known being the great cassanova Queen. She's the lost sister of Shun and Shin. Her real name is Shanaiah Maire Elustre."     "Ow!.. So, she's back on track huh." Aniya na napa iling-iling pa.     Napa kunot noo ako dahil sa sinabi niya. Kilala ba ng pinsan ko si Naya bilang Maire?     "You know her?"     "Yeah, Shun and Shin are my closest friend when were in highschool, college and up to now. Of course I know her being Maire, but not being your nerd secretary."     "Uhmm..." Wala akong masabi pa. I never expect this. My cousin know her, really knew her.     "She's not a cassanova before..." Simula ni Grey, dahilan para mapaayos ako ng upo. Habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.     "But, everything has change when she fall in love. That love break her into pieces. The reason why Maire Elustre born. She become a model and great cassanova Queen. A head turner and player." After niyang mag kwento ay tumitig siya sa akin ng seryoso. "Why didn't you try to change your strategy?"     Napa buntong hininga muna ako bago bumaling sa kanya. "Anong strategy." Naka kunot ang noong tanong ko kay Grey.     "Nasanay ka kasing nama-magnet na sa'yo ang mga baaing natipuhan ko. Maski ngitian mo lang o kaya'y titigan eh nahuhulog na sa'yo. Nadadala mo sila kahit saan mo gustong dalhin sa kaunting bola lang. Why don't you try to court this time?"     "You know that I don't know how to court."     Napa iling si Grey sa aking tinuran.     "Maybe it's time na matutunan mo na iyon. If you really like her. But if not, then ibang babae na lang ang pagka abalahan mo. Believe it or not, maybe she change, but I still believe that the old Shan that I use to know is still their hiding inside her. The innocent yet charming girl na laging nangungulit sa'kin every time na pomupunta ako sa ka nila." Payo sa'kin ni Grey bago muling tumitig sa aking mga mata ng deritso. "Naranasan mo namang manligaw no'n di ba? Kaya marunong kang manligaw. Kinalimutan mo na nga lamang dahil sa ginawa sa iyo ni Nicole."     Napipilan ako sa sinabi ni Grey.     "Pinaikot, niloko at iniwan ng babaing minahal natin." Then he look in the window. "Ikaw si Nicole, ako si Andrea. Kaya bitter ako ngayon, galit sa mga babae at walang tiwala sa kanila. Samantalang Ikaw, pinag lalaruan mo ang mga babaing nahuhumaling sa'yo to get even."     Yeah, he is right. But this time? I don't know anymore. I'm confused and upset. This is a bad sign-- or not? ••••••••••To be continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD