CHAPTER 122

1208 Words

Sa kabilang dako, sa loob ng madilim at tahimik na kwarto ni Thea, tila tumigil ang ikot ng mundo. Nakaluklok siya sa sulok ng kaniyang higaan, nakayakap sa kaniyang mga tuhod habang nakatitig sa walang buhay na pader. Ang kaniyang mga mata ay namumula at nanamlay sa walang patid na pag-iyak. Kumatok ang kaniyang ina at dahan-dahang binuksan ang pinto, may dalang plato ng pagkain. "Thea, anak... kumain ka na muna," pakiusap ng kaniyang mommy habang marahang inilalapag ang pagkain sa bedside table. Lumapit ito at umupo sa tabi ni Thea, puno ng awa at pag-aalala ang mukha. "Anak, pakiusap... ayaw ni Liam na nakikita kang ganyan. Hindi matutuwa 'yon kapag nalaman niyang pinapabayaan mo ang sarili mo." Nang marinig ang pangalan ni Liam, mas lalong bumuhos ang mga luha ni Thea. Isiniksik niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD