Habang nagmamaneho si Watt Yabro patungo sa opisina ni ma'am Kyla, ramdam niya ang tensyon sa loob ng sasakyan. Dinagdagan pa itong ng super traffic na umaga—parang isang pelikulang paulit-ulit niyang pinapanood pero walang thrill. Ang araw ay kakaumpisa pa lang pero parang pagod na agad si Watt. Sa likod, nakaupo si Kyla, suot ang kanyang eleganteng pulang dress na parang galing sa isang fashion show, isang mahal na cowboy-style cap, at ang kanyang iconic oversized sunglasses. Ang aura niya? Halatang iritable.
“Wala na bang ibibilis ang takbo mo, Watt Yabro? Ghad… I have so much to do pa in my office!” iritadong wika ni Kyla, habang pinapatong ang isang kamay sa kanyang noo na parang may bigat na hindi niya kayang buhatin.
Napatingin si Watt sa rearview mirror, kung saan nakita niya ang kanyang boss na mukhang naubusan na ng pasensya. Halata ito sa kanyang mukha at sa kanyang body language. Huminga siya nang malalim bago sumagot. “Wala na ma’am eh. Nasa gitna tayo ng traffic at hindi tayo makakalabas. We just have to wait for it.”
Napakunot ang noo ni Kyla. “Anong wait wait ‘yang sinasabi mo? Hoy, Watt Yabro, driver kita ha kaya hindi ikaw ang masusunod!” Ang tono niya ay parang isang gutom na gutom na lion sa gitna ng kagubatan– she roars ng paulit-ulit at masakit sa tenga.
Hindi na sumagot si Watt. Tumingin na lang siya sa kalsada, na parang sinusubukang kalmahin ang sarili. Ang trapik ay parang isang ilog ng makukulay na kotse, dahan-dahan ang agos at walang malinaw na daan palabas. They needed to wait, at magkaroon pa ng mahabang pasensya to make it sure na makakalabas sila rito. Well, ganito naman talaga lalo na sa mga urbanized area. Dahil sa dami ng population, it causes so much traffic. Sana nga magkaroon na rin ng air transportation sa mas madaling paraan.
“My god! This is so frustrating! Ano ba, Watt, bilisan mo naman ang takbo!” Sigaw muli ni Kyla habang napapadyak sa galit. Para na syang isang bull na nakakita ng kulay pulang tela. Parang isang making galaw na lang ni Watt at sasabunutan na niya.
“Hindi talaga kaya, ma’am eh…” Mahinahong sagot ni Watt. Dinagdagan pa niya ito ng isang buntong-hininga.
“Kalma lang, Watt…” sabi niya sa sarili. “Boss mo ang masungit na Kyla na ‘to, and you’ve got to follow her. You’re used to it, Watt Yabro.”
“Oh God! Watt Yabro, you are something, diba? Magaling ka sa lahat! Bakit di mo kaya paliparin ang sasakyan at patunayan na kriminal ka talaga!”
Parang bumagsak ang mundo ni Watt sa sinabi ng kanyang boss. Naapakan niya bigla ang preno nang mas matindi kaysa sa dapat, dahilan para mauntog si Kyla sa sandalan ng upuan. “Ano ba!” galit na sigaw ni Kyla habang hinahaplos ang noo niya. “Ikaw ba ang driver ko o kalaban ko sa buhay?!”
Hindi sumagot si Watt. Sa halip, nakatitig lang siya sa manibela habang nakayuko. Tila ba binibilang niya ang kanyang hininga para hindi maubusan ng pasensya.
“So… pinakialaman mo talaga ang wallet ko, Kyla,” biglang sabi ni Watt, ang boses niya malamig, halatang pigil ang emosyon. Hindi siya tumingin sa rearview mirror.
Napataas ang kilay ni Kyla sa narinig. “Ano naman kung pinakialaman ko ang wallet mo, Watt Yabro?” Tanong niya, sabay irap. “Hoy, for your information, boss mo ako. Ako ang nagpapasahod sa’yo, kaya natural lang na mangialam ako sa buhay ng employee ko!”
Halos mapa-facepalm si Watt. Tiningnan niya si Kyla sa salamin, ang mga mata niya seryoso at may halong pagkadismaya. “Boss ko nga siya, pero wala siyang karapatang mangialam sa personal na buhay ko!” naisip niya.
“Kyla, ang wallet ko ay personal kong pag-aari. I never thought you'd come this far para lang imbestigahan ako. You're desperate!” Kalma pa rin ang boses ni Watt, pero halata ang diin.
“Boundary? Seriously, Watt? Ang OA mo. Kung may issue ka, umalis ka na lang sa trabaho kung gusto mo!” Sinabi ito ni Kyla nang parang walang pakialam, sabay adjust sa kanyang sunglasses. “Tsaka anong sinasabi mong desperada ako? Hoy, Watt Yabro! Ano bang problema mo? Gusto ko lang naman ayusin mo ang pagmamaneho mo ah!”
Ang init ng araw ay hindi alintana sa kasagsagan ng tensyon sa loob ng sasakyan. Sa gitna ng trapik sa kalsada, si Watt Yabro at ang boss niyang si Kyla ay tila nasa gitna ng personal na digmaan. Ang mga busina ng mga sasakyan sa paligid ay parang musika ng kaguluhan, ngunit hindi iyon sapat para sirain ang focus ni Watt sa galit niyang nararamdaman.
“That’s not the main deal here, Kyla!” sigaw ni Watt, at sa ikatlong pagkakataon, napansin ni Kyla na hindi na siya tinatawag na “ma’am.” Hindi ito nakaligtas sa kanya, at mas lalong ikinainis niya ito.
“Sandali nga, Watt! Bakit ang casual mo kung makipagsalita sa akin ngayon? Wala ka bang respeto?” tanong ni Kyla, ang tono ng boses niya ay puno ng galit at pagtatanong. Suot pa rin niya ang kanyang oversized sunglasses, ngunit kahit natatakpan ang kanyang mga mata, halatang-halata ang init ng ulo niya sa kanyang ekspresyon.
“You didn’t respect me either, Kyla!” sagot ni Watt. Hindi na siya nakapagpigil. Lumingon siya pabalik, diretso niyang tinitigan si Kyla sa mata, na para bang gusto niyang tunawin ito gamit lamang ang kanyang galit. Ang kanyang mga kamay ay nakakuyom sa manibela, ngunit ngayong nakaharap siya sa boss niya, halata sa kanyang mukha ang frustration na matagal na niyang kinikimkim.
Sa labas, patuloy ang sigawan at busina ng mga drivers na naiipit sa trapiko dahil sa kanilang sasakyan na tila nakaparada na sa gitna ng daan. Pero hindi iyon alintana ni Watt. Samantalang si Kyla, bagama’t galit, ay unti-unti na ring nababahala. Alam niyang seryoso si Watt, at sa pagkakataong ito, hindi siya sigurado kung paano aayusin ang sitwasyon.
“Magkamali lang ako ng brake, sinisigawan mo na agad ako! Mawala lang ako saglit, binubulyawan mo na ako! Ni hindi ko nga narinig na nag-thank you ka sa lahat ng nagawa ko para sa’yo! Besides, who are you para pakialaman ang pagmamaneho ko? Ano bang alam mo sa batas ng kalsada, ha, Kyla!?” Parang isang bagyong dumaan ang mga salita ni Watt.
Nanatili si Kyla na nakatingin sa kanya. Sa kabila ng init ng ulo niya kanina, sa pagkakataong ito, hindi na niya maitago ang pagkabigla. Hindi niya akalain na magagawa ni Watt na magsalita nang ganoon.
“You’re working with me, Watt Yabro! I’m paying for your services, at hindi kita tini-take for granted!” sagot ni Kyla, pilit pinapanindigan ang kanyang argumento. Subalit sa boses niya, halata ang pagbabago—parang nawawala na ang kanyang kumpiyansa.
Ngunit mas lalong nagliyab si Watt. “Gano’n ba, Kyla!? Hindi tini-take for granted? Eh, bakit parang alipin ako rito? Wala kang utang na loob kahit konti! Wala kang pakialam kung anong pinagdadaanan ko, basta ikaw lang ang tama, ikaw lang ang mahalaga! Well, guess what— I’m done!”
Binuksan ni Watt ang pintuan ng sasakyan at mabilis siyang bumaba. Sa gitna ng trapiko, iniwan niya ang sasakyan ni Kyla, kasama ang boss niyang hindi makapaniwala sa ginawa niya. Well, sino ba naman ang hindi lalo na kung ang katulad ni Watt Yabro ay maubusan na talaga ng pasensya.
“Watt! Anong ginagawa mo!? Bumalik ka rito!” sigaw ni Kyla, ngunit walang epekto ang kanyang boses.
Naglakad si Watt sa kalsada na parang walang pakialam sa mundo. Ang init ng araw ay parang hindi niya nararamdaman, at ang mga busina ng mga sasakyan ay parang hangin lang sa kanyang pandinig. Ang ibang mga motorista ay nagtataka at nagagalit sa kanya, pero si Watt, parang wala lang.
Sa loob ng sasakyan, naiwan si Kyla. Tahimik siya, nakatulala sa pintuan kung saan bumaba si Watt. Napahawak siya sa kanyang noo at napabuntong-hininga. “Unbelievable…” bulong niya sa sarili. Sa lahat ng taong nakatrabaho niya, si Watt ang unang nagkaroon ng lakas ng loob na suwayin siya.
Nagdaan ang saglit, at wala pa ring gumagalaw. Nagsimula nang magbukas ng bintana ang ibang motorista para sumigaw, pero si Kyla, nanatili lang sa kanyang upuan.
“Ano bang ginagawa ko…” bulong niya sa sarili. Alam niyang mali ang ginawa niya—na iniwan niya ang trabaho niya, na iniwan niya ang boss niya sa gitna ng trapiko. Pero hindi niya mapigilan ang sarili. This time, naubusan siya ng pasensya, at tila sumabog na ang lahat para sa kanya.
“Tapos na, Watt. Wala ka nang babalikan.” Alam niyang wala nang saysay na bumalik pa siya sa sasakyan. Ang nagawa niya ay isang bagay na hindi na pwedeng bawiin.
Samantala, si Kyla ay napilitan nang mag-dial sa kanyang cellphone. “Hello? Can you send someone to pick me up? Watt just left me here… Yes, in the middle of traffic! I can’t believe this!” Ang tono ng boses niya ay galit na galit, pero may halong pagkakahiya. Sa kabila ng kanyang pride, naramdaman niya ang kahinaan ng sitwasyon. “What!? Walang available? Oh God!”