Secret Busy ako sa pag-usher sa ilang dumating pa na bisita. I think my talent ako sa gawaing ito. Baka kung mawala ako sa Naval dito na lang ako mag-apply kay Em. Napangiti ako. "Still busy, lady?" Napapitlag ako sa pagkakatayo ng may bumulong sa tapat ng tenga ko. Dama ko ang mainit na hiningang tumama sa leeg ko at nakapagpakilabot ito sa akin. Napaatras ako sa gulat at nabangga sa kanyang nasa likod kaya na-out of balance ako. Mabuti na lang at mabilis niya akong sinalo ng isang braso. Nanlake ang mga mata ko sa nakita. Nagtama ang mga mata namin at automatic na pinamulahan ako ng mukha. "Heaven?" hindi makapaniwalang bulalas ko. Muntik ko pang maisigaw kundi ko lang napigilan ang boses ko. Bawal pa naman ang maingay dito. "Gotcha!" nakangising aniya. Inilalayan niya ako na maka

