Daddy - 8

1682 Words
TAHIMIK si Shiela habang nakaupo sa likod ng sasakyan. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga bundok na unti-unting napapalitan ng mga puno hanggang sa nakalabas sila sa San Isidro. Wala siyang imik, walang reaksyon, parang walang nangyaripero sa loob niya, malakas ang t***k ng puso, hindi niya alam kung bakit hindi pa rin humuhupa mula kanina. Habang si Lander, nasa manibela, tahimik rin. Hindi tulad kanina, ngayon ay halatang mabigat ang dibdib. Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa rearview mirror tinitingnan kung ayos na si Shiela, kung nakatingin ba sa kanya, kung galit ba. Pero sa tuwing susubukan niyang saluhin ang tingin nito, nakatalikod pa rin ang manugang, nananatiling abala sa tanawin sa labas ng bintana. Ang tanging boses sa loob ng sasakyan ay si April. “Grabe ‘no Phil, parang hindi ko na makilala si Nanay kanina. Dati galit na galit ‘yon sa kahit sinong bisita, pero ngayon, tuwang-tuwa pa! buti nabigyan mo ng pera. Wala kasi tayong nadala.” Sunod-sunod pa rin ang kwento, halos walang pahinga. May halakhak pa paminsan-minsan. Walang tugon si Lander tanging tango lang ang nagagagwa. Lumakas ang hangin sa labas, pinatugtog ni April ang radyo, isang lumang love song na lalo lang nagpalala ng kanilang dalawa. Nang lingunin ni Lander muli ang salamin, nahuli niyang pumikit si Shiela, marahang sumandal sa bintana at nawala ang sigla nito. “Ay dito na lang ako, Phil.” Biglang sabi ni April. Pagtingin niya ay narito na pala sila sa Santa Catalina sa tapat mismo ng bahay ni April. “Phil baka gusto mong magkape muna? makapag-kuwentuhan naman tayo,” yaya pa sa kanya ng dalaga. Tumingin siya kay Shiela na bigla rin napatingin sa kanya at agad na busangot ang mukha nito. “May gagawin pa kasi ako, April. Next time na lang.” Pagtanggi niya. Nalungkot si April pero wala na rin itong nagawa. Gusto pa nga sana sumama sa kanya sa rancho pero sinabi niyang busy siya kaya hindi niya ito mahaharap. Kalaunan ay lumabas rin si April pero ngumiti pa ito sa kanya. Muli siyang nagpasalamat sa dalaga sa pagsama nito sa kanya sa bukid. Pinaandar muli ni Lander ang sasakyan pero huminto rin sa dulo. Saka siya lumapit kay Shiela na ikinagulat nito. “Alam kong nilalamig ka.” Sabi ni Lander sabay hubad ng damit nito. Nagbanlaw kasi kanina sa puso si Shiela dahil sa putik nito ‘yon naman basa ang damit nito. “Okay lang hindi naman. Nakapatay naman ang aircon.” Sagot ni Shiela. “Pero mahangin pa rin dahil bukas ang bintana. Suotin mo ‘to.” Sinuot mismo ni Lander ang sarili nitong T-shirt. Kaagad na iniwas ni Shiela ang tingin sa malapad nitong dibdib at mabalahibo pa. “Thank you.” Napangiti si Lander. Pero nang dumapo ang tingin sa labi niya ay biglang bumigat ang pakiramdam nito. Bago pa siya mawala sa katinuan ay bumalik siya sa pagmamaneho. Nakarating sila sa rancho nang matiwasay. Agad silang sinalubong ng kasambahay at lahat ay OA sa pag-asikaso kay Shiela. Napailing na lang si Lander at sumunod na kay Shiela papasok sa loob. “Hijo nandito kanina si Dr. Baldeo nagpaiwan ng sulat sa ‘yo. Nabalitaan kasi nila na bumalik kana pero hindi raw nila alam ang numero ng selpon mo. Siya, ito ang sulat buksan mo.” Inabot niya ang sulat at nagpasalamat kay Manang Corazon at bumalik naman agad ito sa kusina. Papasok na sana siya sa kuwarto para doon basahin ang sulat nang mapahinto siya sa kinatatayuan. Nakita niya si Omar na sinalubong ng yakap si Shiela at naghalikan ang dalawa. Hanggang sinara nila ang pinto at parang may galit sa puso niya. Bakit pa nila kailangan magsara ng pinto? Ano ba ang gagawin ni Omar kay Shiela? Hindi siya nagdalawang isip, mabilis siyang lumapit at kumatok ng malakas. “Omar open the door!” mariin niyang turan. Pero walang nagbubukas kaya mas nilakasan pa niya. “Open the f*cking door—” “Daddy?” si Shiela ang nagbukas at nakatapis lang ito ng kumot. “Dad?” sumingit sa likod si Omar na taka rin. “Ahm… puwede mo ba akong samahan, anak?” “Saan?” Tumingin muna siya kay Shiela bago kay Omar. “Sa bahay ni Dr. Baldeo, ang Ninong mo. Nakalimutan ko kasi ang bahay nila.” Pagdadahilan niya. Napakamot sa ulo si Omar. “Mamaya na lan—” “Ngayon na, Omar. Importante lang anak ipag-drive mo ako.” “Wrong timing naman dad. Pero sige, babe, mamaya na lang natin itutuloy, okay lang ba?” Narinig pa ni Lander ang mahinang bulong ni Omar sa asawa. Tumango naman si Shiela. Kaya nang lumabas si Omar sa kuwarto ay para siyang nabunutan ng tinik. Tumingin siya kay Shiela pero sinarado na nito ang pinto. “Ano ba ang sabi sa sulat, dad?” Hindi nakasagot si Lander dahil hindi pa naman niya nababasa ang sulat. “Kailangan daw namin magkita sa lalong madaling panahon.” Pagsisinungaling niya. “Okay. Ihahatid kita kila Ninong.” Tumango si Lander at nagpasalamat saka na sila lumabas at dumiretso sa sasakyan. ***** Nakatayo si Shiela sa harap ng salamin. Kakatapos lang niyang maligo, naputol ang sanay bembangan na nila ni Omar dahil disturbo ang biyenan. Lumapit na lang siya sa aparador at binukan iyon. Pumili siya ng damit isang puting sleeveless crop top, manipis at mamahaling tela, pares ng high-waist denim shorts na hapit sa bewang. Nilagyan pa niya ng konting lip tint at hinayaan ang buhok na natural na matuyo. Paglabas niya ng kuwarto, halos sabay-sabay ang reaksyon ng mga kasambahay. “Ay, Senyorita Shiela! Ang ganda n’yo naman!” sabi ni Manang Corazon. “Ang sexy! Ang ganda ng hubog ng katawan!” sabi pa ng isa. Ngumiti lang si Shiela, sanay na sa gano’ng papuri. “Magpapahangin lang ako sa labas, yaya,” sagot niya habang pababa ng hagdan. Paglabas niya sa terasa, tinamaan siya agad ng hangin at amoy ng damo. Malayo sa buhay lungsod na nakasanayan niya. Umupo siya sa duyan, pinagmamasdan ang mga alagang kabayo sa malayo. Habang humahaplos ang hangin sa balat niya, napatingin siya sa langit. Bakit ba ganito? tanong niya sa sarili. Bakit parang hindi ko maalis sa isip ko si Lander? Napahinga siya nang malalim, sabay tawa ng mahina sa sarili. Anong iniisip mo, Shiela? May asawa kana at Tatay pa ng asawa mo. Pero kahit anong paliwanag ang ibulong ng isip niya, iba ang sinasabi ng katawan puso niya. Ang init pa rin ng halik kanina. Ang lalim ng tingin. Ang tono ng boses ni Lander nang tawagin siyang “Marielle.” “Ugh!” inis niyang sigaw sabay hampas sa unan sa duyan. “Nakakabaliw! Baka nga dahil lang namiss niya ang asawa niya!” Mula sa loob ng bahay, napasilip si Manang Corazon. “Senyorita, may gusto po ba kayong inumin? Juice? Iced tea?” Ngumiti si Shiela, pilit pinakalma ang sarili. Umiling siya at binuksan na lang ang pocketbook na libangan niya. Dumaan pa ang ilang oras hindi pa rin bumabalik ang mag-ama. Bumalik siya sa loob ng bahay at naupo si Shiela sa malambot na sofa Ang hanging galing sa hampas ng mga punong dahon ay dahan-dahang hinahaplos ang mukha niya, kaya’t hindi niya namalayang napapikit na pala siya. Ilang sandali pa, tuluyan na siyang nakatulog, baluktot pa ang katawan, at ang buhok niya ay nagkalat sa unan. Nang magmulat siya, hapon na at maririnig na ang mga alingawngaw ng mga kasambahay sa kusina. Nag-unat siya, sabay ng biglang pagdating ng isang sasakyan sa labas. Napabangon agad si Shiela. Mula sa veranda, nakita niyang bumaba si Lander, nakaputing polo na bahagyang nakabukas ang unang butones. Inalalayan nito si Omar, na halatang lasing na lasing halos hindi makalakad nang diretso. Agad siyang lumapit. “Anong nangyari sa asawa ko?” tanong niya. Napalingon si Lander, malamig ang ekspresyon. “Napasarap ang kuwentuhan. Marami siyang nainom.” Tiningnan niya si Lander mula ulo hanggang paa tuwid ang tindig, maayos pa rin ang itsura, parang hindi man lang natikman ang alak. Bakit si Omar lang ang lasing? tanong ng isip niya, pero hindi na niya binigkas. Dinala ni Lander si Omar sa kuwarto. Pagkapatong nito sa kama ay halos hindi na gumalaw ang asawa at tulog agad. Lumapit si Shiela at agad kumuha ng tuwalya. “Bibihisan ko siya, Daddy. Parang may natapon pang pulutan sa damit niya,” sabi niya, sabay abot ng damit. Ngunit bigla siyang pinigilan ni Lander. “No. Ako na lang magbibihis sa anak ko.” “What? Bakit ikaw pa?” Tumingin sa kanya si Lander. “Dahil mula ngayon, bawal na kayong magtabi ni Omar.” “What? What do you mean, bawal?” Lumapit si Lander, mabagal na humakbang palapit sa kanya halos maramdaman niya ang bigat ng presensiya nito. “Hindi na muna kayo puwedeng magsama sa iisang kwarto. I’ll have one of the guest rooms prepared for you.” “Daddy, are you serious? Kasal kami ni Omar!” Tumikhim si Lander. “Alam ko. Pero sa kalagayan niya, hindi siya dapat mapuyat o ma-stress. Gusto kong magpahinga siya nang maayos.” “Pero—” “Shiela!” agad na putol ni Lander sa sasabihin niya. “Sundin mo na lang ako, okay?” Napatingin si Shiela sa mga mata niya, at doon siya tuluyang napatigil. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero parang hindi lang simpleng concern ng biyenan sa anak ang nakikita niya ro’n. May kung anong lihim sa likod ng mga mata ni Lander. “Alam kong tatay ka ni Omar pero wala ka pa rin karapatan manghimasok sa buhay namin mag-asawa. Para saan at nagpakasal kami kung hindi kami magtatabi. Diba at ang goal naman ng mag-asawa ay magkapamilya so—” Nagulat si Shiela nang bigla siyang kabigin ni biyenan at sinandal sa wall. Halos magdikit ang mga mukha nila at nalalanghap niya rin ang amoy alak sa hininga nito. “I said what I said!” turan ni Lander at kaybilis siyang siniil ng halik sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD