Ang Roadside Club, na dati’y umaalingawngaw lamang ng malakas na musika at hiyawan ng mga partygoers, ngayon ay pinuno ng sigaw, kalampagan, at putukan. Sa likuran ng club, mabilis na umusad ang Task Force, pinangungunahan ni Plt. Heath, sa kanilang operasyon para supilin ang Scarface Cartel.
Sa madilim na hallway, halatang hindi inaasahan ng mga cartel guards ang pagsalakay. Ang ilan sa kanila ay nagulat at halos hindi na nakaporma, samantalang ang iba naman ay pilit na lumalaban.
"Shots fired! Shots fired!" sigaw ni Vega, isa sa mga beteranong miyembro ng Task Force, habang umaalingawngaw ang putok ng mga baril. Si Heath, hawak ang kanyang Glock, ay mabilis na umatake at napabagsak ang isang cartel member na papalapit sa kanya gamit ang baril.
"Secure the exits!" utos ni Heath sa kanyang team habang patuloy ang putukan. Alam niyang hindi pwedeng makawala ang mga lider ng cartel.
Habang patuloy ang engkwentro, nagkaroon na ng kaguluhan sa dancefloor. Ang mga clubgoers, na wala namang alam sa ilegal na operasyon sa likod ng club, ay nagsimula nang magtakbuhan palabas. Ang ilaw ng dancefloor na dati'y masigla at makulay ay tila mas madilim ngayon dahil sa takot ng mga tao.
"We need to contain the crowd!" sigaw ni Officer DeVries sa comms habang tinutulungan ang mga tao na makalabas ng ligtas. Ngunit alam ng Task Force na hindi iyon ang kanilang pangunahing misyon—ang target ay ang VIP area kung saan nagaganap ang transaksyon ng droga at armas sa pagitan ng Scarface Cartel at Sinaloa Cartel.
"Secure the VIP area!" utos ni Heath. Mabilis na tumakbo ang ilan sa kanyang team paakyat sa second floor. Ang Scarface leaders at ang mga representative ng Sinaloa Cartel ay naroroon, abala sa kanilang usapan, ngunit nagsisimula nang maghinala.
Sa VIP lounge, ang mga lider ng dalawang grupo ay nagkikita upang ipagpatuloy ang kanilang transaksyon. Ang Sinaloa representative, si Mr. Lavender, ay kalmado sa panlabas ngunit halatang naghihinala sa naririnig na kaguluhan mula sa labas.
"What’s that commotion outside?" tanong niya habang nakatingin kay Drako, isa sa mga matataas na tao ng Scarface Cartel.
Ngumiti si Drako, pilit na pinapakalma ang mga bisita. "I’m sorry, Mr. Lavender. It’s just a minor issue. Some drunkards causing trouble in the club, but our men are taking care of it."
Ngunit hindi kumbinsido ang Sinaloa representatives. Si Mr. Lavender ay yumuko at bumulong sa kanyang kasamahan. "Check what’s going on."
Sa kabilang banda, si Drako naman ay may parehong plano. Lumapit siya kay Detonator, ang lider ng assault team ng cartel, at bumulong. "Go check it out. Report back immediately."
Habang nagiging tensyonado ang paligid, nagpatuloy ang transaksyon. Ang mga produkto—malalaking supot ng droga at mga armas—ay pinapakita at sinusuri ng magkabilang panig. Ngunit sa kabila ng pilit na pagpapakita ng kontrol, alam ng lahat sa loob ng VIP area na may mali sa nangyayari.
Habang ang Task Force ay nagkakalat sa buong club, napansin ni Plt. Heath ang isang nakatagong pinto sa gilid. Ito’y ibang-iba sa mga naunang pinto na kanilang nadaanan—mas mabigat ang disenyo at halatang may masamang nangyayari sa likod nito. Somehow he felt some heavy atmosphere. His discretion as a police lieutenant says it all.
"This looks suspicious," bulong niya sa sarili habang dahan-dahang lumapit.
Habang papalapit siya, bigla itong bumukas. Lumabas ang dalawang lalaki, parehong matangkad at mukhang bihasa sa laban. Ang isa ay naka-fitted leather jacket, tila handa sa mabilisang kilos, at ang isa naman ay naka-long suit, mukhang kagalang-galang ngunit halatang mapanganib.
Nagkasalubong ang kanilang mga mata.
"Stop right there!" sigaw ni Heath, agad na itinaas ang kanyang baril. "Itaas niyo ang mga kamay niyo—"
Ngunit hindi pa natatapos ang kanyang sinasabi nang bigla siyang paputukan ng isa sa mga lalaki. Agad siyang nagtago sa gilid ng pintuan.
"Damn it! Mafias are really possessed with devils!" sigaw niya bago gumanti ng putok. Agad namang nagtago ang dalawang lalaki, ngunit hindi sila mukhang takot—tila sanay na sanay sa mga sitwasyong ganito.
Ang putukan ay nagpatuloy. Si Heath, gamit ang kanyang Glock, ay nagpaputok mula sa kanyang cover, habang ang dalawang lalaki ay nagpapalit-palit ng puwesto upang hindi sila matamaan.
"Backup! I need backup!" sigaw ni Heath sa kanyang comms.
Habang patuloy ang barilan, napansin ni Heath ang galing ng dalawa sa paggamit ng armas. Ang isa, na naka-leather jacket, ay mabilis mag-reload at tila sanay sa close combat. Ang naka-long suit naman ay mas maingat ngunit bawat putok ay eksakto, halatang bihasa rin sa paghawak ng baril.
“I'll go ahead and tell them what's going on!” Sigaw ng isa. He was about to return to where the transaction commence ng bigla siyang pigilan ng isa.
“No you can't…” wika nito at tinutokan siya ng baril. “I'm sorry but you can't tell them what's going on here. The transactions needs to be done at all costs!” Sigaw pa nito.
“You morons, Scarface Cartel!” Sigaw Niya bago siya binaril sa ulo ng lalaki– it was Detonator.
Nagulat naman si Plt. Heath sa narinig niyang putok, but he was even more shocked nang makita niyang bumulagta ang isang lalaki sa sahig.
“Did he just killed him!?” He was confused, but it doesn't matter. All that matters is to secure the mafia leaders and suppress their operations. To stop them no matter the costs.
Sa wakas, dumating ang backup ni Heath. Ang mga miyembro ng Task Force ay sumugod papasok, tinutok ang kanilang mga armas sa iisang direksyon lang.
"Sh1t! I need to fall back!" sigaw ni Detonator at agad na bumalik sa loob ng private lounge.
"Don’t let them escape!" sigaw ni Heath habang mabilis silang hinabol ng kanyang team.
Pagkapasok nila sa pinto, tumambad sa kanila ang isang secret room na puno ng kahon ng droga at armas. Ang lugar ay tila isang mini-warehouse sa loob mismo ng club.
"Jackpot," sabi ni Officer DeVries habang ini-scan ang paligid gamit ang kanyang flashlight.
Ngunit bago pa nila makumpiska ang lahat, biglang dumating ang assault team ng cartel. Muling nagkaroon ng palitan ng putok, mas malupit at mas magulo kaysa kanina.
"Take cover!" sigaw ni Heath habang tumatakbo sa likod ng isang lamesa.
Samantala, sa VIP area, naramdaman na rin ng mga cartel leaders ang tensyon. Si Mr. Lavender ay tumayo, galit na galit. "This is unacceptable! We were promised a secure deal!"
Ngumiti si Drako, ngunit halata ang pagkakairita. "Relax, Mr. Lavender. My men are handling it."
Ngunit hindi na mapigilan ni Lavender ang kanyang inis. "If this deal fails, you know what will happen to you, right?"
Tumango si Drako, ngunit bago pa siya makasagot, sumabog ang isang malakas na tunog mula sa labas ng VIP area. Nagsimula nang pumasok ang Task Force sa ikalawang palapag.
Sa loob ng ilang minuto, na-neutralize ng Task Force ang karamihan sa mga cartel guards. Ang VIP area ay napasok din, at sa kabila ng pagtutol ng mga lider ng cartel, sila’y naaresto.
Habang nakaluhod si Drako, tinitingnan niya si Heath na papalapit. "You think this ends here, lieutenant? The Scarface Cartel is bigger than you think."
Ngumiti si Heath, bahagyang lumapit sa mukha ni Drako. "Maybe. But tonight, you’re going down." Then he stared at the Don who was very quiet at halatang malalim ang iniisip. Masyadong kalmado si Deather, na para bang hindi man lang nababahala kahit kaunti.
“I guess this ends here, Deather… the Scarface is done!” Sigaw ni Plt. Heath ng bigla siyang makarinig ng malaking pagsabog sa labas ng club. Then he saw the Don smiling evily. “Even the president can't stop me, lieutenant.” Wika nito with a very teasing voice. “Try harder.” Sabi Niya at biglang my sumipa sa door ng private lounge. Napatingin siya at makita niya ang isang matabang lalaki dala ang kanyang officer na si Vega. Bugbog sirado ito at halos wala ng malay.
“I guess you loss, lieutenant…” Sabi naman ni Drako habang si Cobra ay napayuko na lang at hindi matanggap ang mga nangyayari.