“Euri, nasaan ka na? Huwag kang ma-late sa Christmas Party!” Tiningnan ko ang aking sarili sa malaking salamin habang kausap ko ngayon si Damian sa cellphone. Halatang-halata talagang excited siya sa gaganaping selebrasyon ngayon. “You look good, ’Nak!” Papuri sa akin ni Mommy. Siya ang nag-make up sa akin. Light make up lang naman ang inilagay niya dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganito. Sinulyapan ko ang aking sarili. Napangiti ako sa nakikita. I may look seventeen pero talagang mayroong improvement sa aking pustora. Hindi ko akalaing nagdadalaga na talaga ako at ang nakakalungkot lang... hindi nila nasisilayan nina Mama Geraldine at Papa Darwin ang aking paglaki at pagkakaroon pa ng muwang sa mundo. Paano kaya kung hanggang ngayo’y kasama ko sila? Siguro mas masaya sa naranasan

