Chapter 93

1221 Words

Nagsimula na silang kumain habang masayang nagkukuwentuhan tungkol sa mga nangyari sa unibersidad. Masarap ang timpla ng adobo ng ina ni Thea, kaya naman giliw na giliw ang lahat sa bawat subo, maliban kay Thea na paminsan-minsan ay sumusulyap sa ilalim ng lamesa. "Ma, tingnan mo nga si Suri, nakabantay talaga sa mga paa ni Liam," natatawang sumbong ni Thea habang itinuturo ang aso gamit ang kaniyang kubyertos. "Liam, huwag mong bibigyan ng ulam 'yan ah. Bawal sa kaniya ang may maalat na toyo." "Yes, baby. Tinitingnan ko lang naman siya," nakangiting sagot ni Liam sabay sulyap sa aso na kasalukuyang nakatingala sa kaniya, malaking-malaki ang mga mata at halos magmakaawa ang mukha. "Tiis muna, anak. Sabi ng Mommy mo bawal daw." Natawa naman si Mrs. Aquino habang nag-aabot ng kanin. "Naku

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD