Lumipas ang gabi na tila isang magandang panaginip para kay Thea. Paggising niya kinaumagahan, agad na ngiti ang sumalubong sa kaniyang mukha nang mabasa ang magandang umagang text mula kay Liam na nag-aabang na sa kaniyang pagpasok. Mabilis na lumipas ang kaniyang maagang klase. Habang nakatitig sa orasang nakasabit sa dingding ng silid-aralan, paulit-ulit niyang tinitingnan ang pag-ikot ng mga kamay nito. Nang sa wakas ay tumunog ang bell para sa alas-sampu ng umaga, mabilis pa sa ala-singko niyang inayos ang kaniyang mga gamit at patakbong lumabas ng silid. Nandoon na si Liam sa karaniwang tambayan malapit sa parking lot. Nakasandal ito sa kotse habang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon, ngunit nang makita si Thea ay agad na sumilay ang isang napakalawak na ngiti sa kaniyan

