“Ma’am Kyla! Ma’am Kyla!” malakas na sigaw ni Manang Karen habang mabilis na umaakyat sa marmol na hagdan. Daladala niya ang resume ng isang bagong driver na, ayon sa agency, ay highly recommended.
Kasalukuyang nasa harap ng vanity mirror si Kyla Cassidy, inaayos ang kanyang buhok habang suot ang isang custom-made Chanel blazer. Napakaganda niya—parang hindi nagagalusan kahit sa kalagitnaan ng drama ng buhay. Well, kahit nga siguro ang isang lamok mahihiya pa sa kinis ng kanyang kutis. What a porcelain skin. Hindi nga siguro ‘to naiinitan ng araw sa sobrang puti eh.
“Ano na naman, Manang Karen?” malamig na sagot niya habang paakyat na rin papunta sa kanyang room.
“Eh kasi po, ma’am Kyla, may nahanap na po akong new driver. Maganda po ang kanyang resume, at sabi ng agency ay top-rated daw po siya!” Excited na saad ni Manang Karen, hawak-hawak ang papel na tila isang trophy. Kahit naman minsan ay sinto-sinto si Manang, naaasahan rin pala minsan.
Itinaas ni Kyla ang kanyang kilay, nag-aalangan. Tinaggal niya ang kanyang sunglasses at bumungad ang kanyang mga mata; nilapitan niya ng bahagya si Manang Karen. “Siguraduhin mong may lisensya ‘yan, ha. Ayoko ng kung saan-saan ako dalhin na parang road trip sa impyerno. Gusto ko ‘yong straight to the point. Kung pwede sana ‘yong may map sa mukha, kunin mo do-doble ko ang sahod.”
“Opo, ma’am Kyla! Sabi po dito, may ten years of experience siya.”
“Ten years?” Kunot-noong tanong ni Kyla. Hindi siya halos makapaniwala sa kanyang narinig. Biruin mo may 10 years experience? Aba kaba kunot na masyado ang mukha n’on. “Baka gurang na masyado ‘yan ha, Manang. Sinabi ko na sa ‘yo, gusto ko ng driver na may itsura. Ayoko namang araw-araw kong kaharap ang monster of all the monsters, no. Gusto ko ‘yong fresh! ‘Yong nakakagaan ng araw!”
“Hindi naman po siguro siya gano’n, ma’am. Medyo bata pa po siya!” Sabay tawa ni Manang Karen, sinubukang pahupain ang tensyon.
“Well, good. Tsaka dapat hindi late ha! Baka ma-late lang ‘yan sa unang araw, mapatalsik ko agad. Make sure na hindi siya aabot sa point na mas mahaba pa ang sermon ko kaysa sa biyahe ko,” dagdag ni Kyla habang paakyat na sa hagdan.
“Kailan ba siya magsisimula?” tanong ni Kyla, huminto sa gitna ng hagdan para magbigay ng last-minute instructions.
“As soon as possible po, ma’am. Ready na po siya!” sagot ni Manang Karen.
“Good. Kailangan ko na ng driver. Namamanhid na ang mga kamay ko sa kaka-drive ng sarili kong kotse. Nakaka-downgrade,” iritadong sagot ni Kyla. Huminto siya, tumingin kay Manang Karen. “At pwede ba, kahit pogi naman kahit konti? Baka naman mukhang pader ng barbershop yan.”
“Don’t worry po, ma’am. You’ll like him!”
“Wait… there's more! Make sure na hindi siya naglalaro ng waiting game! Baka magilitan ko siya ng leeg at matapon sa ilog ng wala sa oras!”
Paglabas ni Manang Karen sa mansion, nakatayo sa harap ng gate ang bagong driver, si Mr. Watt Yabro. Ang lalaki ay matangkad, may malinis na haircut, at mukhang propesyonal sa kanyang white polo at slacks. Kahit may pagka-misteryoso ang dating, hindi maitatanggi na gwapo ito.
“Magandang Umaga po,” bati ni Watt, sabay abot ng isang magalang na handshake kay Manang Karen.
“Magandang hapon rin. Ikaw ba si Mr. Watt? Watt Yabro?” tanong ni Manang Karen, bahagyang sinisiyasat ang lalaki mula ulo hanggang paa. Matapos niyang makita ang buong pangangatawan nito, napaisip ni Manang Karen: “Grabe sa muscles tsaka ang astig ng datingan. Parang mafia lang ba…” Ngunit tumango lang siya bilang tugon.
“Yes, ma’am. Ako po ang na-assign bilang bagong driver ni Ms. Kyla Cassidy,” sagot ni Watt sa tonong propesyonal. Ops, he's tone was very manly na para bang nakakalaglag ng panty.
“Ugh, is this the perfect driver? Drive me like crazy, Mr. Watt Yabro!" Muling sambit ni Manang Karen sa kanyang isipan matapos niyang marinig ang boses nito.
“Hmm… Mukhang may potential ka naman. Medyo mas bata ka nga kaysa sa inaasahan ko. Maganda ‘yan. Pero nakaka-intimidate ka rin ng konti, ha. Teka, may asawa ka na ba?” tanong ni Manang Karen na halatang nakikiusyoso.
“Ahh…ehh…” Napakamot naman ng ulo si Watt at nag-aalangan pa sa isasagot.
" Please… please … sana single ka pa, Mr. Yabro. Ang got mo masyado, ugh…” Muling pantasya ni Manang Karen habang kaharap ang bagong driver.
“Wa-wala po,” sagot ni Watt, bahagyang nakangiti.
“Good! Ay este… okay. Alam mo naman si ma’am Kyla, very strict. Ayaw niya ng mga late. Kapag pinahawak ka niya ng sasakyan, dapat walang gasgas o kahit fingerprint na makikita. At pwede ba, huwag masyadong gwapo? Kasi baka ma-distract siya,” pabirong sabi ni Manang Karen habang binubuksan ang gate.
Ngumiti si Watt pero nanatiling tahimik. Sa loob-loob niya, naisip niyang mas challenging ang magiging trabaho niya kaysa sa inaasahan.
“Alright! I guess you are far more ready than I thought." Full English na ani ni Manang. Nagpapabilib yata siya kay Watt eh, diba? Halata naman.
Sa likod ng utak ni Watt, he couldn't believe that this Manang is great at English. “Ahh…ehh… Grabe si Manang feeling elite sa Englishan pero ang accent parang galing sa palengke university…” Ngunit tumango pa rin siya bilang tugon.
“Welcome to my life! Este… welcome to hell, Mr. Yabro!”
Samantala, si Kyla ay nasa kanyang kwarto, nagbubukas ng laptop at nagsu-surf about sa isang mafia group– ang Scarface Cartel—isang underground crime group na kilala sa kanilang illegal operations. Sa gitna ng lahat ng drama ng buhay niya at hindi talaga maipagkalaila ang kanyang super witty and pretty na awra. Well, she's a writer though kaya gusto niya ng ganitong mga intrigued files.
“You really intrigue me, Mr. Scarface…” bulong niya habang nagbabasa ng isang article tungkol kay Don Deather, ang pinuno ng cartel.
Muling tumingin si Kyla sa salamin at ngumiti. “This is the kind of excitement I live for. I can’t wait to get closer to you, Scarface,” bulong niya habang iniisip kung paano niya malalapitan ang Don.
Ilang sandali pa, kumatok si Manang Karen sa pinto ni Kyla. “Ma’am Kyla, dumating na po ang bago n’yong driver. Puwede n’yo na po siyang makilala!”
Napabuntong-hininga si Kyla. “Sige. Dalhin mo siya sa garage. Gusto ko siyang makita sa actual na setting. Siguradohin mong hindi napapahiya ‘yan ha, baka matadjakan ko ‘yan ng wala sa oras!”
“O-opo ma'am!" Sagot naman ni Manang Karen ngunit Hindi siya nababahala kay Watt. Naglalaro kasi ang isip niya ng mga pantasyang lagpas hanggang langit. “Sige lang ma'am Kyla, sipain mo lang ang aking perfect driver dahil sasaluhin ko sya 'til the end of the world…”
Naghintay si Watt sa garahe, nakatayo sa tabi ng isang luxury SUV na tila mas mahal pa kaysa sa buong savings niya.
Pagdating ni Kyla, suot ang kanyang oversized sunglasses, tiningnan niya si Watt mula ulo hanggang paa. Tumigil siya sa harap nito, crossing her arms. “So, ikaw pala si Mr. Watt Yabro.”
“Yes, ma’am. At your service,” sagot ni Watt, magalang na nakatingin kay Kyla.
“Hmm. Not bad,” sabi ni Kyla habang iniikot ang sasakyan, sinisiyasat kung tama ang posture ng driver habang nakatayo. “Kaya mo bang magmaneho ng ganitong kotse? Hindi ka ba naninibago sa high-end?”
“Hindi po, ma’am. Sanay na po ako sa ganitong uri ng sasakyan,” sagot ni Watt nang walang pag-aalinlangan.
“Well, we’ll see. Start the car and drive me to the city. Ngayon na,” utos ni Kyla habang sumakay sa passenger seat.
Sa loob ng kotse, tahimik si Watt habang nasa manibela. Samantalang si Kyla ay nakatingin sa bintana, ineenjoy ang tanawin pero minamatyagan din ang bagong driver.
“You drive well,” sabi ni Kyla makalipas ang ilang minuto.
“Thank you, ma’am,” sagot ni Watt.
Ngunit sa isip ni Kyla, iniisip niyang may kakaiba sa lalaki. Parang masyadong composed ito, na tila may itinatagong lihim.
“Bakit ka naging driver?” biglang tanong ni Kyla, iniangat ang kanyang sunglasses at tumingin kay Watt.
“Personal reasons po, ma’am,” maiksing sagot ni Watt.
“Hmm. Masyado kang mysterious. Let me guess, nagtatago ka rin ng sekreto, tulad ko?” pabirong sabi ni Kyla, pero may halong seryosong tono.
Ngumiti si Watt pero hindi sumagot.
Habang papunta sila sa city, napansin ni Kyla ang isang black SUV na tila sumusunod sa kanila. Agad na tumalas ang kanyang instincts.
“Watt, bilisan mo. May sumusunod sa atin,” sabi ni Kyla na biglang naging seryoso ang boses.
“Yes, ma’am,” sagot ni Watt, sabay apak sa gas.
Ang black SUV ay biglang bumilis din, hindi nagpaawat sa paghabol. Sa pagkakataong iyon, napatunayan ni Kyla na hindi ordinaryong driver si Watt. Ang kanyang mga galaw sa manibela ay mabilis at eksakto, tila sanay sa ganitong sitwasyon.
“Who are you, really?” tanong ni Kyla habang mahigpit na nakakapit sa kanyang seatbelt.
“Your driver, ma’am,” sagot ni Watt na parang wala lang, kahit mabilis ang takbo nila sa highway.
“You’re more than that,” sabi ni Kyla, nakangiti ng bahagya.
Pagkarating nila sa isang secluded area, huminto si Watt at bumaba ng sasakyan. Lumapit ang black SUV, at bumaba ang tatlong nakaitim na lalaki dala ang mga patalim. Sa loob naman ng sekot ay kalmado lang na nakatingin si Kyla na tila alam na alam ang mga nangyayari.
Kaagad na sumugod ang tatlong lalaki at akmang sasaksakim si Watt ngunit kaagad namang siyang nakailag at nakabawi ng suntok.
“Wow… not bad, my driver…” Sabi ni Kyla habang pinagmamasdan lang ang nangyayari.
Kaagad namang napatumba ni Watt ang tatlong lalaki. Ginulat pa niya ito dahilan upang mag takbuhan at bumalik sa loob ng black SUV bago humarurot.
“You're quite good at fighting, don't you? You are used to it. I can tell…” Muling sambit ni Kyla.
Nakangiti naman si Watt sa sinabi ni Kyla sa kanya. “I am a driver po, ma'am Kyla. My duty is to protect you. I am only doing my job…” Mahinahong sagot naman ni Watt.
“‘Kay… get to the car. Drive me to the city.” Kaagad namang sumakay si Watt at pinaandar ang sasakyan.
“What are you, Watt Yabro…” Tanong ni Kyla sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang kanyang bagong driver. Tumingin naman ito pabalik sa kanya dahilan upang mailang sya.
“Hmmm… no worries ma'am. I'll get you to your destination safely…” Tugon ni Watt.
“OKay!"