“Kahit anong isipin ko, I couldn’t accept it na ikaw ang asawa ko. I mean, look at you; this place, them, the people around. Ghad!” Kyla let out a dramatic sigh habang nakatingin sa paligid, halatang naiinis na sobra. Para na tuloy siyang nasa isang horror movie kung saan ang lahat ng nakikita niya ay hindi tumutugma sa kanyang taste. “I couldn’t believe it! Kaya ang mabuti pa, iuwi niyo na lang ako sa pamilya ko!” Dagdag pa niya dahil talagang hindi na siya natutuwa sa mga nangyayari. Aba, nagising lang naman siyang may asawa na? Ngumisi Naman si Watt at halatang ine-enjoy ang frustration ni Kyla. After all, ito ang plano nila. Dahil mayroong temporary memory loss si Kyla, he wanted to seize this opportunity to pretend to be his husband. Well, sa ganitong paraan lang kasi nakikita ni Wa

