CHAPTER 130

1221 Words

Tumingin si Thea sa kaniyang kamay at dahan-dahang hinawakan ang singsing sa kaniyang daliri. Mas lalong naging mabilis ang pagpatak ng kaniyang mga luha habang nakatitig sa nasasaktang mukha ni Lucas. "Hindi ikaw ang may mali, Lucas... ako," patuloy ni Thea habang umiling-iling, nanginginig ang kaniyang boses. "Napakabuti mong tao. Binuo mo ako nung mga oras na nadudurog ako. Pero natatakot ako na baka sa tuwing nakikita mo ako, o sa tuwing yayakapin mo ako, napipilitan ka lang na pasanin ang mga natitirang sugat ko." Tumayo si Thea mula sa kama at lumakad nang kaunti palayo, hawak-hawak ang kaniyang dibdib na tila masikip sa matinding sakit. "Ayokong maging dahilan para maging pangkalahatang kapalit ka lang ng kapatid mo," pabulong na dagdag ni Thea habang nakatingin sa sahig. "Hakban

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD