JUAN's P O V " Huh!? Saan nag punta 'yun!? " bulong ko sa sarili sabay labas ng aking tinitirhan at tinungo ko ang harapan ng bahay ni Ate Carmen. " Oy, Juan! Kanina pa nag hihintay sa'yo si Mikaela! " bungad na sambit niya nang matanaw ako Nasa terrace sila ng bahay at kausap daw iyong Mikaela raw — ang babaeng nabungaran ko rin kanina sa labas ng tinitirhan ko. May dalawang basong juice sa kanilang harapan. " Ahm, A- Ano ang maipag lilingkod ko? " kiming tanong ko kahit hindi ko pa siya nakikilala. " Pi- Pinapunta ho a- ako ni Tita Yell. Ma- May i- ipapagawa raw po siya sa inyo sa ba- bahay. " nauutal niyang wika " Ahh! Pamangkin ka niya? " patanong din wika " O- Opo. " kiming sagot din niya " Sige, tara na, baka importante. " aya ko na sa kanya, " Saglit lang po ako kila Y

