TAHIMIK ang loob ng kotse habang binabagtas nila ang kalsada mula campus. Ang malamlam na liwanag ng city lights ay dumaraan sa windshield, lumulutang sa mukha ni Leandro. Parehong nakasindi ang stereo ngunit naka-mute, kaya’t tanging ugong ng makina ang bumabalot sa kanila. Si Isobel naman ay hindi mapigilang magsalita. Wala siyang gustong iwanang puwang sa pagitan nila. Kaya kahit anong pumasok sa isip niya, sinasabi niya agad. “Leandro, grabe, nakita mo kanina yung nag-cut sa’yo sa traffic? Ang kapal, no? Kung ako siguro nag-drive, baka sinigawan ko na siya.” Napahagalpak siya ng tawa, pero nanatiling seryoso si Leandro, nakatutok ang tingin sa daan. “Leandro… sabi nila, kapag tahimik daw ang driver, ibig sabihin nag-iisip ng malalim. Totoo ba ‘yon? Kasi parang ang lalim ng iniisip

