BAGONG SALTA

1874 Words
THIRD PERSON's P O V " Oh! Sto. Birhen! Sto. Birhen! Aalis na! Isa na lang ang kulang! " sigaw ng Barker Kaya iyon ang naka tawag ng pansin kay Juan habang nag lalakad sa terminal ng tricycle at jeep. Tila wala nga siya sa sarili habang iginagala ang paningin sa paligid. Kanina pagkarating niya sa kanto malapit sa kanilang bahay ay sumakay lamang siya ng jeep ng may dumaan. Dito nga siya inihinto sa bayan ng Sto. Birhen at iyon ang narinig niya sa Barker. " Birhen siguro lahat ang mga tao rito. " bulong pa niya sa sarili kaya roon niya inihakbang ang mga paa. " Sto. Birhen, Boss?! " tanong ng barker " Oo. " maikling sagot naman niya " Bente pesos po. " Kinuha niya ang wallet sa bulsa ng backpack bag at kumuha ng perang papel na kulay orange tsaka ibinigay sa kausap niya. " Sige na, Boss, sakay na. " saad nito Ilang sandali nga ay naka upo na siya at umaandar na ang jeep na kanyang sinakyan, malapit sa gitna siya naka upo at dahil malaking lalaki ay parang kalahati lamang ng pwět niya ang sakop ng mahabang upuan. Hindi na lamang siya makapag reklamo dahil halos mga babae ang sakay niya at tila namalengke dahil maraming basket sa harapan ng mga ito na puno ng iba't ibang klaseng gulay at karne. Dalawampung minuto rin ang itinagal ng kanilang byahe bago bumaba ulit ng terminal. Gaya kanina ay iginala muna niya ang paningin sa paligid, hindi nga kasi niya alam kung saan siya mananatili muna habang nag papalipas ng sama ng loob. " Sasakay ho ba kayo, Bossing? Marupok po. " tanong ng isang lalaking matangkad na tila hindi pwedeng maging tricycle driver dahil medyo may kaputian ang kanyang balat. Dahil sa pag mamasid niya ay naka lapit na pala siya sa hilera ng mga tricycle sa gilid ng terminal. " Huh!? Hindi ako marupok ha! " mariin ko namang tanggi Kaya bahagyang natawa ang kausap niya. " Baryo Marupok po ang ibig kong sabihin. Hindi ho kayo taga rito kaya hindi n'yo alam ang barangay namin. " paliwanag pa nito " Ahh! Oo e! Dayo lang ako rito. " napapa kamot sa ulong tugon ni Juan " Ayos na ayos, Bossing! May kakilala akong pwede mong tirhan doon sa lugar namin! Tahimik doon, Bossing! Magkakaibigan ang mga tao at walang mga marites! " pahayag pa no'ng lalaking kausap niya " Marites? 'Di ba pangalan iyon ng babae? " kunot ang noong tanong niya " Huh!? Hindi mo po alam ang ibig sabihin ng marites? Tsk! Mayaman ka ho siguro! " " Ano nga iyong marites? Ang dami mo pang sinasabi, isang tanong lang naman ang sasagutin mo! " may pagka supladong wika ni Juan " Sorry, Bossing. Tsismosa ang ibig kong sabihin na martites. " nag kakamot sa kilay na tugon ng tricycle Driver na kausap niya " Sige, sasakay na ako. Siguraduhin mo lang na may bahay apartment akong matitirhan doon. " saad pa ni Juan at sumakay na " Opo, Bossing! " mabilis na tugon nito at pinaandar na ang tricycle " Saan ka ho ba galing? Bakit po kayo napadpad dito sa bayan ng Sto. Birhen? " may kalakasang tanong nito dahil maugong ang tricycle, kung mahina ang boses niya ay hindi sila magkakarinigan ng kanyang pasahero. Subalit, hindi siya sinagot ni Juan. Tila kasi malalim ang kanyang iniisip at naka tingin sa malayo. Kaya hindi na sinundan ng driver ang tanong niya dahil nga napansin niya ang itsura ng kanyang sakay. " Dito na ho tayo, Bossing! " wika no'ng driver kaya noon lamang tila natauhan si Juan at bumaba ng tricycle. Inilibot muna niy ang tingin sa paligid, hinayaan naman siya ng Driver. Ang napagmasdan ni Juan ay malinis na paligid, wala kang makikitang balat nang pinag kainan ng mga sirsirya kahit bago pa lamang pumuputok ang araw sa silangan. Mayroon ding maririna musika na nanggaling siguro sa speaker radio o radyo mismo sa ibang bahay. Kakaunti lamang ang matatanaw sa paligid na mga tao. Iyong iba ay nag wawalis pa sa gilid ng kalsada at iyong iba ay nag didilig ng mga halaman sa loob ng kanilang bakuran. Mababa lamang kasi ang mga bakod nila kaya matatanaw mo ang kabuon ng bakuran nilang maraming mga iba't ibang tanim sa paligid. Mayroon din siyang natatanaw na talyer, sa hindi kalayuan at bakery tsaka water refilling station. " Ano ho, Bossing? Okay na po itong lugar namin? " untag no'ng Driver sa kanya kaya napa lingon siya rito " Oo, saan iyong sinasabing pwede kong tirhan? " tugon niya kasunod ang tanong " Dito po, Bossing! Tsaka tamang- tamang nag hahanap sila ng boy kung wala ka pang trabaho! " saad nito at lumakad patungo sa hilera ng mga stall — sarado pa iyong dalawa dahil maaga pa siguro, iyong bakery ay open na at sa water refilling station sila huminto. Mayroon nga roong naka- paskil sa labas na nangangailangan sila ng boy. " Aling Carmen! Mayroon po akong ipapasok sa'yong boy! " sigaw no'ng driver " Teka muna, kanina pa tayo magka sama pero hindi ko pa alam ang pangalan mo. Ako nga pala si Juan, salamat nga pala sa tulong mo. " saad niya at inilahad ang kanang kamay sa harapan nito " Ayos lang iyon! Ako si Houten, iyong talyer na nadaanan natin ay sa akin. Sa likod niyon ang bahay namin. " wika nito at tinanggap ang kanyang kamay, " Marami akong kaibigan dito, ipa kilala rin kita sa kanila. " " Ano 'yon, Houten? " bungad ng Ginang kaya hindi na naka sagot si Juan " Magandang umaga ho! " kiming bati pa niya " Magandang umaga rin naman! " " Good morning nga po pala! Hehe, ito ho si Juan papasok daw ho sa inyong maging water boy. " pabirong wika pa ni Houten " Talaga!? Naku! Tamang- tama! Pwede ka nang mag- umpisa ngayon, Juan! Alam mo kasi iyonh dati kong boy ay bumale ng malaki at manganganak daw ang asawa. No'ng umuwi at bibisitahin daw ang pamilya ay hindi na bumalik! " mahabang litanya ni Ginang Carmen " Marami hong salamat at tinanggap n'yo ho ako agad kahit bago pa lamang ako rito. " kiming wika naman niya " Naku! Sa tanda ko ba namang ito ay alam ko na kung sino ang mapag kakatiwalaan ko o hindi! Talaga nga lamang ginoyo ako no'ng dati kong boy rito pero ilang taon din siyang naging tauhan ko. " pahayag pa nito " Salamat pa rin po. " " Pasok muna kayong dalawa at makapag kape. Mukhang malayo ang pinang galingan mo. " aya pa nito sa kanilang dalawa at binuksan ang maindoor para maka pasok sila. Nasa harapan lamang kasi ng bahay nito ang water refilling station. Tahimik naman silang pumasok at dumiretso sa kusina. " Ipag timpla mo sila ng kape, Analyn. Eto nga pala ang pandesal kayo na bahalang mag lagay ng palaman. " utos nito sa kasambahay siguro at inilapit sa kanila ang supot na kulay brown tsaka dalawang garapon ng peanut butter at cheez whiz. " Ayos! Naka libre ng almusal! " wika ni Houten at siya na miso ang nag lagay ng palaman sa apar na pandesal, tig dalawa siguro sila ni Juan. " Ano nga pala ang pangalan mo? " tanong ng Ginang kay Juan " Juan Morales po. " kiming saad niya, " Taga Pulilan po ako, aaminin ko na po sa inyo ang totoo kung bakit ako na padpad dito sa lugar ninyo. Pero sa katunayan po ay hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ho pumara na lang ako kung saan po ako dalhin ng kapalarana. " mahabang tugon niya at ni- kwento na nga niya ang rason niya kung bakit lumayas sa bahay nila Kaya natatawa si Aling Carmen at Houten sa kanya. " Eto na po ang kape, Ate. " singit namang wika ng kasambahay " Oh, eto si Analyn. Dalaga pa, pwedeng- pwede mong ligawan! " tila nirereto na ng Ginang ang kasambahay sa kanya " Ay, Ate! Istrikto po ang mga magulang ko! " pabirong wika rin nito Kaya natawa na lamang ang kanyang kaharap. " Naku! H'wag kang mag- alala, Juan! Halos lahat naman ng binata rito ay mga wala ring kasintahan! 'Di ba, Houten? " saad pa ng Ginang " Opo nga! Ipa kilala ko na ho siya sa mga iyon mamayang gabi! " tugon naman ng binatang tricycle Driver " Pwede ka na ring tumira roon sa likod, katabi ng silid ni Analyn. Doon din natutulog iyong boy na tinakasan ko! Naiwanan pa nga niya ang ibang gamit niya. " saad pa ng Ginang " Marami hong salamat at dito ako na padpad sa lugar ninyo! Kahit po dayo lang ako ay tinanggap ninyo ako agad! " na- touch naman si Juan sa pag welcome sa kanya ng mga tao rito sa Sito Makisig. " Baka tadhana na ang nag dala sa'yo rito! Malay mo nandito pala ang babaeng tatapos ng pagiging binata mo!? " pabirong wika pa ni Houten " Sus! Nag salita ang may nobya!? Wala ka rin naman! " kantyaw pa ng Ginang " Iyon po ang akala ninyo, Aling Carmen! " tugon nito tsaka tinaas baba pa ang mga kilay " Sus! Mag lubay ka, Houten! Tila iba ang tinginan ninyo ng pamangkin mong si Sasha! " pagalit pang sermon nito sa kapitbahay " Naku! Close lang po talaga kami, Aling Carmen! " kontra naman agad nito " Ahm, pwe- pwede na po ba akong mag- umpisa? " singit na tanong ni Juan kaya naputol pa ang ibang pag- uusapan ng mga kaharap niya " Naku! Bukas na, Hijo, mukhang puyat ka pa. O kaya mamayang hapon, matulog ka muna ngayon. " masuyong tugon ng Ginang " Oo nga ho e, ang bait po ninyo. Hindi ho kayo nag dalawang isip na tanggapin ako rito. Makaka asa ho kayong tatapatan ko rin ng magandang pakiki tungo sa inyo at hindi ko ho sisirain ang tiwala ninyo sa akin. " mahabang pahayag pa ng binatang bagong salta " Mababait naman kami rito at walang gulo. " wika pa ni Houten Ilang sandali pa silang nag kwentuhan bago nagpa alam si Houten na uuwi muna. Tumayo na rin si Juan para umidlip muna sa silid ng dating boy ni Aling Carmen. " Maraming salamat ha! Eto nga pala ang bayad ko! Nakalimutan ko na! " natatawang saad ni Juan at kumuha siya ng pera papel na kulay ube sa bulsa ng pantalon. " Ayos lang iyon! Ang laki naman nito! Sandali at susuklian kita! " bulalas na wika pa ni Houten " Hindi! H'wag na! Keep the change na! " pabirong wika pa ni Juan " Wow! Ha! Inglis iyon! Kung sabagay! Halata namang hindi ka mahirap e! " turan pa ni Houten, tinawanan lang naman siya ni Juan " Sige na! Idlip muna ako. Kita na lang tayo mamaya! " tinapik pa niya ang balikat nito " S'ya! S'ya! Uwi na ako! " paalam din nito at nag- iba na sila nang tinahak Siya sa likod bahay samantalang si Houten ay sa bahay nito ilang hakbang lamang ang layo mula sa bahay ni Aling Carmen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD