“Perds!” Sigaw ni Peggy habang pumasok ito sa bahay nina Watt Yabro. Humihingal pa siya na parang tumakbo ng marathon, at pawisan ang noo niya. Agad siyang bumagsak sa sofa at nagpakawala ng buntong-hininga. Sa tabi naman, si Kyla ay abala sa paglalaba sa harap ng malaking planggana, pero hindi rin napigilan ang sarili na talakan si Watt dahil wala daw siyang alam sa gawaing bahay. Well, hindi na mahalaga kung may alam ba siya o wala. Dahil siya ang asawa, dapat talagang gawin niya ang gawaing bahay. At least that's the traditional way, diba? “Kawawa talaga ‘yong kasama kong driver kagabi, Perds,” patuloy ni Peggy habang pinupunasan ang pawis gamit ang kanyang maliit na panyo. “Muntik ng paulanan ng bala! Nako, showering with bullet proof vest sana siya kung nagkataon!” Ani Peggy with his

