Ngumisi si April, pero halata ang pamumula ng pisngi. “At bakit ba parang ikaw ang nagmamay-ari ng rancho? Sa pagkaka-alam ko asawa ka lang ni Omar. Hindi mo ito pag-aari dahil abot ka lang!” “Talaga lang, ha?” balik ni Shiela na tumaas pa ang kilay. “Asawa niya ako, ibig sabihin parte ako ng pamilyang ‘to. Ikaw? pilit na sinisiksik ang sarili mo. Kahit anong gawin mo, hindi mo mapapalitan si Mommy Marielle sa puso ni…” Tumingini ito sa kanya. “Diba daddy?” dugtong nito. “Bakit mo naman nasabi? Mabait naman si April at maalaga. Swerte ang mapapangasawa niya.” Sa halip ay sagot niya. Kita niya kung paano madismaya ang manugang sa sinabi niya. Para itong maiiyak sa inis. “Ow, kitams?” biglang ngumiti si April. “Kaya kung ako sa ‘yo Shiela—” “April!” mariin niyang putol. Napat

