Forbidden Chapter 2

1375 Words
"Maligayang pagtatapos alicia" "Salamat po auntie!" isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin na siyang dahilan kung lumapad lalo ang aking ngiti. Ngayon ang araw ng aming pagtatapos at sa wakas, natapos ito ng matiwasay. Masasabi kong naging masaya ako sa high school life ko pero nakakalungkot din dahil hindi na sila ang mga makakasama ko sa susunod na taon ng buhay ko. Tatlong linggo na ang nakakalipas matapos ang gabing iyon. Basta nagising nalang ako sa sarili kong kwarto na walang matandaan. Weird, dahil ang alam ko ay nasa loob ako ng gubat, pero ang sabi nila mama ay hindi daw ako umalis ng gabing iyon. "Congratulations miss president!" "Thank you po Madame principal" May matamis na ngiti sa aking mga labi habang kinakamayan ang babaeng naging kaibigan ko rin sa ilang taon ko bilang student council president at aaminin ko na parang nakatatandang kapatid na babae ang turing ko sa kaniya at nakakalungkot lang dahil maaaring ito na ang huling beses na makikita ko siya. Naging masaya at magaan ang huling pag-uusap namin na siyang pamamaalam na rin bago ko hanapin sila mama.  Malayo palang ay natanaw ko na silang dalawa na kausap ang ilang magulang, but the moment I stared at their faces doon ko lang nakita ang lungkot at takot sa likod ng kanilang mga mukhang nakangiti. I am already expecting it, pero iba parin pala kapag dumating ka na sa araw na dapat ay nagsasaya kayo. Pagdating sa bahay ay sinalubong kaagad kami ni dylan. Nasa labas at nag-aabang sa amin habang may bitbit na mga puting bulaklak. "Lakas makababae niyan aa" tukoy ko sa mga bulaklak na hawak niya na ikinapula ng kaniyang pisngi at maging sila mama ay natawa na lamang din. Pansamantala akong nagpasalamat sa prisensiya niya dahil kahit papaano ay narinig ko ang tawa ng dalawang importanteng babae sa buhay ko. Nagpaalam muna sila na mauuna sa loob ng bahay upang bigyan kami ng oras na makapag-usap ni Dylan at marahil ay para ayusin narin ang mga gamit na kakailanganin namin. "Para nga pala sayo. Congrats Alice" Alice? "Salamat, saan mo naman napulot yang pangalan na yan?" Natatawa kong tanong habang dinadama ang bawat bulaklak sa mga daliri ko. "May mahalagang babae kasi sa Harilia na gustong pinaiiksi ang pangalan niya, naisip kong bagay rin iyon sa iyo." Sandali lamang iyon, ngunit nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni dylan ng banggitin ang babaeng iyon. Wala mang pangalan ngunit tiyak na mahalaga nga ang babaeng iyon. " Sira ka talaga!" Nagkwentuhan pa kami ng ilang masasayang bagay bago siya nagpaalam na babalik ng harilia. Pagpasok sa loob nadatnan ko sila mama at auntie na nakaupo palibot sa lamesa habang katabi ang mga gamit namin. "Aalis na po ba tayo kaagad?" pilit akong ngumiti upang pagaanin ang loob nila pero kahit gaano pa yatang subok ang gawin ko ay hindi mapapawi ang lungkot at takot sa mga mata nila. They are smiling, pero hindi naman iyon umaabot sa mga mata nila. "Oo anak, mahirap kung magpapaabot pa tayo ng gabi dito" tumango nalang ako dahil ito rin naman ang gusto ko. "Palagay ko ay nakahanda naman na ang lahat, halika na't ng maaga tayong makarating" nakangiting turan ni auntie. Auntie slowly whisper a chant and in an instant our luggage disappeared. I smile but i can feel how my heart pound. Marahil ay naramdaman ng katawan ko na totoo na ang sitwasyong ito. At ano mang oras ay magiging iba na ang sitwasyon ng buhay ko.  Maliban sa mga kwento ni Dylan ay wala na akong iba pang ideya sa kung ano ang Harilia, ang mga nilalang na nakatira doon at mga batas na kaiba sa nakasanayan ko na. Ngunit kailangan ko paring subukan. "Isuot mo muna ito anak" may inabot sa akin si mama na kulay pulang tela. Niladlad ko ito at tumambad sa akin ang isang napakagandang kapa. "Ang ganda po nito ma"  Pinagmasdan ko at dinaman ang lambot ng telang nasa mga kamay ko. "Regalo ko iyan sa iyo, napakabuti mong anak, nawa'y gabayan ka ng mga diyos" awtomatikong  natigil ako ng kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya, may ngiti man sa mga labi niya ngunit iba ang sinasabi ng mga mata niya. Tila may himig iyon nga pamamaalam. Pinalis ko ang isiping iyon at ngumiti na lamang sa kaniya. Hindi mawawala sa akin si mama, dahil sigurado akong sasamahan niya ako sa Harilia. She never let my hands go before, and i know that she'll never will. Naniniwala ako doon. "Isuot mo na alicia nang makaalis na tayo" utos sa akin ni auntie na agad ko namang sinunod Puti ang kay auntie samantalang kay mama naman ay kulay asul. Mas lalong napuno ng kaba ang dibdib ko nga magsimula kaming tahakin ang daan patungo sa mas madilim na parte ng kagubatan. Alam kong buo ang desisyon ko at kailangan ko itong gawin, hindi para sa akin kundi para sa kanilang dalawa. "Alicia?" Mama called my attention. "Halika na" aya niya sabay lahad ng kamay niya sa akin."Hawakan mo anak ang kamay ko" Sinunod ko ang utos ni mama, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at ramdam ko ang higpit at lamig noon. Tumingin ako sa kaniyang mukha at nakita ko ang matamis niyang ngiti.  Hindi nawala ang maliit na takot sa dibidb ko habang nakatingin sa kaniyang ngiti. Hindi ko matukoy ng husto ngunit alam kong may mali. Lumapit sa amin si auntie Leticia, tinanguan niya si mama kung kaya't nagpatuloy lamang kaming sa paglalakad sa loob ng gubat. Hindi ko alam kung gaano kalayo ang nilakad namin at nagtataka na ako kung saan ba kami dapat huminto. Kabisado ko na ang gubat na ito, dahil mula pagkabata ay ito na ang kinalakhan ko. Malawak ito at para sa mga tiga labas ay walang hangganan ito. Huminto silang dalawa kung kaya't wala akong nagawa kundi ang huminto rin, nasa tapat kami ng isang malaking puno, pinakamalaki sa lahat at ito ang paborito ko sa lahat ng puno rito. 'Vue vin tou porta' Sabay nilang binulong iyon sa hangin. At sa pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat ay ang siyang pagbabago ng paligid. Lumiwanag sa parteng iyon ng gubat at tila binago ang daloy ng oras. Unti-unti kong nasaksihan ang pagkahati ng puno sa aming harapan at mula sa pagkahati ay lumitaw ang mga makikintab na bakal sa pagitan ng mga iyon. Makakapal na siyang dahilan kung bakit wala kang masisilip sa bawat pagitan.  Natapos ang pagbabago at bumalik sa tama ang oras, Namangha ako ng isang pilak na pinto ang ngayo'y nasa aming harapan. Mataas at matibay. Hindi ko maisip na ang punong madalas kong akyatin ay may ganitong klaseng lihim. "Alicia?" tawag atensyon sa akin ni mama pero masiyado akong namamangha sa punong ito kung kaya't tanging sulyap lamang ang naitugon ko sa kaniya. Tiningala ko ang pinto at parang wala itong hangganan. Humakbang si auntie pauna sa amin, ngunit bago magpatuloy ay lumingon muna siya sa akin. "Ready?" nakangiti siya ng itinanong iyon. At kusa akong napangiti dahil doon, kakaiba sa pandinig ko ang tinig niya tila may mahika ang paraan ng pagtatanong niya at kusa nawala ang kaba sa dibdib ko. Tumango si mama sa kaniya at iniangat ni auntie ang kamay niya sa ere, iniayos ni mama ang hood ng cloak niya at gayundin ang sa akin. May binanggit na mga salita si auntie na hindi ko narinig, nagtaka ako dahil doon. Bakit hindi ko naririnig ang mga sinasabi niya? Lumingon ako kay mama para sana magtanong ngunit nakita ko lang siyang nakatingin sa akin, nakaangat ang mga kamay niya sa ulunan ko at alam ko na kung bakit? She was casting a spell on me, pero sa anong dahilan? Bakit tila ayaw nilang iparinig sa akin ang mga chant na iyon? Ilang oras rin ang itinagal noon bago bumukas ang makapal na pinto sa aming harapan. I was very eager to know my mom's reason para gamitan ako ng isang spell. She never did it before but i trust her. I know she has her own reason at hindi ko dapat kwestyunin ang bagay na iyon, because she's my mom and that reason alone is enough. _Behind The Dark Forest
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD