PAGLAPAG pa lang ng eroplano, ramdam na ni Dr. Fuentebella ang bigat ng hangin.
Iba sa lamig ng New York kung saan bawat araw ay eksaktong nakaplano, walang lugar para sa damdamin.
Sampong taon na siyang nawala at ngayong nakabalik siya sa Pilipinas, wala pa rin siyang nararamdamang excitement.
Mula paliparan ay dumiretso siya sa hotel sa Makati.
Pagpasok niya sa suite, tinanggal niya ang coat, inilapag ang maleta, at tumingin sa labas ng bintana.
Sa tabi ng kama, nakapatong ang isang sobre— St. Catherine University College of Medicine Alumni Homecoming.
Matagal na niyang gustong itapon ‘yon, pero tinawagan siya ni Rafael Mendez bago pa man siya sumakay ng eroplano.
“Lander, come on, just one night. We haven’t seen you in years.”
Ayaw sana niyang pumunta.
Wala naman siyang rason para makipagbalikan sa nakaraan.
Pero marahil, gaya ng lahat ng tao, napagod na rin siya sa katahimikan.
Kaya kinahaponan, suot ang kulay-abong suit at lumabas siyang muli sa gabi ng Maynila.
Ang Imperial Crown Hotel ay puno ng buhay nang dumating siya.
Kumikinang ang mga chandelier, may jazz na marahang tumutugtog, at ang tawanan ng mga dating kaklase.
Pagpasok niya sa ballroom, halos hindi na niya makilala ang ilan mas maayos na manamit, mas mabigat na ang katawan, dahil may mataba, payat at tumanda ang hitsura pero walang pinagbabago ang mga tawanan.
Isang boses ang agad niyang nakilala.
“Lander!”
Si Dr. Rafael Mendez, dati niyang kaklase, sabay taas ng hawak na champagne.
“Finally! You’re back, my friend!”
Bahagyang ngumiti si Philander, pilit ngunit hindi manlang umabot sa mata niya.
“Didn’t really plan to attend,” sagot niyang bakas ang pagod mula sa byahe.
Rafael laughed, sabay tapik sa balikat niya.
“Oh, come on! You used to be the most brilliant one among us. We couldn’t have this reunion without you.”
Ngumiti si Lander nang tipid. “That was a long time ago.”
Habang nag-uusap ang grupo ng mga dating kaklase, nanatiling tahimik si Philander.
Nakikinig sa mga kwentong may halakhak, sa mga tagumpay na parang mga tropeong ipinagmamalaki ng bawat isa.
Sa kanila, ang buhay ay patuloy na umaandar. Pero para sa kanya tila huminto sampong taon na ang nakalipas noong gabi na huling huminga ang pinakamamahal niyang asawa.
Lumapit siya sa malaking salamin na tanaw ang lungsod.
May mga babaeng lumapit, nagbiro, nagtangkang magkwento.
Ngumiti siya sa tamang oras, umiling sa tamang sagot, pero wala siyang naramdaman kundi pagod at boredom. Kung puwede lang ay bumalik na siya sa hotel at makapagpahinga.
Tahimik niyang ibinaba ang baso sa mesa. Kung tutuusin, kaya naman niyang umalis.
Kung hindi lang siya nahihiya sa mga dating kaibigan.
“My old comrade?”
Napalingon siya sa pamilyar na boses.
Pagharap niya, saglit siyang napangiti.
“Victor.”
Nakatayo roon si Dr. Victor Almana, halos kaedad niya, pero mas matanda itong tingnan.
May mga guhit na sa noo, at ang mga mata nito’y parang laging kulang sa tulog.
Ngunit sa ngiti ni Victor, naroon pa rin ang kalokohan nito lalo na pagdating sa babae.
“Well, well, Dr. Fuentebella,” ani Victor, sabay tapik sa balikat niya.
“Never thought I’d see you again after that mountain mission.”
Nagkamayan sila, sabay halakhak nang marahan.
May sandaling tahimik, pagkatapos ay sabay silang umupo sa mesa sa gilid.
“You still remember that?” tanong ni Philander, bahagyang ngumiti.
“How could I forget?” sagot ni Victor. “That mission almost got us killed.”
Napailing si Philander, saka marahang tumawa.
“We were stupid back then. We didn’t even know we were treating rebels.”
“We didn’t,” sagot ni Victor, sabay tungga ng alak. “But we saved lives, didn’t we? Even if it cost you more than anyone could imagine…”
Napatigil ang binata, hindi siya nakaimik sa huling sinabi nito.
Ang mga mata niya’y nanatiling nakatingin sa mesa, marahang nagbago ang ekspresyon.
Napansin ni Victor ang pagbabago ng aura niya kaya nagsalin ito ng alak at binigay sa kanya ang isa.
“You know what, Lander,” sabi ni Victor, sabay tawa.
“You’re hopeless.”
“Hopeless?” kunot noo niyang tanong.
“Yes! Hopelessly serious. Look at you, still mourning like it was yesterday.”
“It was yesterday,” mariin niyang sagot.
“Some days, it still feels like it.”
Tumawa si Victor, pero bahagyang nag-iba ang tono.
“Then maybe you need a reason to smile again.”
“Like what? Another conference? Another business trip?”
“No. Like seeing your son settle down.”
Napakunot ang noo ni Lander tila hindi agad naintindihan.
“My son?”
Tumawa si Victor, halatang nag-e-enjoy sa reaksiyon ng kaibigan.
“Yeah, your adopted son—Omar! Naunahan ka pa ng anak mo, bro. Baka maging lolo ka na soon, pero ikaw, wala pa ring asawa!”
Bahagyang natawa ang ilang kasamahan sa katabing mesa nang marinig iyon.
Ngunit mas lalo lang nangunit ang noo niya.
“Si Omar? He’s… getting married? How old is he now?”
Natawa si Victor dahil kahit pati edad ng anak niya nakalimutan niya yata.
“He’s already married,” sagot ni Victor, sabay lagok ng alak. “Time flies, huh? Parang kailan lang, bitbit mo pa ‘yung bata sa medical missions natin.”
Hindi siya nakasagot.
Omar…Ang batang inalagaan nilang mag-asawa.
Ang batang itinuring niyang sariling dugo, kahit hindi nila kadugo ngayon may sariling buhay na.
“Good for him. He deserves a life I couldn’t give.”
“Guess who’s the Ninong?”
“You?”
“Exactly!” tawa ni Victor. “Kinuha akong Ninong! Can you believe that? And I thought you’d be the first one he’d call.”
Saglit na natigilan si Lander.
“He didn’t tell me.”
“Of course he didn’t. Iniwan mo ba naman sa mga maid?” sagot ni Victor, pero napansin niya ang pagbabago sa mukha ng kaibigan. Bakas ang kunsensya sa mukha ng doktor kaya’t mas mahinahon na ang sumunod nitong tono.
“His wife is Shiela. Unica hija ng mayor ng Santa Catalina. Beautiful girl, smart and sweet. I met her once.”
Napatango lang ang binata. Naantig ang puso niya kahit papaano ay hindi malungkot ang anak niya.
“Santa Catalina?” ulit niya.
“They live… there?”
Tumango si Victor, nagpatuloy sa kwento.
“Doon sila nanirahan sa lumang Rancho ng pamilya n’yo. The one near the cliffs. From what I heard, Mayor didn’t approve of the relationship. Rich girl adopted boy—typical story. So nagtanan sila. Tapos napilitan na lang ‘yung pamilya ni Shiela na pakasalan sila sa huli.”
“Hindi ba nila alam na isang Fuentebella ang anak ko?” bigla na lang siyang nainis.
“You didn’t know?” tanong ni Victor, bahagyang nagtataka.
“Come on, Lander, even in New York news travels fast. Pati sa buhay ng anak mo wala kang alam?”
Umiling lang siya. Lumagok siya muli ng alak. Sa bawat patak ng pulang likido, parang nakikita niya ang mga taon na nahirapan ang anak niya, mga sandaling hindi niya nakita kung paano lumaki ang batang dati’y tinuturuan niyang magbasa, kung paano ito tumanda, kung paano ito natutong magmahal.
Mabigat ang dibdib niya.Hindi siya agad nakapagsalita.
Paglaon, mahina niyang binitiwan ang baso at napasandal sa upuan.
“Five years,” mahinang sabi niya.
“It’s been five years since we last spoke.”
Tahimik si Victor. Hindi na siya nagsalita dahil ramdam niya ang bigat sa tinig ni Lander ‘yung uri ng pagsisising hindi na kailangan ipaliwanag.
“It was my fault,” tuloy ni Lander.
“After Marielle died… I couldn’t look at him. Alam kong mali, pero hindi ko maiwasan ibunton sa bata ang sisi. Kaya pinili kong lumayo at iwan siya sa mga maid.”
“Maybe it’s not too late,” sabi ni Victor matapos ang ilang sandali.
“He’s still your son. Naalala ko noong nakaraang taon, nang makapagtapos siya sa college… tinanong niya ako kung darating ka sa graduation niya.”
“He… asked about me?”
Tumango si Victor.
“He did. He graduated as an architec the course you wanted for him, remember? Ang sabi pa nga niya, gusto niyang ipangalan sa’yo ‘yung unang building na madedesign niya.”
Bahagyang natawa si Victor, pero si Lander ay hindi makatawa.
Nanikip ang dibdib niya, parang may kung anong sumisikip sa pagitan ng mga tadyang niya.
Ilang taon siyang tumakbo mula sa nakaraan at ngayong humarap siya rito, napagtanto niyang hindi niya ito kailanman kayang takasan.
“He still remembers…after everything I did… he still remembers.”
Tahimik lang si Victor, pero ramdam sa mga mata niya ang awa.
“Well… nandito na ako, Victor.”
“Uuwi na ako sa rancho. Gusto kong makita si Omar. Babawi ako sa anak ko, sa maraming panahong wala ako sa tabi niya.”
Bahagyang ngumiti si Victor, tumango.
“That’s good, Lander. Go home. Maybe that’s exactly where you’re meant to start again.”
Nagpaalam na si Lander sa lahat. Ayaw pa sana siya payagan at gusto pang mag-inuman sila pero tumanggi na siya.
No’ng gabing ‘yon ay hindi na siya nakapagpahinga. Mabilis siyang umalis sa hotel at sakay sa sasakyan pauwi sa Santa Catalina Island.
MAGBUBUKANG LIWAY-WAY na nang marating ni Dr. Fuentebella ang isla ng Santa Catalina.
Ang langit ay kulay abo’t ginto, at ang manipis na hamog ay dahan-dahang bumabalot sa mga palayan.
Habang bumabagtas ang kanyang sasakyan sa makipot na daan, tanaw niya ang mga lumang bahay na yari sa bato at kahoy
Walang pinagbago ang Isla. Ang mga taong nadaanan niya ay tila pamilyar kahit hindi na niya kilala. May mga matandang nagwawalis sa tapat ng bahay, may mga batang naglalakad papuntang paaralan.
Makalipas ang ilang kilometro, lumitaw sa di-kalayuan ang Rancho de Fuentebella ang malawak na lupain na minana pa ng kanyang mga ninuno.
Sa gitna niyon ay ang lumang bahay na bato, mataas, may mga haliging puti at bintanang kahoy. Ang mga dahon ng acacia ay unti-unting ginagapang ng liwanag ng umaga, at ang mga bulaklak sa paligid ay parang muling nagising sa kanyang pagbabalik. Tahimik pa ang paligid, wala siyang nakikita ni isa sa mga trabahador ng rancho.
Huminto siya sa tapat ng lumang arko na may nakaukit na
RANCH DE FUENTEBELLA — Est. 1923
Mabagal siyang bumaba ng sasakyan, pinakiramdaman ang haplos ng hangin na para bang kinikilala siya.
Habang naglalakad siya papasok, natanaw niya sa di-kalayuan ang private cemetery maliit ngunit maayos, nakatago sa likod ng mga puno ng santan at gumamela.
Sa gitna nakatayo ang isang lumang bahay na bato na ginawang mausoleum, pinalilibutan ng puting krus at mga bulaklak na dilaw at puti.
Doon niya pinalibing si Marielle. Tumulo ang luha niya. Parang naroon pa rin ang presensiya nito— ang amoy ng pabango, ang lambing ng boses, ang init ng mga kamay na dati’y humahaplos sa kanya at paulit-ulit na binubulong kung gaano siya nito kamahal.
Kinurap niya ang mata at malalim na napabuntong hininga.
“I’m home, Marielle…I’m finally home, honey…”