Natawa nang malakas si Thea sa huling sinabi ni Lucas, habang dahan-dahang hinahaplos ang malambot na balahibo ng maliit na tuta sa kaniyang kandungan. "Hindi 'yan kapalit ni Suri, ha, Love..." dugtong ni Lucas na may kasamang biro at matamis na ngiti. "At tsaka, kahit ano'ng itawag mo d'yan, 'wag lang, Lucas, ha? Baka malito ako kung sino sa aming dalawa ang tinatawag mo tuwing kakain na!" Napailing na lang si Thea habang lumalabas ang matamis na hagikhik mula sa kaniyang mga labi—isang tunog na matagal ding nawala sa kaniya, ngunit ngayon ay madalas na niyang naipaparinig dahil kay Lucas. "Loko ka talaga!" natatawang sagot ni Thea habang kinukuskos ang kaniyang pisngi sa ulo ng tuta. "Oo na, hindi ko ipapangalan sa'yo. At hinding-hindi ko rin maiisip na kapalit ito ni Sur…. panibagong

