CHAPTER 15

1549 Words
Habang mabilis na tinatahak ng itim na SUV ang madilim na kalsada patungo sa warehouse, ang tension sa loob ng sasakyan ay parang isang mabigat na ulap na hindi mabasag. Tahimik ang lahat, maliban kay Don Deather na hawak si Lucille—ang metal baseball bat na mas kilalang mas brutal kaysa sa kahit anong armas. Para kay Deather, si Lucille ang ultimate symbol ng kanyang kapangyarihan at walang awang pamumuno. “Kung totoo ngang gumagalaw na si Kyla Cassidy, then we must be careful, Don Deather,” basag ni Drako, ang consigliere ng Cartel, habang nakatingin sa labas ng bintana. Ang tono ng kanyang boses ay seryoso, puno ng pag-aalala. Kilala niya si Kyla Cassidy, ang CEO ng K Newspapers and Magazines. Isang babaeng hindi dapat maliitin, lalo na kung ang kalaban ay tulad ng Scarface Cartel. Hindi sumagot si Deather agad. Nakatingin lang siya sa harapan, waring iniisip ang sinabing iyon ni Drako. Ang kanyang mukha ay kalmado, pero may nakatagong bahid ng panunuya. “I get your point, Drako. But what could that woman do to us? Publish articles about how huge our connections are? Publish how strong and deadly our reputations are? Ganun ba?” Tumigil siya, saka ngumisi, isang malamig at mapanuyang ngiti na tila nang-aasar. “Drako… I never thought you would be this dull-minded after everything we’ve been through.” Yumuko si Drako bilang tugon. Kahit siya ay puno ng pagdududa na baka may mangyaring hindi nila inaasaha , alam niyang hindi niya pwedeng kontrahin ang boss niya. “Enlighten me, Scarface…” Nagpatuloy si Deather, ang kanyang tinig ay puno ng kumpiyansa at bahagyang panunuya. “If that woman published such revelations, it would only increase our power. You see, the Philippines is already flooded with gangs; and Filipinos have a positive perception towards mafias. If they would know the existence of the mafia, they would seek asylum, and eventually will make us even more dangerous.” Sandaling natahimik si Drako. Nag-sink in ang sinabi ng kanyang boss. Ang totoo, tama si Deather. Sa isang twisted na paraan, maaari itong magamit ng Cartel para maging mas malakas. There would be a huge possibility na magamit nila ang mga existing gangs “I see. You’re a cunning man for using Kyla Cassidy to our gain…” sagot ni Drako, unti-unting nakikita ang mas malawak na plano ng Don. “Relax, Drako…” sagot ni Deather, habang hinigpitan ang hawak sa kanyang bat. Ang kanyang malamig na ngiti ay muling lumitaw. “I am not your old boss.” Tumahimik si Drako. Sa loob-loob niya, tama si Deather. Ang nakaraan nilang grupo, ang La Sombra, ay matagal nang wala. Ito na ngayon ang Scarface Cartel—isang mas madugo, mas brutal, at mas makapangyarihang organisasyon. “Yeah… you’re right, Deather. You’re not my old boss. Shadow is already long gone.” Pagdating ng SUV sa warehouse, agad na sinalubong sina Don Deather ng tatlong lider ng Scarface crew. Sa kabila ng kadiliman at mga sirang ilaw, buhay na buhay ang lugar, punong-puno ng enerhiya ng mga tauhan ng Cartel. “Deather…” bungad ni Detonator, isang matangkad, morenong lalaki na suot ang mamahaling black suit na parang galing sa isang high-end fashion show. Ang fit ng suit ay nagpapakita ng kanyang maskuladong katawan, bagay na sadyang pinagmamalaki niya. Siya ang lider ng assault force ng Scarface. Sumunod sa kanya si Dice, isang matabang lalaki na may malaking tiyan, hawak ang burger na parang extension na ng kamay niya. He is the leader of the guard force. Sa likuran naman nila ay si Ms. Crowbar, ang leader ng main force—isang babaeng napakapayat, halos hubad na sa suot niyang leather corset at fishnet stockings. Lahat ng kilos niya ay puno ng kumpiyansa at bahid ng kawalang pakialam. “Everything is ready as you instructed,” sabi ni Detonator habang pinapanood niya si Deather na walang reaksyong pumasok sa warehouse. Habang naglalakad sila papunta sa gym area ng warehouse, bumungad ang isang mala-impiyernong eksena. Ang gym ay may mga kalawangin na pader, ang sahig ay may mantsa ng dugo, at ang halimuyak ng lumang bakal at pawis ay nakakasuya. Imbes na punching bags, mga taong nakatali at nakabitay ang makikita rito—mga traidor, kalaban, o sinumang nagkamali sa utos ng Cartel. “The gym is yours, Deather,” sabi ni Detonator, sabay galang na pag-alalay sa kanilang Don papasok. “Good…” mahinahon ngunit malamig na sagot ni Deather. Walang emosyon, pero sapat na iyon para maramdaman ng lahat na may mangyayaring hindi maganda. Habang tinitignan ng lahat ang kanilang boss, si Dice naman ay walang pakialam na ngumunguya pa rin ng kanyang burger. “May hininga pa ang isa d’yan, Don. Baka mangagat ‘yan…” pabirong sabi niya, sabay kagat sa burger. Tumigil siya nang titigan siya ni Drako, ang consigliere ni Deather, na halatang iritado sa kanyang mga biro. “Alright…alright… I’m just trying to have some fun…” bulong ni Dice, sabay iling. Samantala, si Corey, isa sa mga bagitong miyembro ng Cartel, ay mukhang nababagot. “Don Deather… kailan ba tayo kikilos? Nababagot na ako rito, oh!” reklamo niya, ngunit ni hindi siya nilingon ni Deather, na para bang sinasabing huwag siyang magmadali kung ayaw niyang sumunod sa mga nakabitay. Habang papalapit si Deather sa mga nakabitay na tao, bitbit ang kanyang partner na si Lucille, may kakaibang tension ang dumaloy sa hangin. Si Lucille, ang kanyang metal baseball bat, ay parang extension ng kanyang kaluluwa. Walang sinumang makakalimot sa brutalidad nito sa kamay ni Don Deather. Paglapit niya, napansin niya ang isang lalaki sa gitna ng mga nakabitay. Ito si Damiano, isang undercover cop na nagpapanggap na miyembro ng Cartel. Nahuli siya kamakailan lamang, at ngayon ay naghihintay ng hatol mula sa Scarface Don. “Well, well… guess who’s here,” sarkastikong sabi ni Deather habang naglalakad paikot kay Damiano. Nakabitin si Damiano mula sa ceiling, ang kanyang mga kamay at paa ay mahigpit na nakatali, habang ang bibig niya ay nakatakip ng duct tape. Pero kahit ganoon, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at tapang, hindi nagbigay ng anumang senyales ng pagsuko. “You know what, Damiano? You got me there. You made a fool out of me.” Malamig ang boses ni Deather, ngunit may halong bahid ng panunuya. Lumapit siya kay Damiano, tinitignan ang bawat galos at pasa sa katawan nito, para bang ini-enjoy ang kanyang tagumpay. Tahimik lang si Damiano, ngunit ang kanyang mga mata ay parang mga kutsilyo na nakatutok kay Deather. Nagpatuloy ang Don. “You know what, Damiano? I could forgive you…” ngumiti si Deather, ngunit halatang hindi iyon isang mapagpatawad na ngiti. Itinaas niya si Lucille, ang ilaw mula sa itaas ay tumama sa metal, kumikislap ito na parang nagbabadyang salot. “…but my Lucille is heartless!” Walang alilangang, buong lakas na hinampas ni Deather si Damiano gamit si Lucille. Ang tunog ng metal na tumama sa laman at buto ay dumagundong sa warehouse, na parang sinadyang iparinig sa lahat ng naroon. Sunod-sunod ang kanyang paghampas, bawat isa ay mas malakas kaysa sa nauna. Ang dugo ay nagtilamsikan, kumalat sa sahig at tumama sa mga pader. Sa bawat hampas, parang mas lumalaki ang ngiti ni Deather. Naliligo siya sa dugo ni Damiano, ngunit wala siyang pakialam. Para sa kanya, ito ay bahagi ng business. Isang paalala sa lahat na ang pagtataksil ay walang lugar sa Scarface Cartel. Nasa gilid lang si Drako, tahimik na pinapanood ang eksena. Kahit ilang beses na niyang nasaksihan ang ganitong karahasan, may bahagi pa rin sa kanya na parang naninikip ang dibdib. Ngunit bilang consigliere, alam niyang hindi niya puwedeng kontrahin ang kanyang boss. “Don’t stop now, Deather!” sigaw ni Ms. Crowbar mula sa likod, waring na-e-enjoy ang palabas. Samantala, si Dice ay patuloy lang sa pagkain ng kanyang burger. “Mukhang well-done na ‘yan, Don. Puwede nang i-serve,” pabirong sabi niya, pero natigil siya nang muli siyang titigan ni Drako. “Alright, alright… just saying…” Pagkatapos ng ilang minuto, natigil rin si Deather. Tumigil siya, humihingal ngunit may ngiti ng kasiyahan sa kanyang mukha. Ang katawan ni Damiano ay wala nang buhay, nakabitin pa rin sa ceiling ngunit halos hindi na makilala sa dami ng tinamo nitong sugat. Tahimik na tumayo si Deather, hinawakan si Lucille na ngayon ay basang-basa sa dugo. Tumalikod siya, humarap sa kanyang mga tauhan, na lahat ay tahimik na nakatingin sa kanya. “This,” aniya, ang boses ay malamig at puno ng awtoridad, “is what happens to traitors. Mistakes are unacceptable. Betrayal is unforgivable. Let this serve as a reminder to all of you.” Tahimik na tumango ang lahat, walang sumubok magsalita o magtanong. Ang presensya ni Deather ay parang bigat na hindi nila kayang salungatin. Habang naglalakad si Deather palabas ng gym, iniwan niyang nakabitin si Damiano bilang paalala sa lahat ng nasa warehouse. Si Drako naman ay sumunod sa kanya, ang kanyang mukha ay neutral, ngunit sa loob-loob niya ay alam niyang mas titindi pa ang mga bagay-bagay. Ang Scarface Cartel ay hindi isang simpleng organisasyon. Ito ay isang imperyo ng takot at kapangyarihan, at si Don Deather ang kanilang hari—isang hari na walang takot, walang awa, at walang balak umatras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD