Ang bilis pa rin ng kabog ng aking dibdib kahit na kanina pa nakaalis ang kotse ni Em. Lumulutang ang aking isipan habang tinatahak ko ang daan papasok sa loob ng bahay. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong naka-upo si Xander sa sofa at naka tiklop ang mga braso. Nakatingin siya sa akin agad na tila ba alam na niyang ako nga ang papasok. Nilagpasan ko siya. Dumiretso ako sa kusina at napa-inom ng tubig. Napaka lamig ng tubig, pero hindi sapat iyon para maiwaksi ko ang mga sinabi ni Em. Hindi... Matagal kong itinago ito. Hindi pwedeng mabisto lang ng ganoon. Walang sino man ang nakakaalam na nagkaroon kami ng relasyon ni Xander. Well, not romantically... alam ko na namang hindi ganoon ang naging ugnayan namin. Hanggang katawan lang ang habol namin sa isa’t-isa noon. Sa mga kilos at

