"I-try mo na." Tinignan niya ako nakangiting tumango, "Panuorin mo ko." Tumango ako. Tumayo ako sa gilid at nanuod sa mangyayari. Prepared na si Heaven. Lumingon muna siya sa akin. Ngumiti at nag thumbs up. Nakita ko ang ilang tao na humihinto at nanunuod din sa nagaganap. Nakangiti sila and I bet sa loob loob nila ay nagti-cheer sila for Heaven. I watch him climb the wall. Dahan dahan at maingat. Pero mas mabilis kumpara sa akin. May time din kasi ang pag-akyat. Naalala ko ang pakiramdam habang naroon ako at umaakyat. It was fun. Pero mahirap. I was struggling to reach the top of it and to ring the bell. It was my goal. Ngayong pinapanuod ko si Heaven na umaakyat sa same wall ay nakadama ako ng kakaibang feeling. Halo-halong emosyon. Napatitig ako sa kanya. Yung wall na yun paran

