CHAPTER 40 Okay, nasusuka ako. Ay hindi, nagugutom pala ako. Ewan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Tinginan ko ang isang batang babae na kasalukuyang hawak ang PSP niya at humihiyaw hiyaw pa. narinig ko kanina na tekken daw ang nilalaro niya. "Oy bata, paabot naman niyang candy sa tabi mo." "Bata? Agad agad? Hindi po ba pwedeng DEN muna? Kaganda-ganda ng pangalan ko PO eh." Napangiti na lang ako. Nakakatanggal ng kaba talaga ang batang to. It's my wedding today at ang batang eto ang flower girl ko. At ang maid of honor ko.?. Ayon kausap si Warren. Walang iba kundi si Sophie. At ang isa sa bridesmaid ko na kanina ko pa iniintay dahil nawawala na naman. Si Autumn lang naman po na pinahirapan ang mga beautician dito na kailangan pa siyang hawakan ng mga kas

