Niyakap ko siya nang mahigpit dahil sa lubusang tuwa nang makita ko siya sa aking harapan. “Sobra akong masayang hindi mo talaga ako tinanggihan sa naging alok kong magkita tayo, Damian.” “Siyempre Euri, malakas ka palagi sa 'kin. Kumusta ka?” “Salamat sa Diyos, ayos ako palagi. Ang tagal na ring panahong hindi tayo nagkita 'no? Busy na kasi tayo sa ating mga kanya-kanyang mga buhay. Kumusta na rin ang pag-pursue mo ng kursong Nursing?” “Glory to God, medyo nakakapagod Euri pero keri pa naman sa powers ko kasi andiyan si Lord, eh. Nah, kung wala talaga siya, ewan ko na lang,” sagot niya kaagad. Unti-unti kaming umupo sa isa sa mga bench dito sa parke. Masayang-masaya talaga akong masilayang muli si Damian. Nang magsimula kaming mag-Senior High noon ay roon din nagkawalay ang mga lan

