Panay ang aking paghagulhol sa loob ng aking silid. Lubusan akong nasaktan sa naganap sa aming dalawa ni Brentford. Hindi ko maakalang nanumbalik ang labis na puot sa kanyang puso. Nagkulong ako sa aking silid. Nais ko munang mapag-isa sa ngayon. Malapit na sana ang Pasko ngunit walang pagkakaisa sa aming dalawa dahil lamang sa kanya-kanyang nakaraan namin. Napakasakit talaga kapag nagkaroon kayo ng matinding hindi pagkakaintindihan ng taong naging malapit na sana sa ’yo. Nasanay na akong palagi ko siyang kasama ngunit hindi ko mapipilit ang sarili ko kung ayaw niya na talaga sa ’kin. Sigurado akong alam na ni Mommy Natascia ang naganap sa amin ni Brentford at wala akong katiting na ideya kung ano ang kanyang gagawin ngayon. Kinuha ko ang aking cellphone at tumawag kay Damian. Hindi

