Kabanata I

1210 Words
JANINA Bago pa man tumunog ang alarm clock na nasa gilid ng aking kama ay bumangon na ako. Simula na naman ng isang bagong araw ng pakikipagsapalaran. Alas-kuwatro pa lang ng umaga ngunit kailangan ko nang bumangon para makapagtinda ng almusal sa palengke. Agad na akong nagbihis at nagtungo sa kusina. Nakahanda na ang mga ititinda ko. Nakalagay na lahat sa basket. Binusisi ko ang mga naka-plastik na pagkain. "Kompleto na po ba lahat ito, 'Nay?" tanong ko kay Nanay na abala sa pagliligpit ng mga ginamit sa pagluluto kanina. Si Nanay ang gumigising ng maaga para magluto ng mga paninda ko. "Oo, anak. Pagkaubos ng paninda mo, anak, daanan mo na din ang mga ipapalaba sa mga Suarez. Para masabay ko na sa mga lalabhan ko ngayon, at mamayang hapon ay ma-plantsa ko na lahat." "Sige po, 'Nay, aalis na din ako para makauwi ako agad. Pupunta pa ako ng divisoria mamaya," paalam ko. Binitbit ko na ang basket. "Pasensya ka na, anak, alam kong wala ka pang halos tulog pero gumising ka pa din ng maaga." Nagsimula na naman magdrama si nanay, maluha-luha na naman ito. Kaya bago pa kami magka-iyakan ay tinalikuran ko na siya at tumuloy na sa aking lakad. Nasa sampung minuto ang byahe papunta sa palengke. Madalas linalakad ko lang mula bahay hanggang sa palengke. Dahil linggo ngayon, sumakay na lang siya ng tricycle. Pupunta pa ako ng divisoria upang i-pick-up sa supplier ang mga pa-order ko sa online. At mamayang gabi ay may gig ulit kami ng banda. Ako si Janina kiana Lopez, yayamanin ang pangalan. Pero isa lamang akong maralita at maraming raket upang makatulong sa nanay kong mag-isang nagtataguyod sa amin ng aking nakakabatang kapatid. Tindera ako ng almusal sa palengke, online seller at bokalista ng banda. "Magandang umaga! Almusal kayo diyan!" masigla kong pagbati sa mga tindera at tindero dito sa palengke. Abala na ang mga ito sa kani-kanilang mga costumer. Araw ngayon ng linggo kaya marami ang mga namamalengke, kahit madaling araw pa lang. Isa-isa kong ni-lapitan ang mga puwesto ng mga tindera. Pagka-ubos ng paninda ay dali-dali na din akong lumabas sa palengke. Dadaanan ko pa ang labahin sa pamilya Suarez sa 'di kalayuan. Sampung taon nang tumatanggap ng labada ang aking ina. Mula nang namatay ang ama ko sampung taon na ang nakalipas ay naging mahirap na ang buhay namin. Sampung taon lamang din ako noong namatay sa abroad ang tatay ko. Walang naipon sina nanay. Ang mga pinapadala noon ni tatay ay sakto lang na ipinambayad unti-unti sa lahat ng mga pinagkakautangan namin. Kung kaya naman sa hirap ng buhay na kinamulatan ko ay nagsusumikap ako at dumidiskarte. Isa din akong estudyante at nasa huling taon na ako sa kolehiyo. Kaunti na lamang ay makakamit ko na ang bunga ng mga sakripisyo namin ng aking ina. Mag-a-apply ako ng trabaho sa isang malaking kompanya na may above minimum ang sahod at may mga benefits. Alas-tres na ng hapon ng ma-deliver ko ang lahat ng mga pa-order ko online. May dalawang oras pa akong magpahinga o umidlip bago magpunta sa gig ng banda. Alas-siete ay dapat nasa bar na ako. Kailangan pa naming mag-rehearse para sa intro song namin. Pagpatak ng alas-otso ng gabi ay umakyat na kami sa stage. Magsisimula na ang kasiyahan sa buong bar. First set kami sa kumanta, kaya bandang alas-dose na ng gabi ay tapos na kamk at puwede nang umuwi. "Saan tayo?" tanong ng mga kasamahan ko na nakasanayan ng mag-party pagkatapos ng gig. Alam na nila hindi ako puwede kaya hindi na nila ako pinipilit na sumama sa kanila. Araw-araw naging routine ko na ang eskwela, bahay, palengke, banda at ang pag-online selling ko. Minsan naiiyak na lang ako dahil sa sobrang pagod at puyat. Pero hindi ako puwedeng tumigil sa pagkayod, mapapagod at iiyak pero hinding-hindi susuko. Kunting tiis pa, Janina, malalagpasan mo din ang lahat, pagpapalakas ko ng aking loob. Ilang buwan na lang magbubunga na ang lahat ng sakripisyo at pagod ko. Nandiyan ang kapatid at nanay ko na siyang nagsilbing lakas at inspirasyon ko. Isama na din ang mga bestfriend kong sina Yana at Yela na nagpapagaan lagi ng loob niya sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob. Pinangako ko sa sarili ko na maaabot ko ang lahat ng pangarap. Mai-ahon ko sa hirap sina nanay at Jonna. 'Yan lang naman ang goal niya sa buhay. Kung kaya naman sa edad ko bente, ay focus ako sa pag-abot sa aking mga pangarap. Walang akong oras sa lakwatsa o kahit anong bagay. Lalo na ang pagkakaroon ng boyfriend. Wala 'yan sa isip ko. Mananatili akong single hangga't hindi ko nakakamtan ang mga pangarap ko. "May nagpapabigay sayo, Jaki." Inaabot sa akin ng isa kong kaklase ang isang malaking paper bag. "Sino?" tanong ko habang nanatili lang akong nakatingin sa paper bag. Wala akong balak na tanggapin ang regalo kahit kanino pa 'yan galing. "Galing kay Captain," sagot niya. Napairap ako. Ilang beses ko ng binasted pero matibay talaga. Ayaw pa ding tumitigil sa panliligaw. Pinabalik ko ang regalo. Kung tatanggapin ko baka isipin din niya na pumapayag na akong magpaligaw sa kaniya. "Hindi mo ba yun type? Guwapo, mayaman at-" "Babaero. Sakit sa ulo lang yan, kahit pa guwapo at mayaman," putol ko sa mga sinasabi na papuri ni Yela kay Kyle. Hindi ko alam kung bakit ang panlabas na anyo lang ni Kyle ang nakikita niya. Aanhin mo ang guwapo, sakit sa ulo lang ang dala niyan. "Sabagay. Kukunin lang ang p********e mo saka ka iiwanan na luhaan at sawi." "At 'yan ang hindi ko hahayaang sapitin ko. Pinatatag na ako ng panahon at hindi ang isang babaero lang ang papatulan ko at wawasak sa'kin," seryoso kong litanya. "Wasak agad? Grabe," iiling-iling na ulit ni Yela. Napatakip pa ito ng bibig. Napaka-berde talaga mag-isip ng kaibigan ko. Kung si Yana ay may pagka-conservative. Kabaliktaran naman niya si Yela. Nagtawanan kami sa inasta niya. "Gawin na lang natin sa library ang mga assigments natin," aya sa amin ni Yana, kambal siya ni Yela. "Jaki, sandali." Napahinto kami sa paglalakad dahil sa pagtawag ni Kyle sa akin. Bumuntong hininga ako bago pumihit at hinarap siya ng nakahalukipkip. "Bakit mo naman binalik 'yung bigay ko sayo?" tanong niya. "Sinabi ko naman sayo, Kyle. Wala pa sa isip ko ang pagkakaroon ng boyfriend," paliwanag ko sa kaniya. Hindi ko alam kung pang-ilang ulit ko na itong sinabi sa kaniya. "Handa akong maghintay, Jaki. Alam kong hindi ganoon kaganda ang imahe ko sa'yo. Pero handa akong patunayan na seryoso ako," sinsero na pagkakasabi ni Kyle. Napabuntong hininga na lang ako dahil talagang pursigido siya sa panliligaw sa akin. "Friendship. 'Yan lang ang kaya kong ibigay sayo, Kyle. Sorry," sambit ko. Ramdam ko ang pagiging sinsero ni Kyle at nalulungkot din ako dahil hindi ko kayang tanggapin ang inaalay niyang pag-ibig. Tumango lamang si Kyle, ngumiti siya pero hindi iyon abot hanggng sa mata. Nagbaba siya ng mukha at bagsak ang balikat habang naglalakad palayo. "Kawawa naman. Sayang naman siya. Guwapo, mayaman at yummy," litanya ni Yela habang nakatanaw kay Kyle na bigong-bigong naglalakad palayo sa amin. Inirapan ko si Yela dahil kung ano-ano na naman ang pinagsasabi niya. Kinokonsensya pa ako. Eh, sa wala nga sa isip ko ang magkaroon ng nobyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD