BABE, ipapakilala kita kay daddy!
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila ako. Napa-angat pa ako sa pagkakaupo sa kabayo.
“Wait lang!”
Halos sumubsob ako sa lupa sa pagmamadali niya. Wala talagang kalambing-lambing ang lalaking ‘to buwesit!
“Sandali lang, Omar, nakakahiya ‘tong ayos ko!” reklamo ko, sabay ayos ng buhok na magulo pa sa hangin.
Pero hindi talaga niya ako binitiwan. Para kaming hinahabol ng mga aswang habang tumatakbo kami mula plantasyon papunta sa main gate ng rancho nila. Kanina kasing nauna siyang pumasok ako naman, nagpasya pang mag-horseback para maglibang. Akala ko may time pa ako… apparently, wala.
Pagkarating namin sa gate, hingal na hingal ako.
“Dad! Dad?!” sigaw ni Omar.
“This is Shiela—my wife. Babe, daddy ko. Kadarating lang niya from New York kaya ngayon ko lang officially mapapakilala.”
Ayun na.
Nilingon ko ang daddy niya…
At muntik nang malaglag ang panga ko.
Guwapo! As in napakaguwapo! Akala ko ay si Governor Montenegro na ang pinakaguwapong nakilala ko pero itong daddy ni Omar hindi magpapahuli!
‘Yung tipong hindi basta-basta nagpapasilip sa mortal world. Saka ang tangkad, ang ganda ng katawan, maputi, full package!
Napalingon tuloy ako kay Omar at sabay tingin sa daddy niya. Ngunit nagulat ako nang nakatingin sa akin daddy niya ngunit wala manlang emosyon. Para lang siyang posteng nakatayo.
Bilang mabait at certified competitive, beautiful na manugang, ako na ang lumapit.
“Nice to meet you, daddy!” malambing kong bati, sabay lahad ng kamay.
“Nice to meet you, ineng.”
Ineng?
Napangiwi ako.
Parang sinampal ako ng palengke at hinagis sa baryo. Ang sosyal na outfit ko biglang nagmukhang pang-Grade 4 recognition day.
Pagka-abot ko ng kamay niya, may kung anong dumaloy sa balat ko. Hindi ko maipaliwanag… at ayokong subukan.
“Diba ang ganda ng asawa ko, Dad? Galing kong pumili ‘no?”
Nagulat ako bigla sa boses ng asawa ko. Tumingin lang ako kay Daddy at katulad kanina wala manlang emosyon.
“Ordinary beauty, son. You’ve seen far better.”
Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Tas tumalikod at diretsong lakad sa loob. Nag-freeze ako sa kinatatayuan ko.
“Okay ka lang, babe?” untag ni Omar.
Hindi. Hindi ako okay. At hindi ako marunong magsinungaling kapag galit ako.
“Grabe naman ‘yung tatay mo, babe. Hindi niya ako gusto para sa ‘yo!” litantya ko. Kita ko ang pagkataranta agad ni Omar sabay hawak sa kamayko.
“Ha? Hindi ah!” pilit ni Omar. “Ikaw lang nagsabi niyan. Kita ko nga mata niya naka-tutok sayo kanina. Guni-guni mo lang ‘yon.”
“Hindi ba malinaw ‘yung sinabi niya? ‘You’ve seen far better.’ Ibig sabihin, mas marami ka nang nakitang mas maganda kaysa sa akin. Kung gusto niya ako, hindi niya ‘yon sasabihin. Nabastos ako… para naman siyang walang pinag-aralan! Gano’n ba talaga tatay mo?”
“Pagpasensyahan mo na si Daddy. Diba sinabi ko na sa ‘yo iba na siya mula nang mamatay si Mommy? intindihin mo na lang, please?”
“Ano pa ba ang magagawa ko?”
Napaikot na lang ako ng mata at pumasok na rin sa loob.
Natanaw ko pang nakangiti si Yaya Corazon kay daddy pero tila wala itong naririnig at dire-diretso lang hanggang sa kuwarto—wait? hala! Kuwarto ko ‘yon!
Mabilis akong tumakbo patungo sa kuwartong pinasukan niya. Baka makita niya doon ang vibrator ko, OMG!
“Wait, daddy!!!” tili ko at mabilis kong hinawakan ang kamay niya at sabay hila. Nagulat siya at muntikan kaming matumba. Nagulat ako nang mahawakan niya sa likod ko. Ramdam ko ang init ng palad niya sa balat ko.
“What the f*ck?!”
Ngunit nawindang ako nang tinaasan niya ako ng boses. Sabay ng pagbawi niya sa kamay niya na para bang may sakit akong nakakahawa. Hindi ako sanay nang sinisigawan dahil kahit si Mama at Papa ni minsan hindi ako sinigawan. Prinsesa ang trato sa akin sa mansion.
Napaatras ako bigla, natakot talaga ako sa kanya.
“Babe?” nakalapit sa akin si Omar at agad akong yumakap sa asawa ko.
“What happened?”
Hindi ako nakapagsalita basta yumakap lang ako sa asawa ko.
“I’m sorry. But it’s your fault. Bigla ka na lang lumapit at hinila mo ako. Hindi ako sanay may humahawak sa akin lalo’t babae!” paliwanag niya. Tumingin sa akin si Omar.
“I’m sorry din po. Gusto ko lang naman sana itanong bakit diyan kayo pumasok eh kuwarto ko ‘yan.”
Bigla siyang ngumisi. Para bang may nakakatawa sa sinabi ko.
“Look, this ranch is—”
“Shiela? Hija?”
Napatingin ako sa likod, si Yaya Corazon na dali-daling lumapit.
“Hija kasi… itong kuwarto ay si Lander talaga ang may-ari. Sa kanilang mag-asawa silid iyan hindi bali at ang mga gamit mo ay pinalipat ko sa silid ninyong mag-asawa.”
“What?”
“Tara na babe. Dad,” si Omar na nagpaalam sa tatay niya. Hindi ko na nakita ang reaksyon nito dahil nakayuko na lang ako habang nakayakap ako sa asawa ko.
Pagdating sa sala ay napansin kong maaliwalas.
“Wait! Nasaan ang mga pictures ko?” tanong ko agad.
“Pinabaklas ng daddy ninyo.” Sagot ng kasambahay. Bigla akong nalungkot, grabi pa naman ang effort ko sa pagdidikit pinagbabaklas lang. Meron pa nga akong ididikit na mga bago kong pictures.
Gusto ko nang umiyak sa sama ng loob sa daddy ng asawa ko. Pero anong magagawa ko eh sa kanya naman itong bahay. Kung bakit kasi ayaw pa umalis ni Omar dito may matitirhan naman sana kami sa bayan. Saka… sinadya ko talagang punuin ang lahat ng sulok ng pictures ko para kahit saang angulo, ako ang makikita ni Omar. Selosa kasi talaga ako, mahirap na baka mambabae ang asawa ko kaya mabuti nang ako palaging nakikita niya.
*****
Nilalantakan ko na lang ang ice cream para humupa ang init ng ulo ko. Nakaupo lang ako dito sa duyan sa lilim ng punong mangga. Mula kanina ay hindi ko na nakita ang daddy ni Omar. Malapit na mag-alas sais pero wala pa rin ang asawa ko. Sumama kasi siya sa bayan bibili daw siya ng alak mag-iinuman sila mag-ama.
Hindi ko talaga alam kong matutuwa ba ako o maiinis sa pagdating ng biyenan ko. Masaya si Omar pero ako naman ang nainis, pakiramdam ko wala na akong power dito sa rancho kasi umuwi na ang totoong may-ari. Hays!
“Señorita! naku, makita na naman kayo ng asawa ninyo kumakain kayo ng ice cream kami na naman ang pagagalitan!” Dali-daling lumapit ang maid at kinuha sa akin ang kinakain ko. Kaagad siyang kumuha ng tubig at inabot sa akin. Napairap na lang ako!
Masyado kasing strikto sa akin ang asawa ko lalo na sa matatamis. Bawal na nga ang chocolates, bawal pa ang ice cream. Ang rason niya ay ayaw niyang tumaba ako. Gusto kasi ni Omar ay slim lang ako, eh ang sarap nga kumain. Saka dese nuebey pa lang naman ako normal na matakaw pa!
Tatayo sana ako nang mapansin kong bumaba ng hagdan si Daddy. Wala siyang damit pang-itaas kaya pumuputok ang abs niya habang hawak niya ang isang baul at pinagpagan niya ‘yon kaya lumipad ang alikabok. Nagkataon patungo sa akin ang hampas ng hangin kaya agad akong tumayo at napaubo.
Lumaki kasi akong napapaligiran ng mga katulong kaya buong buhay ko, hindi ako nakakalanghap ng alikabok.
“Hala, Señorita! Dito, dito!”
Agad lumapit ang maid, dala ang pamaypay at isang baso ng tubig. Yung isa naman ay may panyo at hindi malaman ang gagawin sa akin.
“Naku, pasensiya na, ang dami pong alikabok sa lumang baul na ‘yan.”
“Inumin mo ‘to señorita!”
Sinunod ko ang maid at uminom ng tubig. Saka pinalayo nila ako sa may baul at pinaypayan.
“Manang?”
Napatingin ako kay daddy na parang galit ang boses niya. Hindi ako nagkamali dahil salubong ang mga kilay niya at palapit sa amin. Sa akin siya nakatingin.
“Seriously?”
Napamaang ako. Ano ba ang ibig niyang sabihin?
“Dadd—”
“Tsss.”
Napatampal ako sa noo ko at mabilis niyang tumalikod.
“Yaya Corazon? Bakit parang ang laki ng galit sa akin ng daddy ni Omar? Ano ba ang nagawa kong mali?”
“Naku. Kung alam mo lang na sobrang inis niya talaga sa ‘yo hija. Una kasi pinakilaaman mo ‘yong silid nila mag-asawa. Pangalawa ‘yong mga pictures mo pinuno mod aw kasi ang buong bahay. Saka… hindi ko rin alam sa totoo lang hija pero siguro dumistansya ka na lang sa kanya para hindi kayo palagi magpang-abot.”
“Ganoon po ba? eh ‘yong vibrator ko nakita niya po ba? alam mo naman na regalo lang ‘yon sa akin ng mga kaibigan ko ng kasal namin ni Omar. Hindi ko man maitapon kasi bigay ‘yon. Baka husgahan niya ako.”
“Ay hindi. Kilala ko si Lander wala ‘yan pakialam basta maging mabait ka lang saka… puwede ba iha hanggat nandito ang biyenan mo, ‘wag ka muna mag-uutos. Ayaw niya talaga sa mga palautos lalo na sa mga spoiled kagaya mo.”
“Alright, yaya. I will do my best!” ngiti kong sagot kaya ngumiti rin sa akin si Yaya Corazon.
Kinagabihan ay hindi sumabay si daddy sa hapunan. Kami lang ni Omar ang kumain pagkatapos ay niligpit na ng mga kasambahay. Ako naman ay nagsuot ng two-piece dahil magsw-swimming ako. Madalas kasi sa mansion nagbabad ako sa swimming pool para makapag-relax. Nakalabas na ako ng rancho at patungo na sa may swimming pool nang mabilis akong habulin ni Omar nang tuwalya.
“Babe? babe!”
“What—what are you doing?” taka kong tanong. Pinulupot niya sa akin ang tuwalya at para siyang problemado.
“Nag-usap kami kanina ni daddy.”
“And?” taas kilay kong tanong.
“Honestly, ayaw niya sa ‘yo kasi…”
“Oh my God!” napangisi ako, natatawa na hindi ko malaman ang isasagot.
So my husband’s father doesn’t like me, the hell I care?
“Babe. Let me finish, please?”
“Ayaw niya sa pinapakita mong pag-uugali. Masyado ka daw bossy, malayong-malayo kay mommy Marielle. Puwede bang mag-adjust ka? be simple and—”
“The hell, Omar!” putol ko sa sasabihin niya at talagang uminit na ang ulo ko. Napansin ko pa nang lumabas ang Lander na ‘yon sa bahay at nakapamulsa at diretso ang tingin sa amin.
Hindi ako nagmumura pero putangina! Gusto niya bang gayahin ko ang namatay niyang asawa para lang magustuhan niya ako bilang asawa ng anak niya? eh gago pala siya!
Kaya sa sobrang inis ko ay mas lalo ko pang inasar ang daddy niya. Hinawi ko ang tuwalyang nakapulupot sa akin at naglakad ako palapit sa kanya. Gusto kong sagarin ang inis niya sa akin. I am Shiela Mae Alkhzaimi. Hindi ako nabuhay para lang makibagay sa mga tao upang gustuhin ako. I am who I am.
At lumapit ako kay daddy na nakapanty at bra.
Tumigil ako ilang hakbang mula sa kanya. Hindi ako natakot. Hindi rin ako nagdalawang-isip. Lalo pa nang makita ko ‘yung pagtaas-baba ng panga niya galit na ‘galit.
Binaba niya ang tingin sa katawan ko— mabilis, parang ayaw niya pero hindi mapigilan humahagod pa rin.
Tapos salubong na naman ang kilay.
“Are you out of your mind?” malamig niyang tanong.
“Hmm? Why? This is my normal attire kapag magswi-swimming ako.” nakataas kilay kong sagot, saka ako nag-ayos ng strap ng bra ko— on purpose.
Narinig ko si Omar sa likod ko. “Babe naman!”
Pero hindi ko siya pinansin. Ang focus ko ay sa ama niyang maliit lang na bagay parang big deal sa kanya.
Napansin kong mejo umiwas siya ng tingin sa katawan ko.
Oh. So he’s bothered? Good!
“Kung gusto mo ma-respeto, vestir bien,” aniya.
Aba, nag-Spanish pa ang gurang!
“So, I’m disrespectful now?” nakapamewang kong sagot. “Because I wear what I want?”
“Because you act like a child,” mabilis niyang balik.
Nag-init ang tenga ko. Lumapit pa ‘ko ng isang hakbang.
“I’m nineteen years old, for your information,” madiin kong sabi.
“You behave like nine.” Cold niyang sagot kasing lamig ng mukha niyang nakatingin sa akin.
Naramdaman kong lumapit si Omar at marahang hinila ang braso ko.
“Babe, please, huwag ngayon. Pagod si dad.”
“I’m not talking to you, Omar.”
Hindi ko siya tiningnan.
Nakaharap lang ako kay Lander. At hindi ko alam kung bakit.
Pero gusto ko siyang kontrahin.
“Look,” aniya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa,
“If you want to be taken seriously in this house, earn it.”
“And stop plastering your face on every wall,” dagdag pa niya.
Uminit ang ulo ko.
“So you’ve toured around just to judge my photos? Wow. Hobby mo yata ang manghusga ng babae.”
Ngumisi si Lander. At hindi ko nagustuhan iyon.
“I don’t need to tour. Kahit lumingon lang, mukha mo ang bumungad. Naalibadbaran ako. My house, my rule!”
Napakagat ako ng labi ko pero agad ko rin tinapangan ang mukha ko. Pero hindi na siya nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung iiyak ako o gugulpihin ko ang maid na mahinang tumatawa sa gilid.
“If you don’t like me, then fine. I’m not begging for your approval.”
Napatingin si Omar sa akin, parang nag-panic, pero tinuluyan ko na.
“But don’t judge me just because of what I wear or how I behave.”
Humakbang pa ako at sobrang lapit ko na sa kanya. Pero hindi rin siya natinag at tumingin na siya sa mukha ko. Matangkad rin ako sa height kong 5’6 kaya hindi ko siya kailangan tingilain.
Tinitigan ko siya nang diretso sa mata.
“You met me for what… thirty minutes? And you already think you know my whole life?”
Hindi siya kumibo kaya mas lalo akong nainis.
“If simple and boring is what you want, then sorry — I’m not your dead wife!”
Sa sinabi ko ay tinamaan ang pride niya bigla niya akong hinawakan sa braso at kinabig. Nagulat ako sa bilis ng pangyayari ngayon ay halos magkalapit na ang mukha namin at magkadikit ang aming katawan. Subalit galit ang pinanghuhugutan niya. Naningkit ang mga mata niya at nagtatagis ang bagang.
“Do not mention my wife into your nonsense again!”
Mababa lang ang tinig niya pero nagsisimula na akong manginig.
Mariin ang pagkakakapit niya sa braso ko; ramdam ko ang lakas ng kamay niya. Napalunok ako, pero hindi ko ipinakitang natatakot ako.
“Huwag mong ikukumpara ang sarili mo sa asawa ko,” madiin niyang bulong, halos nakadikit sa tenga ko ang init ng hininga niya.
“Malayo ka sa kanya. She’s simple… masipag… maganda—at higit sa lahat, may respeto sa sarili.”
Nag-angat ako ng tingin, nag-aalab ang pride ko, pero nanatili akong tahimik. Bawat salita niya ay nakakainsulto.
“Hindi katulad mo,” tuloy niya, mas lalo pang humigpit ang hawak sa braso ko.
“Hubadera. Pasikat. Hindi ko maintindihan kung bakit ikaw ang pinakasalan ng anak ko.”
Nanigas ang dibdib ko; kumalabog ang puso ko, hindi dahil sa takot kundi insulto.
“You’re just a spoiled brat,” singhal niya.
“Wala ka pang alam sa buhay.”
Namilog ang mata ko. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang personal ang atake niya.
Tuluyan ko nang pinalayas ang kamay niya sa braso ko at umatras, nanginginig sa galit.
“At ikaw?” balik ko. “You think acting like some holy, perfect widower makes you superior? Newsflash, hindi lahat gustong mabuhay sa lungkot mo, Lander.”
Nangingitim ang mga mata niya sa galit.
“Careful, woman! I’m still your husband’s father!” madiin niyang boses.
Umangat ang baba ko.
“I didn’t marry Omar to fit your ideal woman. Pinakasalan ko siya dahil mahal ko siya. If you can’t accept that, then that’s your problem… not mine.”
Tinalikuran ko siya, pero humabol ang boses niya.
“At least matuto kang magpakumbaba habang nasa pamamahay ko.”
Lumipad pabalik ang tingin ko.
“Oh don’t worry. Kasi sa ngayon? I’m leaving this house.”
Namula ang pisngi niya sa biglang sigaw ng pride na tinamaan.
“You walk out of that door, and you’re proving exactly what I said.”
Huminga ako nang malalim.
“Then I’d rather prove you right than be miserable trying to satisfy a ghost.”
“Don’t you dare call my wife a ghost!” napasigaw na rin siya.
Pero mabilis na akong pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kuwarto. Mag-iimpake ako, lalayas ako sa pamamahay niya!
“I’m not done talking to you!” muli niyang sigaw.
Pagpasok ko sa kuwarto ay nakasunod pala siya at mabilis niya akong naisandal sa pinto at hawak niya ang leeg ko.
Nanlaki ang mga mata ko; halos hindi ako makahinga. Malapit ang mukha niyasobrang lapit, ramdam ko ang galit na tumatagos sa balat.
“Don’t you ever,” madiin niyang sabi at nalalanghap ko ang hininga niya. Kung anong kinabango ng hininga niya ay kabaliktaran naman ng ugali niya.
“Disrespect me…”
Lumapit pa ang mukha niya hanggang sa lumapat ang tungki ng ilong niya sa pisnge ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, pero alam kong dahil ito sa takot na baka bigla niyang baliin ang leeg ko.
“Nor my wife…in our own house.”
Pagdistansya niya ay kita ko ang pagbaba ng mata niya sa labi ko,
Gumalaw ang Adam’s apple niya saka niya ako binitiwan. Pero walang nagbabago sa nagbabaga niyang mga mata.
Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Ibang-iba ang presensiya niya. Parang kaya niya akong durugin kung gugustuhin.
“One more word, Sheila…” halos bulong niya.
“Once you live this house… do not ever come back again because yo have no place here anymore!”
Hindi ako nagpatalo. Mariin ko siyang tinulak sa dibdib niya. Nakadistanysa siya sa akin.
“Don’t worry,” ngisi kong puno ng panghahamon.
“Babalik lang ako dito sa bahay na ’to kapag wala ka na.”
Nagtagis ang bagang niya. Kita ko ang pagpigil. Pero hindi siya umimik.
“Matanda ka na. Malapit-lapit na ’yan… at kami ni Omar ang maiiwan.”
Sa sinabi ko, parang tumalim ang tingin niya. Lumapit na naman siya sa akin at hinawakan na naman ako sa braso ko. Pero may kumatok sa pinto.
“Babe?” tawag ni Omar mula sa labas.
Nabitawan ako ni Lander, parang walang nangyari, at marahan na tumalikod.
Hindi ko pinapansin si Omar habang nag-eempake ako.
Nagmadali akong bumaba, hawak ang maleta. Si Omar naman ay sunod-sunuran, nakahawak sa siko ko pero winawaksi ko siya.
“Babe, please—let’s talk about this downstairs. Huwag kang umalis. Hindi ganito ang solusyon.”
Hindi ko siya tiningnan.
“I’m done adjusting, Omar. This house is toxic for me.”
Sa pagbaba namin ng hagdan, nakita namin si Lander, permanently seated sa lumang tumba-tumbang bangko, naka-dekuwatro, parang hari sa sariling teritoryo. Hawak ang kopita ng alak, inikot-ikot, walang pake.
“Hayaan mo siyang umalis, anak.”
Napatigil si Omar at tumingin sa ama niya.
“Marami pang babae diyan. Hihahanap kita ng katulad ng mommy mo.”
“Tama ang sinabi ng tatay mo, Omar. Sumunod ka sa kanya at para pareho kayong mabuhay sa kalungkutan at tatanda kang mag-isa katulad niya. Tingnan natin!”
“You see that? ganyan ba ang babaeng pinakasalan mo? I'm so dissappointed anak. Hindi mo manlang ako ginaya sa pagpili ng babae. Sana sa katulad ng mommy Marielle mo." nangigil ang doctor sa sobrang galit. Pero si Shiela ay talagang walang pakialam. Si Omar naman ay hindi malaman ang gagawin pero dahil sa pagpipigil ng ama ay hinayaan nitong lumayas ang asawa.