Habang masayang kumakain ang dalawa at nag-aasaran tungkol sa "Top 1" spot, biglang tumigil ang isang babae sa tapat ng table nila. Naka-itiman ito, may dala-dalang gitara, at bakas ang pagiging musikero sa porma nito. "Liam! Long time no see," bati ng babae na may malapad na ngiti. "Buti nakita kita rito. May gig kami sa Sabado sa may underground bar malapit sa kanto. Kulang kami ng isang sessionist, baka gusto mong tumugtog? Alam mo naman, ikaw lang ang nakakakuha ng areglo ng mga tracks namin." Napatigil si Liam sa pagsubo. Sandali siyang tumingin sa babae, pagkatapos ay pasimpleng sumulyap kay Thea na tila biglang naging busy sa pag-tusok ng kaniyang pasta. "Ah, Chloe," matipid na sagot ni Liam. "Gig ba? Hindi ko sure, eh. Medyo busy kasi ako ngayon... kailangan kong mag-focus s

