"Alam mo, hindi ko expect 'to," wika ni Liam, habang ang kaniyang paningin ay nakapokus sa kalsada ngunit ang kabilang kamay ay muling hinanap ang kamay ni Thea upang pisilin ito nang marahan. "Baka isipin mo plinano ko 'to ha." Bahagyang natawa si Thea at lumingon sa kasintahan, pinapanood ang seryoso ngunit may bahid ng kaba na mukha ng binata. "Hindi naman," nakangiting sagot ni Thea. "Saka kung plinano mo man, hindi ka naman siguro magpapatila ng ulan para lang may dahilan akong maiwan sa inyo, 'di ba?" Nangiti rin si Liam, tila nabawasan ang pag-aalala na baka iba ang naging tingin sa kaniya ng dalaga matapos ang nangyari. "Seryoso, baby. Pumunta lang naman talaga tayo doon para magpatuyo ng basang uniporme mo. Pero hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko dahil... dahil sobran

