Sa loob ng warehouse, halos sumabog na sa galit si Don Deather. Ang bawat yapak niya ay nag-echo sa malawak na lugar habang bitbit niya si Lucille, ang kanyang metal baseball bat. Ang malamig na ilaw mula sa mga bombilyang nakasabit ay nagbigay ng eerie glow sa paligid, pero walang mas nakakatakot kaysa sa presensya ng Don. Para tuloy siyang isang super villain sa isang nakakatakot na palabas. Ang mga miyembro ng cartel ay tahimik na nakayuko, halos hindi humihinga sa takot. Alam nila na sa isang pagkakamali lang, maaaring sila ang susunod na biktima ni Lucille. Well, si Lucille ang tagahatol sa mga nagkasala sa Cartel, at kapag ito ang naghatol, siguradong buhay ang kukunin. “F*ck! This day couldn't get any worse!” Sigaw ni Deather, at nagbubuga ng laway ang bawat salita niya. Nagsitago

