Huminga ako nang malalim habang kasalukuyang nakatingin sa puntod nina Mama at Papa. Wala akong tanging naisip ngayong araw kundi ang bisitahin sila. Umupo ako sa harapan ng kanilang mga puntod at tiningnan nang maigi ang kanilang mga pangalan. Hindi maalis sa mukha ko ang ngiti dahil iniisip ko talagang kaharap ko sila ngayon. “Mama, Papa, kumusta kayo? Mayroon po akong ikukuwento sa inyo ngayon.” Napayuko ako dahil hindi ko naman alam kung paano simulan ang aking pagsasalaysay ngunit pinipilit kong labanan ang kabang kasalukuyang andito sa akin. “Ma, Pa, kilala ninyo si Brentford hindi ba? Nabisita na niya kayo rito. Ano kasi, Ma at Pa. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko para sa kanya. Mama, Papa, first time ko hong maramdaman ang kakaibang... U-Uhm, ano... first time kong ma-i

