Shy's POV "Break muna tayo!" Sabi ko sa mga ka-grupo ko sa sayaw nang makita ko na papasok si Keanne sa studio namin. Agad naman na nagsi-upo ang mga ito sa sahig at uminom ng tubig. Isa kasi akong president ng Dance Club. Every time na may event dito sa school ay palagi kaming nag-peperform. Passion ko kasi ang pag-sayaw. Para sa'kin, buhay ko na 'to at mahal ko ang pag-sasayaw. Masaya ako sa ginagawa ko. Agad na lumapit sa'kin si Keanne at binigyan ako ng tubig. Nag-pasalamat ako at binuksan ang bottled water bago ininom. "May bayad 'yan ha?" Agad akong napabuga sa mukha niya dahil sa sinabi niya. Napasimangot siya sa nangyari at nakarinig ako ng impit na mga pag-tawa sa paligid. At dahil Vipers siya, hindi nila pwedeng lakasan ang tawa nila dahil paniguradong yari sila. Makakatikim

