CHAPTER- 2

1207 Words
RAIDEN POV. ILANG beses nang tumawag sa akin si Senora Valeria, ngunit hindi ko siya sinasagot. Alam ko naman na tungkol sa mga babaeng nirereto sa akin ang sasabihin niya. She’s my Mom, ngunit ayaw kong may makaalam na ina ko siya. Naiinis ako na lagi siyang nakikialam sa buhay ko, kaya kahit hundreds na yata ang miscall ay hindi ko pa rin sinasagot ang aking cellphone hanggang tuluyang na drain ang battery. Gusto ko na nga siyang i-block sa lahat ng connections kaya lang ina ko pa rin siya at kaming dalawa lang ang natitirang magkapamilya. “Master Rai, nasa landline po si Madam Valeria.” “Tell her na wala ako at hindi mo alam kung nasaan at pwede ba i-hang mo ang linya ng hindi siya makatawag!” sabay talukbong ng kumot sa akin ulo. Kulang pa ako sa tulog dahil halos alas tres na ng madaling araw natapos ang aming inuman. “Pero Master, may mensahe siyang iniwan. Kailangan mong magtungo sa airport dahil pa landed na ang eroplanong sinakyan ni Ms. Chloe.” “At sino na naman ang babaeng yon, ano na namang lahi ang pinadala niya dito. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na ayaw ko ng ibang lahi!” “Hindi naman ibang lahi si Ms. Chloe, mula siya sa bansang Pilipinas. Here the picture, tingnan mo siya Master Rai.” “F*ck! Bakit ba ikaw ang naging PA ko! Para kang si Senora Valeria huh!” at malakas kong hinablot ang cellphone na hawak ng aking PA, pa tamad kong sinulayapan ang litrato ng babae. At nanlaki ang aking mga mata matapos makita ang mukha at kabuuan ng babae. “What the hell? Mukhang teenager pa ang babaeng ito!” Sabay bato ko ng cellphone pabalik sa PA ko. Mabilis naman nasalo nito iyon at binalik sa side table ng higaan ko. “Master, kung hindi mo siya susunduin ay baka ibang tao ang kumuha sa kanya. Marami pa namang mafia sa lugar na ito, baka bukas nasa auction na ang babaeng yon.” Naiinis akong tumayo, kahit kailan talaga wala akong kalayaan dito kay Senora Valeria. “Anong oras ba ang arrive ng babaeng yon?” “Ngayon na.” “As in ngayong oras na ito?” “Yes, Master Rai.” “F*ck! F*ck! Inis kong sigaw habang nagmamadaling nagsuot ng jeans. Pagkatapos ay inabot ko lang ang t-shirt ko na nakita sa head board ng kama at akmang isusuot ko iyon nang biglang hablutin ng aking PA. “Ito ang isuot mo, hindi ka na nga naligo ay iyan pa ang gagamitin mo na kahapon mo pa yata iyan suot?” “Ano ba ang pakialam mo? Pasalamat ang babaeng yon at pagkakaabalahan ko siyang sunduin!” “Kahit wala kang pakialam sa kanya, bigyan mo naman ng kahihiyan ang iyong sarili. Amoy alak ka pa at hindi pa yata nagsisipilyo?” “Who Cares, let’s go!” at mabilis na tinalikuran ang aking PA. Pagdating sa basement ay agad akong sumakay sa aking sasakyan. At sunod sunod na binusinahan si Ezco, gusto kong matawa ng halos matalisod ito sa pagtakbo. As usual kinuha pa nito sa loob ng banyo ang mouthwash ko kaya natagalan. “Here, mag mumog ka muna, Master Rai.” sabay abot sa akin ng hawak nito. Kaya wala akong nagawa kundi sundin ito. “Ito rin ang tubig, uminom ka muna at aalis na tayo.” “Fine! Paandarin mo na yan!” angil ko sa kanya. “Palabas na kami ng parking nang matanawan ko sa side mirror ang dalawang sasakyan. “Bilisan mo at ayaw kong makita ang mga bodyguard na pinadala ni Senora Valeria!” “Hindi pwede, sa airport ang punta natin baka gusto mong magkaroon ng pagkakataon ang mga kalaban mo sa negosyo upang itumba ka huh!” “Whatever!” at pumikit na lamang ako. Few hours later… “Bilisan mo Ezco! Late na tayo ng thirty minutes.” “Okay.” Agad akong nag suot ng seatbelt, pag ganun ang sagot ng PA ko ay siguradong makikipaghabulan na naman kami kay kamatayan sa sobrang bilis. Kaya pagdating namin sa arrival area ay halos sumadsad kami sa gilid nang biglang stop ng sasakyan. “Bilisan mo, puntahan mo na siya.” “Aba, bakit ako, ikaw ang magtungo doon ayan ang picture niya.” wala kong nagawa kundi hablutin ang cellphone sa kamay ni Ezco. Naramdaman ko ang mga bodyguard na sumusunod sa akin. Kaya mas binilisan ko ang hakbang at humalo ako sa karamihan ng tao. Natanawan ko ang isang babae na palinga linga. At nang malapit na ako sa kinatatayuan niya ay tila na magnet ako sa mukha niya. Napakaganda pala nito sa personal at ang kagandahan nitong taglay ay hindi ordinary. Walang bahid ng kahit anong make up, ang gulo na buhok ay mas nakadagdag pa ng s*x appeal ng babaeng ito. Ngunit ng maalala na padala nga pala ito ng kanyang ina ay binalewala ko ang aking nakikita. Agad na kinuha ko ang isang maleta sa tabi niya at hinawakan ko siya sa braso sabay hila. “Hurry!” “S-Sandali ikaw po ba si Mr. Raiden San Diego?” “Don’t talk!” subalit mutik ko ng nabitawan ang braso niya ng biglang natapilok ito. Bibitawan ko sana siya ngunit natanaw ko sa kabilang dako ang grupo ng mga mafia. Kaya mabilis kong niyakap ang babae at saka agad na humakbang patungo sa labas. Halos buhatin ko na siya sa liit ba naman ng katawan. “Wait, ahm... mister, please let me go?” “Hindi pwede maraming mafia sa paligid at pag nakita ka ng mga yon ay siguradong kukunin ka nila.” at naramdaman kong nangatal ang katawan niya sa takot. Kaya ang ginawa ko ay binuhat ko na lang siya gamit ang isang braso ko habang hila ang maleta nito. “Hold me baka mabitawan kita!” at halos takbuhin ko na ang pina paradahan ng sasakyan. Pagka pasok ko sa kanya ay agad kong hinagis ang maleta niya sa likuran ng van. “Drive, bilisan mo Ezco, nagkalat ang mga tarantado!” “Sabi ko naman sayo eh, kung na late pa tayo malamang wala tayong inabutan.” “Shut up! Mag focus ka sa pagmamaneho.” napansin kong nag yuko ng ulo si Chloe, habang nanginginig ang mga kamay. Hindi ko mapigilang hawakan ito sa palad. “You’re safe now, kaya kumalma ka.” mahinahon ang aking boses na ipinagtaka mismo ng aking sarili. Kailan nga ba ako naging mahinahon samantalanag lagi akong nakasigaw? “O-Oo, p-pasensya na po ngayon lang ako nakapag travel ng mag-isa at sa ganitong lugar pa.” sasagot na sana ako ng marinig ko ang pinipigilan tawa. At gusto kong batukan si Ezco, dahil pinagtatawanan niya ako. Kaya ang ginawa ko ay umayos ng pagkakaupo tapos ay nag seryoso ako at sininyasan ko siya gamit ang middle finger ko. Alam kong nakita ako nito sa rear mirror kaya nag focus na lang sa pagmamaneho. Hindi nagtagal ay napansin kong tulog na si Chloe, hindi ko mapigilan na muling sulyapan ito. At isang bagay lang ang tumatak sa isipan ko. Fragile ang inosenteng babaeng ito na dapat protektahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD