CHAPTER 31

1315 Words
"Ano ba!" malakas na sigaw ni Kyla nang maramdaman niyang hinatak siya ng isang malaking lalaki papunta sa isang madilim na sulok ng club. Nakasuot si Kyla ng simpleng cocktail dress, ngunit hindi ito nangangahulugan na dapat siyang tratuhin nang ganito. "This is harassment, okay? Pwede kitang kasuhan sa ginagawa mo!" wika niya, ang boses niya'y umaalingawngaw sa kabila ng malakas na musika sa paligid. At dahil na rin sa lakas ng tugtog, halos magsigawan na sila. Nagpumiglas si Kyla, pero tila ba isang pader ang katawan ng lalaki. Hindi siya makawala sa higpit ng pagkakahawak nito. Halatang galit na galit si Kyla, pero sa likod ng tapang na pinapakita niya, nandoon ang kaba. Walang ibang nakakakita sa nangyayari dahil napaka-dilim ng lugar, at ang karamihan ay abala sa pag-inom at pagsasayaw; and probably wala ring makakarinig sa kanyang kung sisigaw siya. "Sino ka ba! Bitiwan mo nga ako!" galit niyang sigaw habang sinusubukang igalaw ang kanyang braso. Kahit anong pagpupumiglas ay hindi sita makawala sa pagkakahawak nito. Sa wakas, tumigil ang lalaki at tinitigan si Kyla nang mabuti. "I know you," mahinang sabi nito, ngunit ramdam ang lalim ng boses niya. “You're not here because of a mere coincidence… What are you covering?” "Huh? You know me?!" sagot ni Kyla, nagtatakang nakakunot ang noo. Hindi niya maalala kung nakita na ba niya ang lalaking ito dati. Isa lang ang sigurado—hindi maganda ang pakay nito. "Why are you here, Kyla?" tanong ng lalaki habang unti-unting pinapahina ang pagkakahawak sa braso niya. Napanganga si Kyla. "Wala ka na ro’n! Besides, ganyan ba kayo mag-treat ng guests niyo!?" Tumataas na ang tono ng boses niya, halatang gigil na gigil. Nakapamaywang pa siya kahit na halatang ninenerbiyos. Imbes na sagutin siya, biglang inabot ng lalaki ang camera na nakasukbit sa kanyang balikat. Gustong masigurado ng lalaki na wala siyang iniimbestigahan o anuman na maaaring makasama sa kanila. Hindi ito nagbibiro. "What!? Seriously?!" sigaw ni Kyla, habang pilit niyang hinahablot pabalik ang kanyang camera. "Who the hell are you!? Bakit pati mga personal na gamit ko, gusto mong pakialaman!?" Habang nagaganap ito, si Watt Yabro naman ay naglalakad sa loob ng club, pinilit na hanapin ang kanyang boss sa gitna ng masikip at magulong crowd. Malalakas ang bass ng musika, halos mag-vibrate ang buong lugar. Ang mga tao’y nagkakasiyahan, walang kamalay-malay sa seryosong nangyayari sa sulok ng club. Napansin ni Watt ang isang pamilyar na silhouette sa gilid, at alam niyang si Kyla iyon. Pero hindi maganda ang senaryo—may isang malaking lalaki na mukhang pilit siyang dinadala sa isang madilim na lugar. "Not on my watch," bulong ni Watt habang tinutulak ang mga lasing na tao sa paligid para makalapit sa lugar kung saan naroon si Kyla. Nang makita niyang pilit na kinukuha ng lalaki ang camera ni Kyla, sumiklab ang galit ni Watt. Hindi na siya nagdalawang-isip. Kaagad siyang lumapit, mabilis na sinukat ang sitwasyon, at… "I said, not on my watch!" malakas na sigaw ni Watt sabay bigwas ng isang suntok sa panga ng lalaki. Tumama ito nang malakas, at halos marinig ni Watt ang tunog ng impact ng kanyang kamao. Napaatras ang malaking lalaki, at bumulagta sa sahig. "W-Watt…" ang tanging nasambit ni Kyla habang nakatitig sa driver niya. Gulat na gulat siya sa nangyari. Ang lalaking kanina’y halos hilahin siya sa dilim, ngayon ay nakahiga sa sahig, hawak ang kanyang mukha. Habang nagkakasiyahan ang paligid, nanatiling nakatayo si Watt, ang katawan niya’y naninigas pa rin sa adrenaline. Ang kanyang mga mata ay matalim, nakatutok sa lalaking nakabulagta. Bahagya pa siyang lumapit dito, at bumaba ang boses niya. "Touch her again, and I swear, I’ll make sure you’ll regret it." Nagpipilit bumangon ang lalaki pero halatang nasindak ito sa presensya ni Watt. Muli itong napatingin kay Kyla, ngunit bago pa ito makapagsalita, hinawakan ni Watt ang braso ni Kyla at hinila siya palayo. "Wait, Watt! Ano bang ginagawa mo!?" tanong ni Kyla habang halos mapilitan siyang sumabay sa hakbang ni Watt. Hindi sumagot si Watt. Diretso lang ang tingin niya habang hinahanap ang pinakamalapit na exit. Alam niyang kailangan nilang makalabas bago pa sila mapansin ng ibang tao, lalo na ng mga miyembro ng Scarface Cartel. Pagdating nila sa isang medyo tahimik na hallway, huminto si Watt at hinarap si Kyla. "What the hell are you doing here, Ma’am Kyla?" tanong niya, halatang pinipilit niyang pigilan ang galit sa kanyang boses. "Alam mo bang delikado ang lugar na ‘to? Do you even know who owns this club?" Tumitig si Kyla sa kanya, halatang hindi sanay na napagsasabihan. "Of course, I know! That’s why I’m here!" Nagpigil si Watt, pero ramdam ang frustration sa kanyang mukha. "That’s the stupidest thing I’ve ever heard. Kung gusto mo ng balita, gawin mo ‘yan sa tamang paraan. Hindi ‘yong papasok ka sa lungga ng mga kriminal na parang naghahanap ka ng gulo.” His voice was very clear and loud– he shouted at his boss. Napabuntong-hininga si Kyla. Alam niyang tama si Watt, pero ayaw niyang magmukhang mahina sa harap nito. "This is my job, Watt. Kung gusto kong maging relevant sa industry, I need to take risks. Malaking istorya ‘to, at hindi ko pwedeng palampasin!" Tila nadismaya si Watt sa sagot niya. "Kahit na? Worth it ba ang buhay mo sa istoryang ‘yan?" Tahimik si Kyla, pero halatang iniisip niya ang sinabi ni Watt. Alam niyang tama ito, pero sa totoo lang, hindi niya kayang bitawan ang pagkakataon. "You don’t understand. This is what I live for." Humakbang si Watt palapit kay Kyla, hanggang halos magkatapat na ang kanilang mga mukha. "Listen to me, Ma’am Kyla. I’ve been in places like this, and trust me, you don’t want to be part of it. Hindi ito larong pambata." Nagulat si Kyla sa lalim ng boses ni Watt. Sa kabila ng pagiging tahimik at misteryoso nito, ngayon niya lang nakita ang ganitong emosyon sa kanyang driver. Parang may tinatago si Watt na mas malalim pa sa kanyang inaasahan. Ngunit sa halip na matakot, mas lalo siyang naging interesado. "Watt… bakit parang alam mo ang lahat ng ‘to?" tanong niya, nakatingin nang diretso sa mga mata ng lalaki. Pinipilit niyang unawain kung ano nga ba talaga ang iniisip ng kanyang driver. Somehow, she already has the idea that Watt Yabro might be a member of a Mafia organization. But unless it is not from him, it's a mere assumption. Napayuko si Watt, parang ayaw niyang sagutin ang tanong. "Hindi importante ang nakaraan ko, Ma’am Kyla. Ang mahalaga ngayon ay makalabas tayo rito nang buhay." Muling tumitig si Kyla sa kanya, pero sa pagkakataong ito, mas tumaas pa lalo ang kanyang curiosity kay Watt. Alam niyang hindi lang siya simpleng driver, pero mukhang hindi pa ito handang magkwento. But even so, he has too. Kailangang malaman niya kung sino nga ba talaga ang kanyang driver at kung bakit nangingialam ito sa buhay niya. “You're an ex-mafia, right Watt Yabro?” Napatitig si Watt sa kanya. Ang kanyang mga mata ay mabigat at talagang natamaan siya sa tanong ng kanyang masungit na boss. “Yes…” Kalmadong sagot ni Watt, ngunit nakatitig pa rin ito sa kanya. “I am an ex-mafia and I know how dangerous this organization you're trying to expose.” Hindi sumagot si Kyla, bagkus at huminga ito ng malalim at tumitig rin sa mga mata ng kanyang driver. It was a seconds of silence bago nagsalita ang masungit na boss. “You're lecturing me because you're my driver, right?” “No…” Mahinang tugon ni Watt. Well, probably it's part of his job to protect her boss, but was he doing it much? “Because you, perhaps involved in my life, that's why you're doing this? Well…” Mas lumalim pa lalo ang kanyang mga titig kay Watt. “You're fired, Watt Yabro!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD