Third Person's POV Napabuntong-hiningang muli si Bianca habang nakatingin sa cellphone niya. Hindi na niya mabilang kung ilang ulit na niyang ginawa 'yon. Hindi siya sanay na tahimik ang cellphone niya. Simula kasi no'ng tumawag si Zach sa kaniya no'ng sabado ay hindi na ulit ito nag-paramdam. Pakiramdam niya ay iniiwasan siya nito. Hindi rin kasi ito sumasagot sa mga tawag o texts niya. Hindi na niya ito maintindihan. Ano bang problema mo Zach? Tanong ni Bianca sa kaniyang isipan. "Hi Bi!" Napalingon si Bianca sa tumawag sa kaniya. "Bi?" Tanong niya. Umupo si Gab sa harapan niya. "Bi, short for Bianca. Cute 'no? Kasing cute mo." Nakangiting sabi ni Gab. Napatawa si Bianca. "Akala ko nahawa ka na rin sa tawagan namin ni Ayla eh." Tugon niya. "Speaking of Ayla, nasa'n siya? Ba't na

