THIRD PERSON's P O V Nasundan nga nang nasundan ang pag kukumpuni ni Juan sa bahay nila Yell. Kahit wala si Mikaela ay nag- uutos na lamang ito sa bata para sabihan siyang pumunta nga siya roon. Hindi pa rin naman siya tumatanggap ng bayad kaya mga groceries na lamang ang inaabot ni Yell sa kanya. Hindi naman niya matanggihan dahil biyaya iyon at masamang tumanggi. Nakilala na rin niya ang ibang mga kaibigan ni Houten na sina Eugene at Lucifer. Kaya halos tuwing ikalawang linggo ng buwan ay nagba- bonding sila sa bahay nila Houten. Nagagamay na rin niya ang trabaho sa tubigan na kahit hindi siya nakakapag- exercise ay batak pa rin ang katawan niya sa kakabuhat. Kumbaga ay kampante na ang buhay niya sa Sitio Makisig. May mababait na amo at kapitbahay tsaka mga kaibigan, payapa at m

