Chapter 2

978 Words
CHAPTER 2 Pupungas-pungas akong bumangon. Wala akong choice dahil kinaladkad na ako ni Autumn. My cousin.   "Anong meron?"   "Ikaw talaga tulog ka na naman?"   "Boring eh, di natulog na lang ako."   "Halika na dali!" hatak niya ulit sa akin.   "Bakit nga?"   "May bagong mission ka."   Halos buhatin na ako ni autumn. Nautusan na naman sigurado to ng papa niyang tawagin ako.   Hindi ko maiwasan na tignan na naman ang ayos ni Autumn. Sa lahat ng babae dito sa BHO siya ata ang pinaka weird mag damit. Naka tight jeans siya na kulay itim tapos naka shirt na parang jersey na may number 2 tapos nakalugay ang buhok niya at pinatungan niya ng bull cap.   "Nakatingin ka na naman ng ganiyan."   "Ang weird mo mag damit eh. Babae ka ba?"   "Sapak gusto mo?   "Lalake ka nga." sabi ko.   Sumimangot siya. Mas matanda ako sa kaniya pero parang mas malakas sakin si autumn. Kaya akong buhatin niyan pustahan pa tayo. Lakad takbo kami dahil sa pagmamadali ni autumn.   "Bakit ka ba nagmamadali?"   "May kasalanan ako kay papa. Nabangga ko ang kotse niya sa kung saan kaya dapat daw gumawa ako ng limang good deeds kaya eto, nag volunteer akong gisingin ka."   "Ahh. Sino daw partner ko sa next mission?"   "Ewan."   Nagpunta na kami sa office ni Warren na pumalit na kay tito Poseidon. Kadalasan nakatambay lang ang mga magulang namin sa The Camp.   Sabi ni Tito Poseidon hindi niya daw akalain na ang bestfriend niya sa collage ang may ari ng The Camp. Hindi din niya daw akalain na parang BHO lang ang the camp..   May malaking pagkakaiba ang BHO sa The Camp.   Ang BHO we prefer to be on the dark. Gumagawa kami ng mission na madali lang namin natatapos or kung hindi man ay walang emotional attachment sa client namin. Hindi katulad sa the camp. Sila yung gumagawa ng cover.. Halimbawa may isang babae na kailangan mong bantayan then magpapanggap sila na kapitbahay nung babae. Matagalan, may attachment, at kailangan din ng disguise.   Dumaan kami sa scanner then pumasok na kami.   "Hey Warren! Anong meron? Inistorbo mo ang beauty sleep ko." Ganiyan ko yan kausapin kahit na mas matanda siya sakin.   "Mamaya ka na mag beauty sleep. Meron kang bagong misyon-"   "Anong klase? Bakbakan? May huhulihin akong magnanakaw? May huhulihin akong murderer? Kukuha ng information? Wag naman sanang guarding lang, nakakatamad yon-"   "Stop. Hingang malalim. Ang dami mo ng sinabi."   Nilingon ko ang tao sa likod ko ng marinig kong may umigik. Si Wynd, sinipa ni autumn.   "Ang cheesy niyo. Sa labas na lang kayo maglambingan, busy ako." pang-aasar ko sa kanila.   "Eto papatulan ko? Hindi ako pumapatol sa lalaki sorry." nakangising sabi ni Wynd.   "Gusto mong bigwasan kita? Halika dito."   Kinuwelyuhan niya si Wynd at inilabas ng room. Bago sumarado yung pintuan narinig ko pa si Wynd na sumisigaw. Binalik ko ang tingin ko kay Warren.   "O, ano na?"   "May kukunin kang black pearl sa gitna ng dagat sa puerto galera. Pero ang pagkakaiba ng pearl na iyon ay may malit yon na chip compartment and of course may chip don. We need that."   "Bakit? Kung itinago yon dun of course may dahilan. Paano kung yung nagpapakuha pala ay may masamang intention?"   "Nag pagawa na ako ng background check at kahit wala pa I don't think na may masamang intension si Ciara na anak ng lalakeng naglagay ng chip don."   "Paano kung wala na don? Pano kung kinain na ng pating?" tanong ko.   "Ang weird mo talaga. Syempre may case yon at naka tago ng mabuti kaya hindi kakainin ng pating. Mukha bang isda iyon at magiging pagkain na ng pating?"   "Nagtatanong lang. Chill."   "Anyway, naglalaman ang micro chip nayon ng impormasyon tungkol sa mga katiwalaan sa kompanya na pinagta-trabahuhan ng tatay ni Ciara as vice president.. Isang mapa lang ang huling binigay sa kaniya ng tatay niya bago ito namatay."   Natahimik ako. It's seem serious...and exciting. Biruin mo makikipagswimming ako sa mga pating? Pwede nang pangpatanggal bored sa boring kong buhay. "So kailan ako pupunta sa puerto galera?"   "'Pupunta kayo next week."   "Anong kayo? sinong kasama ko? Bat kailangan me kasama pa ako eh ang dali dali lang naman."   "Ang yabang mo talaga kahit kailan Hurricane."   Napa angat ako ng tingin at lumipad sa isang bahagi ng office ni Warren na hindi ko napansin. Bago ko pa lingunin kilala ko na ang nagsalita. Bihira na ang tumatawag sakin ng Hurricane ngayong panahon nato. Tinatamad daw sila kasi ang haba. Si Mommy at Daddy at rRain na lang ata and of course si wynter.   At itong lalaking to.   Binalik ko ang tingin ko kay Warren. "Yan? Yan ang partner ko?"   "Oo."   "Ba't yan ang ipapartner mo sakin? Iba na lang. Gusto ko yung tao. Ayoko ng nagpapanggap na tao. I want a human being-"   Naramdaman ko na may humila sa buhok ko ng mahina. Hinawakan ko ang kamay niya at kinagat. Napasigaw si Reese na siyang may-ari ng kamay.   "Saglit lang Warren ha? Ayokong magulo tong office mo kaya sa labas na lang kami." paalm ko.   Hindi ko na inintay si Warren sa pag sagot at hinila ko na si Reese paalis. Kinukurot-kurot ko siya habang palabas kami.   "BAKIT IKAW?! BAKIT?! Wala naman akong masyadong kasalan ng buwan na to. Bakit ako pinarurusahan?!" Tumingin pa ako sa taas na parang na nanalangin.   "Akala mo lang wala. Pero meron, meron ,meron." pang-aasar ni Reese.   Sasampalin ko na sana siya kaso pinigilan niya ang kamay ko. Kinagat ko siya ulit sa kamay. Hinila niya ang buhok ko.   "Children, bawal ang nag-aaway dito."   Napalingon kami ni Reese. Si mommy at daddy kasama si tito franz na natatawa lang. Tumakbo ako kay daddy at sinalo naman niya ako.   "Anak ang bigat mo na. Humihina na ang tuhod ko."   "Weh, di nga? Bat naririnig ko kayo ni mommy-"   Tinakpan ni mommy ang bibig ko. Ngumiti lang ako. Nang pakawalan ako ni mommy at ibinababa na ako ni daddy nag start na akong magsumbong kaso inawat ako ni mommy.   "Dapat hindi kayo nag-aaway kayo pa naman ang future na mag asawa." sabi ni mommy.    "Oo nga."segunda ni daddy.   "I agree." si tito Franz naman.   Nang umalis na sila ay binalingan ko si Reese. "You know. We need to do something about that."   "About what?"   "About them match making us. Hindi nakakatuwa."   "Para namang proud akong ma link sayo. Isa ka lang mantsa sa pangalan ko."   Sinipa ko siya. Kinurot naman niya ako sa pisngi. Kakagatin ko sana siya ulit pero pinigilan niya ako. "I have a plan."   Tinaasan ko siya ng kilay. "About?"   "Obviously sa ginagawa nila papa."   "Ano?"   "Pretend as my girlfriend then they won't bother us again."   Tama ba ang narinig ko? Girlfriend? Pretend? Then mommy, daddy and tito won't bother us again. No match making No nothing.   Napangiti ako.   Inabot ko ang kamay ko kay Reese.    "Deal."   "Deal."   ___________________________End of Chapter 2.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD