ELIZABETH POV. ANG ARAW NG KASAL... NAKASUOT siya ng mamahaling damit pangkasal ngunit ang bigat ng bawat hakbang niya patungo sa altar. Ang kanyang mga mata ay hilam sa luha. At habang palapit siya sa lalaking kinamumuhian. Dama niyang gusto ng huminto ang kanyang mga paa sa paghakbang. Subalit wala siyang pagpipilian kundi makiayon sa kagustuhan ni Lorenzo. Ang demonyong lalaking nakatayo sa tabi ng dalawang taong umaagapay dito. At kung sino man ang mga ito ay wala naman siyang pakialam. Gusto niyang pigilin ang mga oras hanggang matapos ang kasal. Nang sa gano’n kahit sa huling sandali ay masilayan man lang ang pinakamamahal na ama. Dahil sa mga oras na iyon ay hinahatid naman sa huling hantungan ang katawan ng lalaking kanyang pinagmulan. Hindi niya makakalimutan ang mga oras na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


