Bago pa man maipasa ni Thea ang kaniyang ginagawang reply, biglang umilaw ang screen ng kaniyang telepono. Isang bagong mensahe na naman ang pumasok mula kay Liam. "Gusto mo ba riyan na talaga tayo sa kwarto mo? Para tuwing mahihiga ka, ako lang ang maaalala mo." Nanlaki ang mga mata ni Thea at halos mabitawan ang cellphone sa matinding kaba at pananabik. Napatingin siya sa pinto ng kaniyang kwarto, tila ba nandoon lang sa labas ang kaniyang mommy, bago muling ibinalik ang tingin sa screen. Sobrang tapang ng banat ng binata at hindi niya mapigilang mapakagat-labi habang bumibilis ang kaniyang t***k ng puso. Mabilis siyang nag-type ng reply.Ang mga daliri ay bahagyang nanginginig sa halo-halong emosyon. "Hoy Liam! Sobrang lakas ng loob mo. Nasa kabilang kwarto lang si Mommy!" reply ni T

