"Oh, Liam, buti maaga kang pumasok," bati ni Lucas habang dire-diretsong naglalakad sa pagitan ng mga upuan. Kahit na nakita niyang magkatabi ang dalawa, napanatili niya ang kaniyang kalmado at propesyonal na awra. "Thea, eto pala 'yung minutes ng meeting ko sa Faculty kahapon. Ikaw na lang bahalang mag-distribute sa mga officers natin," wika ni Lucas sabay abot ng isang folder. Saglit na nagtagpo ang mga mata nila ni Thea, at bago pa man makapagsalita ang dalaga, lumingon na si Lucas sa kapatid. "Mauna na ako, may class pa. Liam... behave, ha?" paalala ni Lucas, na may kasamang makahulugang tingin na tila nagpapaalala sa kanilang pag-uusap kagabi. "Oo naman, kahit hindi mo sabihin," kaswal na sagot ni Liam, sabay sandal sa kaniyang upuan at taas ng dalawang paa sa kabilang desk. Nan

