SWERTE

750 Words
THIRD PERSON's P O V Pagkabalik ni Juan sa tubigan ay sunod- sunod ang mga bumibili ng mineral. Tumulong na rin sa kanya si Analyn dahil hindi kasi siya magkanda ugaga sa paglilinis ng mga container at pagre- refill ng tubig. " Unang araw mo pa lang dito ay dinumog na ng mga tao ang tubigan, Kuya Juan! Dati naman noong si Pol ang boy rito ay hindi ganyan karami ang mga tao! " bulalas na wika ni Analyn no'ng magsa sarado na sila. " Oo nga! Nagkataon lang sigurong naubusan sila ng sabay- sabay kaya rumami ang customer natin. Sobrang init naman kasi. " kontra ng Ginang sa kasambahay niya " Sus! Tingnan natin bukas, Ate Carmen! Kapag marami pa rin e swerte sa atin itong si Kuya Junjun este Juan. " katwiran pa ni Analyn " E, sana nga! Mas dumami pa ang customer natin! " wika na lamang ng Ginang Natatawa lang naman si Juan sa kanila na abala sa pag lilinis ng mga basyong containers. " Bukas na iyan, Juan. Marami kang ide- deliver bukas, gaya kanina e ipag tanong mo na lang ang mga bahay nila. " masuyong wika ni Aling Carmen sa kanya " Oho, isa na lang po ito. Para ho bukas ay lalagyan ko na lang po ng tubig. " magalang namang tugon ni Juan " Sige, sabayan mo na kami ni Analyn na mag hapunan. Dalawa lang naman kasi rito at marami siyang niluto. " wika pa nito " Sige ho. " tipid niyang tugon at sa nililinis pa ring container siya naka tingin Lumabas na ng tubigan ang mag- among Analyn at Aling Carmen tsaka pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina para mag hain. " Mukha ngang swerte tayo riyan kay Juan, biruin mo dinumog tayo ng mga customer kanina. Samantalang noong si Pol ang boy ko ay hindi pa nangyari ang senaryo kanina na pumila talaga ang mga tao para bumili ng tubig. " bulong na saad ng Ginang " Sabi ko ho sa inyo, Ate! Tsaka mas gwapo nga ho iyang si Kuya Juan kaysa kay Pol. " bulong din ni Analyn kaya natawa na lamang ang Byuda Nahinto naman ang pag bubulungan nila nang bumungad si Juan sa kusina. " Na- Nakakahiya na ho sa inyo Aling Carmen. Sinasahuran n'yo ho ako at wala na hong bayad ang pag tira ko e libre pa rin po ang pag akin ko. " kiming saad niya Umupo na sila sa apatang lamesa. At nag simulang kumain, tinolang manok na may papaya ang niluto ni Analyn. " Naku! Sa sipag mong iyan ay ayos lang! Tsaka bago ka pa lang naman dito, baka wala ka pang kakainin sa silid mo! " kontra naman ng Ginang " Mayroon po, para hong bagong pamili pa lang niya bago siya umalis dito. " paliwanag pa niya " Sige, bukas ay roon ka na mag luto sa silid mo. Kung sakaling bumalik si Pol ay mabayaran na lamang ang mga iyon. Kasalanan naman kasi niya. " sambit pa ng Ginang Tumango na lamang si Juan at kumain na sila. " Taga rito ho ba talaga sila Houten at Joaquin? " tanong pa niya " Oo, dito talaga pinanganak sila Houten at mga kapatid niya. Nasa ibang bansa na ang mga kapatid niya at pamilya nito. Ulila naman na sila sa mga magulang. " tugon ng Byuda. " Si Joaquin naman ay pang- third generation nang nagma- manage ng mansyon nila. Sikat ang pamilya nila rito sa bayan ng Sto. Birhen. " dugtong pa nitong paliwanag Kaya tumango- tango lamang si Juan. " Naku! Kuya Juan, mga gwapo ang kaibigan ni Houten! Parang kagaya mo rin kaya hindi ka maiilang sa mga iyon! Tsaka . . " saad naman ni Analyn at pinutol pa ang ibang sasabihin. " Anong tsaka? " ulit ni Juan sa sasabihin niya sana " Pa- Pare- pareho rin kayong ma- matatandang binata. " mahinang saad nito pero sapat lamang para marinig ng dalawang kaharap niya sabay peace sign ng dalawang daliri. " Talaga!? " natatawa at hindi makapaniwalang wika niya. " Oo, " pag sang- ayon naman ni Aling Magda " Wala ho bang mga dalaga rito at bakit tumanda silang mga binata pa? " tanong pa niya " Aba! Marami! Ewan ko lang sa mga iyon at kung bakit walang nagugustuhan sa mga kadalagahan dito sa Sitio Makisig. " turan pa ng Ginang Hindi naman na sumagot si Juan at pinag patuloy na nila ang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD