CHAPTER 2

1286 Words
Sa loob ng opisina ng chief of police, ang araw ay nagsisimula nang masaya para kay PltCol Hunter Hidalgo—o hindi ba? Ang kanyang routine na mapayapang umaga ay tila nagambala sa pagdating ng isang espesyal na bisita. Isang bisitang madalas kamalasan lamang ang binibigay nito sa kanya. Minsan sakit sa ulo, at minsan naman ay intimidation. Well, this is not just a normal intimidation because this bisita of him uses a forbidden jutsu to intimidate a man like PltCol Hunter– a beauty beauty jutsu. Sa ilang taon ng kanyang serbisyo bilang tagapagpatupad ng batas, bihira siyang matakot na naging dahilan upang maging pinuno siya ng buong police department sa kanilang lugar, ngunit si Kyla Cassidy, CEO at executive writer, ay laging may paraan para guluhin ang kanyang araw. “Oh, Kyla, ang aga mo rito ah. I'm sure mahalaga ang sadya mo,” bati ni Hidalgo nang may halong biro. Alam niyang hindi basta-basta pumupunta si Kyla sa opisina niya nang walang dahilan. Si Kyla naman, na palaging maayos at may aura ng pagiging isang diva, ay umupo nang walang paalam sa upuan sa harap ng desk ni Hidalgo. Tinanggal niya ang kanyang malaking sunglasses at inilapag ito sa mesa. Ang kayang mga mata na parang isang bulaklak sa disyerto ay kaagad namang nagpalunok ng always nitong feeling astig na chief. “Not really, Hidalgo. Gusto ko lang ng magandang coverage para sa susunod kong publication. Wala bang kakaibang cases na pwede kong ma-content? Ugh, I bet you are trying to hide something. Come on, Hidalgo. You know the drill.” Ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa at bahagyang kaartehan, na tila laging may bahid ng pagiging prinsesa. Well, no one could hide the fact that she's an expensive one. A woman who's feared by many, admired by all, but pursued by none. Napailing si Hidalgo, nagtataka siya kung paano niya napapahintulutan ang ganitong uri ng pagtrato mula sa kanya. He is the chief of police in the city, and yet he becomes a total clueless peasant amount this bossy pretty woman. Maarte nga lang like super. Ngunit ang totoo, may malalim na dahilan kung bakit hindi niya magawang tanggihan si Kyla. Malapit ang pamilya nila sa isa’t isa, at higit pa doon, malaki ang utang na loob ng mga Hidalgo sa mga Cassidy. “Ugh… fine, Kyla,” sagot ni Hidalgo na may halong pagbuntong-hininga. Hinugot niya mula sa ilalim ng kanyang desk ang ilang makapal na files. “If you could only be a criminal, I would resign my position. You really know I couldn't say no to you, though. What a naughty girl you are…” Nakangiti si Kyla, ang uri ng ngiti na tila kayang palambutin ang kahit na sino. Kahit aso mangingisay kapag Nakita ang ngiti ng isang half American half Pinoy. "Thank you… my hero," sabi niya habang nagpanggap na bumato ng halik sa hangin. “Such a naughty girl…” bulong ni Hidalgo sa sarili, bago binuksan ang mga files. Isa sa mga ito ang umagaw ng kanyang pansin, at ito rin ang plano niyang ibahagi kay Kyla—kahit labag ito sa protocol. “This is classified information. Currently, we are conducting a discreet operation against mafia groups around the city– particularly the Scarface Cartel headed by the fearless leader Deather AKA Scarface.” Hindi naman makapaniwala si Kyla and he couldn't even hide her feelings. Nagliwanag ang mukha niya out of curious. “I haven’t heard about that,” sagot niya na parang batang excited. “Well, that’s gonna be a big hit!” Napanganga si Hidalgo ng ilang sandali. “It could be, Kyla…for you. But it could also endanger the whole police organization if you act recklessly.” “Come on, PltCol Hunter Hidalgo, this is me, Kyla, the most pretty and witty woman in the field of newspapers and magazines,” tugon ni Kyla habang tumayo at iniayos ang kanyang leather jacket at nagpakawala ng nakakabighaning kindat. “Me, you mean me? I won’t fail you, Hunter…” Napapailing si Hidalgo. “Alright…” sagot niya na tila nagkakasala sa sarili. Sino ba naman ang hindi kung magdi-disclose ng classified information ang isang chief of police sa isang mapanirang magandang manunulat, diba? “Since marami ka nang nalalaman—” “Ops… since I already know it, you better keep me updated, right?” putol ni Kyla sa kanyang sasabihin. Tumayo siya at inilapit ang mukha sa kanya nang bahagya, habang hawak ang braso ni Hidalgo. “Right, my hero?” Napaatras si Hidalgo. Hindi niya alam kung paano pinapanatili ni Kyla ang ganitong uri ng awtoridad sa kanya. If there could be a law penalizing the use of beauty in any personal means, Kyla would have already been sentenced to life imprisonment. “Ugh, what a drag… alright then, I’ll keep you updated, Ms. Kyla!” “Are you napipilitan or something, my hero?” tanong ni Kyla habang ini-lean forward ang kanyang ulo, na tila pinapalapit pa lalo ang mukha niya kay Hidalgo. Hindi naman mapigilan ng chief na mamula dahil sa super lapit na ng isang super maganda at witty sa kanyang mukha. Para tuloy siyang nakikipag face to face sa isang anghel na ibinagsak sa lupa. At the very least– anghel pa rin, diba? “No-no…” mabilis na sagot ni Hidalgo, bahagyang naiilang. “Good. You better keep me updated,” sagot ni Kyla, at dahan-dahang naglakad palabas ng opisina ni Hidalgo. Hindi tuloy makapaniwala ang chief kung bakit nawawala ang kanyang tapang tuwing kaharap ang isang super maganda at super witty na writer. Napatingin siya sa kumikimbot na baywang ni Kyla nang bigla itong lumingon para sa huling kindat, at saka nagpaalam. “Wo-wow…” Tanging nasabi nalang ng chief sa kanyang nasaksihan. He was totally a total mess in front of her- that super pretty and super witty Kyla Cassidy. Paglabas ni Kyla mula sa precinct, nag-park siya sa tabi ng curb at binuksan ang kanyang laptop. Seryoso siyang nagtatrabaho kahit pa may pagka-dramatika ang kanyang kilos. Her skills as a writer and her instinct to sniff out great stories made her a force to reckon with in her field. “Scarface Cartel, huh?” she murmured to herself, habang mabilis ang pag-type sa kanyang laptop. “Sounds like a bestseller.” Sinimulan niyang mag-outline ng ideas, habang iniisip kung paano gawing interesting ang kuwento nang hindi inilalantad ang classified details na sinabi ni Hidalgo. Samantala, si Hidalgo ay nanatili sa kanyang mesa, nagtataka kung paano niya muling napayagan si Kyla na kumbinsihin siya. “What a force of nature,” sabi niya sa sarili. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya maiwasang humanga sa talino at kakayahan ni Kyla. “I just hope she doesn’t get herself into trouble…” Ang kaso tungkol sa Scarface Cartel ay seryoso at delikado. Alam niyang isang maling hakbang lang ay maaaring maging sanhi ng pagkabulilyaso ng kanilang operasyon. Ngunit alam rin niya na hindi basta-basta napipigilan si Kyla. Sa tingin niya, tila na-predict niya na ang mga susunod na mangyayari: magiging parte si Kyla ng operasyon, kahit pa hindi niya ito gusto. Kyla smiled as she closed her laptop. "Time to make some calls." The thrill of chasing dangerous stories never failed to excite her, kahit pa delikado ito. She grabbed her phone and dialed a contact. “Hey, I need intel on a certain Scarface Cartel. No questions asked. You know I’ll pay big.” Habang nag-uusap sila, sa kabilang linya naman ay may isang kalaban na nakikinig. Little did Kyla know, the Scarface Cartel already had their eyes on her, making her next steps more perilous than she could ever imagine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD