"Na-visualize ko lang naman," nakangiting depensa ni Liam habang kinakamot ang kanyang batok, tila proud pa rin sa kanyang naisip na porma para sa kasintahan. Ngunit bago pa man makasagot si Thea, biglang nanginginig na nag-vibrate ang cellphone ni Liam sa loob ng kanyang bulsa. Agad niya itong dinukot at hinarap ang screen. Sa isang sandali, nawala ang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi at napalitan ito ng malalim na pag kunot ng noo. Napansin ni Thea ang biglaang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Liam. "Sino 'yan?" untag niya, habang sumisipsip nang konti sa kanyang inumin. "Si Chloe," sagot ni Liam habang hindi iniaalis ang tingin sa screen. Nag-text pala ang kabanda niyang si Chloe. Nag-send ito ng isang napakahaba ng listahan ng mga kanta para sa magiging line-up nila, at nag

