THIRD PERSON's P O V " Ayan tuloy, pogi problems lang iyan! " kantyaw ni Joaquin Kaya natawa ang mga kaibigan nila. " Pinamihasa mo kasing sa tuwing tatawagin ka e pumupunta ka! " paninisi naman ni Lorenzo " Alam naman kasi ni Yell na kapag Linggo ay sarado ang tubigan. " pag tatanggol naman ni Melchor kay Juan Kaya hindi malaman ng binatang taga Magdalena kung sino ang susundin niya sa mga ito. Humingi kasi siya ng tulong kung paano nga maiiwasan si Yell dahil nahihiya raw siyang tumanggi rito kapag pina tawag siya. Nandito na naman sila sa bahay ni Houten para mag- inuman. " Inuupahan ka naman yata e!? Sa susunod na ipa tawag ka subukan mong tumanggi, tingnan mo kung ano ang magiging reaksyon niya. " suhestyon naman ni Houten Na sinang- ayunan nila Emilio, Roman at Eugene. "

