JUAN's P O V " Tao po! Tao po! Mineral po! " ilang beses akong tumawag sa isang bahay na kaysa ang maliit na pamilya May maliit na garden sa harap at lamesita na may dalawang silya na magkatapt sa terrace. Yari sa bato ang bahay na may pinturang kulay pink kaya aakalain mong babae ang nakatira. May gate na hanggang dibdib ang taas. Kaya tanaw mo pa rin ang loob ng bakuran kapag nasa may pintuang bakal ka mismo tatayo. " Sino 'yan!? Istorbo naman sa pag tulog ko! " halatang naiinis na tugon sa loob ng bahay " Deliver po ng mineral! " mahinang sigaw ko Walang tugon mula sa loob pero narinig ko ang pag bukas ng pinto. Hindi ko alam kung sino ang mas nagulat sa aming dalawa, siya ba o ako? Dahil napa nganga na lamang ako, siya naman ay hindi malaman kung anong parte ng katawan ang t

