Sa loob ng private lounge, ang init ng tensyon ay halos sumabog. Si Plt. Heath, kasama ang kanyang mga tauhan, ay nasa harapan ng mga miyembro ng Scarface Cartel at ng mga representative ng Sinaloa Cartel. Halos hindi na makahinga si Cobra, nakayuko at tila hindi matanggap ang pangyayari, habang si Drako ay kalmadong ngumiti, na para bang alam na niya ang kalalabasan.
“I guess you lose, lieutenant…” ani ni Drako, ang boses nito ay puno ng yabang.
Nagulat ang lahat nang biglang may sumipa sa pinto ng lounge. Bumukas iyon nang malakas, at tumambad sa kanila si Dice, ang matabang lider ng Scarface guards, bitbit ang duguan at bugbog-saradong katawan ni Officer Vega. Halos hindi na makilala si Vega; ang dating masiglang opisyal ay duguan at halos walang malay. Halatang pinagsawaan muna ang katawan bago dalhin sa harap ng kanilang team leader na si Heath.
“Put your gun down, Heath!” sigaw ni Dice habang itinulak ang walang-labang si Vega sa sahig, then he pointed a gun on him na para bang sinasabing kung hindi Niya ibababa ang kanyang baril ay babarilin niya si Officer Vega sa harap niya mismo.
Naguluhan ang mga tauhan ni Heath. Sa tensyon ng sitwasyon, hindi nila alam kung dapat nilang ibaba ang kanilang mga armas o ipaglaban pa ang laban. Ngunit bago pa man sila makapagdesisyon, tumayo si Deather, ang lider ng Scarface Cartel.
Sa isang mabilis na galaw, hinablot ni Deather ang baril ng isa sa mga opisyal ni Heath. Walang babala, binaril niya ito sa ulo. Ang tunog ng putok ay umalingawngaw sa buong kwarto, dahilan upang ang dugo ng opisyal ay tumalsik sa sahig.
Kasunod nito, ang iba pang mga miyembro ng Scarface Cartel at ang mga representative ng Sinaloa Cartel ay kumilos din. Sinundan nila ang ginawa ni Deather at walang habas na pinagbabaril ang natitirang mga opisyal ni Heath. Ang ilang segundo lamang ay tila nagtagal ng isang siglo. Isa-isa silang bumagsak, ang mga dugo at katawan ay nagkalat sa sahig ng lounge.
Naiwan si Plt. Heath, nag-iisa, nakatayo sa gitna ng kaguluhan. Ang kanyang mga kasamahan ay wala na. Ang kanyang team, na siyang pinakamahalaga sa kanya, ay nawala sa isang iglap.
“S-stop it, you devils!” sigaw ni Heath, ang kanyang boses ay nanginginig sa galit at lungkot. Ngunit ang mga miyembro ng cartel ay walang awa. This is the exact reason why the Cartel is feared. But this time, it might be the end of the task force revelation.
Lumapit si Deather sa kanya, ang mukha nito ay puno ng galit at poot. Sa isang mabilis na galaw, sinuntok siya nito sa tagiliran.
“Ugh…” ungol ni Heath habang bumagsak siya sa sahig, halos hindi na makahinga dahil sa sakit.
Tinutukan siya ni Deather ng baril sa ulo. Sa sandaling iyon, si Heath ay hindi na lumaban. Alam niya na tapos na ang laban. Tinanggap niya ang pagkatalo, ang kabayaran ng misyon nilang sumablay. After all, it's always between life and death, and since the mission has failed, he must be ready to take all of the consequences: death.
Ngunit ang hindi alam ng lahat, isang sulok ng lounge, nakatago si Kyla, tahimik ngunit nanginginig. Nakita niya ang lahat—ang pagpatay sa mga opisyal, ang barilan, patayin, lalo na ang transaction. Lahat ay recorded even ang mga walang pusong cartel members. She recorded everything mula una hanggang sa dulo. It turns out na kanina pa pala siya nakapasok sa loob ng lounge ng hindi napapansin. Maybe that's her specialty as a writer.
“Ghad…” bulong niya habang pinipilit na huwag mag-ingay. “It’s all gone kapag nakita nila ako rito.”
Ang bawat sandali ng kaguluhan ay naitala niya—ang mga mukha ng mga cartel members, ang boses ni Deather, at ang tunog ng baril. Ang p*****n, everything. If this leaks, it would probably be a huge hook para sa kanyang publication company. This is what she's been dreaming of.
Meanwhile, habang tinututukan ni Deather ng baril si Heath, biglang nagsalita si Dice, ang lider ng guards. Ang kanyang boses ay malamig, puno ng kasamaan.
“How about we let him see how all of his teammates died?” ani ni Dice, na may ngiting demonyo sa mukha.
Lumapit si Dice kay Officer Vega, na nakahandusay sa sahig, halos wala nang malay. Sa harap mismo ni Heath, tinutok niya ang baril sa ulo ni Vega.
“Ve-Vega…” pabulong na hagulgol ni Heath. “Do-don’t do it… Stop it…” nagmamakaawa siya, ngunit parang wala itong naririnig si Dice.
Sa isang iglap, pinutok ni Dice ang baril. Tumalsik ang dugo ni Vega, at ang ilan ay tumama pa sa mukha ni Heath.
“No!” sigaw ni Heath, ang kanyang boses ay puno ng lungkot at galit. He cried, that's the least he can do: to cry. The consequences of their actions have already been taken, and they were all aware of it. “Siguradohin nyong mapapatay nyoko! Dahil kahit sa impyerno, I will hunt everyone of you!” Gali na galit na sigaw ni Heath sa Scarface Cartel. But the Don just laughed, then he pulled his gun out of his head.
“You know what, Heath. My partner, Lucille, would love to do things with you.” He evilly laughed na parang may ibang makasalanang layuninin.
At habang nagaganap ang lahat ng ito, napansin ni Dice ang kakaibang liwanag mula sa sulok ng lounge. Napalingon siya at nakita si Kyla, hawak ang kanyang camera at patuloy na nagre-record.
“Well, well, well… Look what do we have here?” ani ni Dice, ang kanyang mga mata ay puno ng masamang balak.
Agad na nilapitan si Kyla ng dalawang cartel members at hinila ito palabas mula sa kanyang pinagtataguan. Nagsimula siyang pumiglas, ngunit hindi niya kayang talunin ang lakas ng mga lalaki.
Itinapon si Kyla sa harap ni Heath, na nakatingin sa kanya na parang nawawalan na ng pag-asa. Tinutukan siya ni Dice ng baril, habang si Deather naman ay ngumisi.
“I guess you know what happens to people who spy on us,” sabi ni Dice, habang iniikot ang baril sa kanyang kamay. Itinutok niya ito kay Kyla, but the Don stop him.
“Dice…” kalmadong tugon ng Don dahilan upang ibaba ni Dice ang baril. Then he looked at her, si Kyla, na kitang-kita sa kanyang mukha ang takot at paglabahala.
“I never thought you would be this desperate, Kyla…” wika nito, at nilapitan siya. Umupo ito at hinawakan ang kanyang makinis na mukha.
“You see, Kyla, I never paid attention to you lately. But look, you cross the line!”
“Shut up, you devil!” Sagot naman ni Kyla sa kanya. “Kayo ang dahilan kung bakit tumataas ang kriminalidad sa lugar natin! Wala kayong awa!”
“We have rules, Kyla. We have principles and standards that govern us.” He smiled, then he stood up. “We never kill anybody just because we want to see them dead. We are reasonable; and we deal with the one who crosses the line with us.”
“Does it matter, Don Deather!?”
“It does. We're different from any criminals you knew, Kyla. It's all about business.” He said, at naglakad papalayo sa kanila. Then he looked at his underboss– Cobra.
“You know the drill, Cobra…” Tinitigan niya ito sa mga mata na para bang gusto niyang kainin ito ng buhay. Hindi Naman sumagot si Cobra at yumuko lang.
“What's the meaning of this, Deather!?” Sigaw naman ni Mr. Lavender, ang representative ng Sinaloa Cartel. “What's the meaning of all of this!? Where's my people!?”
“We're being raided, Mr. Lavender.”
“You lier!” Sigaw niya.
“Are we?” Ani ni Deather, then he looked around Mr. Lavender's men, at isa-isa Niya itong pinutukan ng baril.
“De-Deather?” Drako couldn't believe what he witnessed. Binaril ng Don ang kanilang future business partners, and they're not just a normal people. They are from the Italian Mafia. And it would be a huge step back para sa kanila.
“Are you defying me?” Napatingin siya kay Drako. His eyes were fearless, na para bang anytime pwede syang pumatay ng kahit sino.
“No-no, Don Deather…”
Ngunit bago pa man makapagdesisyon ang cartel kung ano ang gagawin kay Kyla at kay Heath, isang malakas na pagsabog mula sa labas ang nagpayanig sa buong club.