Chapter 4

3305 Words
Irish POV. Masakit ang ulo ko ng magising ako, pamilyar sa akin ang silid kung nasaan ako dahil ito rin ang silid kung saan ako kinulong ng taong kumuha sa akin kahapon mula sa bus station kung saan ako bumaba mula probinsya. Sinubukan kong bumangon pero napapikit ako ng muli kong naramdaman ang sakit ng ulo ko, nanginginig din kasi ang mga kamay ko. Napahawak tuloy ako sa gilid ng kama at pinili na maupo ng dahan-dahan. Matindi ang hilo ko at umiikot rin ang paningin ko dahil na rin siguro sa sobrang pagod at hindi pa ako kumakain simula kagabi. Kung bakit ba naman kasi walang puso at kaluluwa ang mga taong 'yun na basta na lang ako kinulong dito at hindi man lamang naisip na kailangan ko rin kumain para mabuhay. Kung sabagay ano pa ba ang aasahan sa sa kan'ya. Nakapikit tuloy ako ng naalala ko ang huling tagpo bago ako nawalan ng malay. Pikit mata at kagat labi na pinilit kong kontrolin ang matinding kaba na lumukob sa pagkatao ko. Natatakot ako sa kahihinatnan ko sa lugar na ito. Hindi ko alam kung anong klase ng mga tao ang narito sa bahay na ito at kung ano pa ang maaari kong pagdaanan sa mga susunod na sandali. Para tuloy pakiramdam ko ay nasa bingit ako ng kamatayan na anumang oras ay maaari nilang kitilin ang buhay ko na parang manok. Hindi na ako magtataka dahil sa mga makita ko na mga armadong kalalakihan sa basement ay alam ko na hindi sila simpleng mga tao lang. Hindi kaya ito 'yung sinasabi na gang?ano pa ba tawag sa mga taong grupo na may mga baril? Basta ang alam ko, base sa napanood ko sa television ay hindi sila mabuting mga tao. Hangga't may hawak silang baril gaya ng walang pusong lalaki na tumakot sa akin sa loob ng kwarto na napasukan ko ay alam na kailangan ko matakot para sa buhay at kaligtasan ko dahil hindi naman nila ako trinato na parang tao rito. Napababa ang tingin ko sa damit na suot ko. Pinalitan na ng kung sino ang damit na pinasuot sa akin dahil alam ko na nasira 'yun ng walang hiyang lalake na basta na lang sumungab sa akin at hinaklas ang maikling damit na suot ko. Nanginig ang katawan ko ng naalala ang ginawa nito. Pinakiramdaman ko ang katawan ko kung may kakaiba ba akong nararamdaman dahil natatakot akong baka kung ano pa ang ginawa nito at ng mga kasama niya sa akin matapos kong mawalan ng malay. Nakahinga ako ng maluwag dahil bukod sa masakit ang ulo at balakang ko marahil sa biglaang pagbagsak ko ay wala na akong ibang nararamdaman na iba sa katawan ko. Hindi naman kasi ako inosente pagdating sa bagay na sekswal. Alam ko ang senyales na ginalaw ang babae dahil na rin sa nababasa at napapanood ko. Napatingin ako sa labas ng binta ng silid na kinaroroonan ko. Palubog na rin pala ang araw at madilim ang paligid, tila nagbabadya rin ang masamang panahon dahil mukhang malapit ng umulan. Naisip ko tuloy na parang nakikiramay ito sa akin. Nawala ang atensyon ko sa labas ng naramdaman ko na naman ang malakas na tunog ng tiyan ko. Kagat labi na tiniis ko ang matinding gutom habang panay ang lunok ng sariling laway. Napapikit ako dahil halos hindi ko mapigilan ang pagkalam ng sikmura ko. "My god, wala ba siyang balak pakainin ako? Papatayin niya ba ako sa gutom?" nag-aalala na tanong ko sa sarili ko. Ang lupit naman ng mga taong narito at kasama ko kung meron man. Hindi ba nila alam ang pakiramdam ng magutom? Nabaling ang tingin ko sa pintuan ng pumasok ang babaeng sumundo sa akin kanina. Ni hindi ko nga pala naitanong kung sino ito at anong pangalan pero alam ko na kasambahay siya rito. May hawak itong tray at inilapag sa maliit na mesa sa tabi ko. "Mabuti at gising ka na, kumain ka na at ng makabawi ka ng lakas," sabi nito sa akin. Mabilis na inabot ko ang kutsara at mabilis na sumubo ng pagkain. Nanginginig pa ang kanang kamay na inabot ko ang baso ng tubig ng naramdaman ko na halos magbara ang lalamunan ko ang kanin na sinubo ko. Mabilis akong kumain sa takot na dumating ang lalaki kanina at kunin ang pagkain ko. Wala na akong pakialam sa paligid kung magmukha man akong taong sabik sa pagkain dahil sa totoo lang wala na talaga ang hiya-hiya sa taong kumakalam ang sikmura. Sanay naman ako sa hirap ng buhay sa probinsya pero ni minsan hindi ko naranasan ang magutom sa kabila ng mahirap naming pamumuhay. Lagi kasing sinisiguro ng mga magulang ko na may pagkain kami sa hapag kahit pa kamote, saging at mais ang meron kami. Para sa amin malaking pasasalamat na meron kami noon dahil hindi lahat ng tao ay may grasya na natatanggap sa araw-araw gaya namin. Kahit minsan hindi kami nawalan ng pagkain sa hapag sa kabila ng kakulangan namin sa buhay. Malayo ang pagkakaiba sa lugar na kung nasaan ako na hindi maikakaila ang karangyaan ng kung sinuman ang may ari rito pero heto nagawa akong gutumin. Nakatingin lang sa akin ang babaeng nagdala ng pagkain ko habang hinihintay akong matapos kumain. "Salamat po ate, sobrang gutom na gutom na po talaga ako. Malaking bagay po na dinalhan mo ako ng pagkain. Maraming salamat po," nakangiting saad ko dito. Wala na akong pakialam kung nag-mukha akong patay gutom sa harap nito. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makakain at makabawi ako ng lakas. Naisip ko, hindi ko kayang matagal kung hindi ako kakain. Kailangan ko ng lakas para maka-survive. Hindi ko man alam kung ano ang binabalak niya sa akin ay mahalaga na may lakas ako para labanan ang anumang masamang binabalak ng lalaking kumuha at nagdala sa akin sa lugar na ito. "Walang anuman, pasalamat ka at ligtas kang nakabalik dito sa silid mo," marahan na sabi nito. "Anong pangalan mo?" tanong pa nito. "Irish po," maikli ko lang na sagot habang itinaas ang kutsara para sumubo. Wala akong narinig na sagot mula rito kaya itinuloy ko ang pagkain ko. Malakas na kalabog ng pintuan ang nagpalingon sa amin ng babaeng kasama ko dito sa silid. Nakita ko ang babaeng kaharap ko na napatayo bigla at mabilis na yumuko na ang mga mata ay nakatutok ngayon sa sahig. "Sinabi ko bang dalhan mo ng pagkain ang babaeng 'yan?" gigil na pasigaw na tanong ng taong kapapasok lang. Napatda ako, ibig sabihin wala talaga siyang balak pakainin ako. Papatayin niya talaga ako sa gutom, wala talagang awa at konsensya ang lalaking kaharap ko. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na sinubo ang huling pagkaing nasa plato ko at mabilis na inubos ang tubig na nasa baso sa harap ko. Hindi ako gumalaw habang pinapanuod ko kung paano maliksing nagliligpit ng mga ginamit ko ang babaeng naghatid ng pagkain ko dito sa silid. Nakapamewang naman sa harap ko ang devil na lalaki na akala mo haring hindi mapakali. Mukhang may binabalak na naman na kung anong hindi maganda ang isang ito base na rin sa ekspresyon ng mukha nito habang salubong ang kilay at lukot ang mukha na akala mo ay maghihirap siya ng dahil sa pagkain na inubos ko. "Total nakakain ka na dapat lang na pakinabangan kita. Hindi libre ang pagtira mo dito kaya kailangan mong magtrabaho. Kumain ka kaya magbayad ka," galit pa rin na saad nito habang naka-tiim bagang na nakatingin sa akin. Sinasabi ko na nga ba, kaya wala akong tiwala sa isang ito dahil sa ugali nito. Pinilit n'ya akong tumira dito syempre kakain ako pero heto siya sisingilin ako. Kanino ba kasing kasalanan kung bakit ako naririto? "Sumunod ka may ipagagawa ako sa'yo," utos nito saka mabilis na naglakad palabas. Mabilis akong tumayo at sumunod dito sa takot na baka magalit at parusahan na naman ako ulit nito kapag tinupak ang taong ito "Ano na naman kayang binabalak ng devil na ito?" bulong ng isip ko. Nakarating kami sa labas ng bahay at may nakahandang timba na may sabon ang nadatnan ko. "Maglinis ka ng bakod at gusto ko 'yung malinis at makintab kapag binalikan kita rito. Oras na hindi mo nagawa ng maayos ang inuutos ko malilintikan ka sa akin. 'Wag na huwag ko lang makikita na tatamad tamad ka at sinisiguro ko sa'yo na mananagot ka sa akin," sabi nito. Hinawakan ako nito sa braso ng mahigpit at saka itinulak palapit sa bakal na bakod. "Kapag hindi mo nagawa ng maayos ang pinapagawa ko mananagot ka sa akin! Naiintindihan mo?" gigil na ulit pa na sabi nito saka ako binitawan at sinipa ang timbang puno ng tubig na may sabon. Napatango ako dahil sa takot, sobrang nakakatakot talaga ang lalaking kaharap ko. Para s'yang lion na nangangain ng tao anumang oras. Ang talas ng dila at ang tapang kung magsalita. Nakakatakot din ang mukha nito na akala mo galit sa buong mundo kaya pati ako pini-perwisyo. Mabilis itong naglakad papasok matapos akong iwan na tulala. Pinanood ko itong humahakbang papalayo hanggang sa tuluyang mawala sa paningin ko bago ako nakahinga ng maluwag. Sa sobrang takot tila pati paghinga ko ay kontrolado nito na ngayon ko lang napansin na pigil hininga pala ako habang kaharap ito sa tindi ng tensyon at takot dito. Heto tuloy ako ngayon hindi ko alam kung anong uunahin na kuskusin sa malaki at mahabang bakod na pinakukuskos nito sa akin. Sanay ako sa hirap ng buhay, matatag ako at alam ko na kaya ko ang pinapagawa ng devil na lalaking iyon. Okay na pahirapan niya akong ng ganito kaysa naman doon sa pinapagawa niyang sayaw kanina sa opisina nito na ng hindi ko magawa ng maayos ay sinira pa ang damit na suot ko. Kahit naiinis ako sa sitwasyon ko ay wala akong magawa kun'di sundin ito. Binuhat ko ang timba at inumpisahan na kuskusin ang dulong bahagi ng bakod. Kailangan kong bilisan lalo na at madilim ang paligid at tila uulan pa. Malamig din ang simoy ng hangin at laking pasasalamat ko sa kung sinuman ang nagpalit ng damit ko dahil naka maluwang na T-shirt ako at hanggang tuhod na short. "Anong uri ng utak kaya meron ang devil na lalaking 'yon?" bubulong-bulong na saad ko habang nagsimulang kuskusin ang bakod. "Kailangan ko talagang makaalis agad dito sa lalong madaling panahon. Oo nga hindi libre makituloy rito pero hindi ko naman ginusto na dito tumira. Ang sama kaya ng ugali ng lalaking 'yon kaya never na gugustuhin ko na manatili dito kahit pa mala palasyo ang lugar na ito," inis na kausap ko sa sarili. Pumatak ang ulan at naramdaman ko ang malakas na simoy ng hangin. Napatingala ako at napapikit habang dinama ang ilang patak sa mukha ko. "Mukhang pati kalikasan ay alam kung ano ang pakiramdam ko kaya nakikiiyak ang langit sa akin," naisip ko habang nakapikit. Kailangan na matapos ko ang lahat kaya binilisan ko ang kilos. I loved rain, sanay akong maligo sa ulan at natutuwa ako sa ulan. Marami akong masasayang alaala tuwing umuulan sa bicol pero hindi sa pagkakataon na ito. Paano ako matutuwa sa ulan kung umuulan ng kamalasan ang buhay ko simula ng makita ko ang pagmumukha ng lalaking wala ng ginawa kun'di ang apihin at pahirapan ako. Naku kung sa amin lang talaga nangyari ito, ipapa-barangay ko na siya. "Kumusta na kaya sina Mama?" hindi ko mapigilang isipin habang panay ang kuskus sa bakod na bakal. Mabuti na rin na umulan ng malakas para hindi ako mahirapan na mag-banlaw ng bakod. Malaking tulong sa akin 'yun kapag nagkataon dahil hindi ko na kailangan na buhatin ang timba at banlawan ang lintik na bakod na nasa harap ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin kung anong klase ng pag-iisip meron ang lalaking dumukot sa akin. May pera naman siya kaya niyang mag-hire ng mga katulong na maaaring maglinis sa pamamahay at buong bakuran n'ya pero bakit sapilitan niya akong dinala rito para alilain. Hindi na uso ang force slavery ngayon. Lalong hindi n'ya ako binili para gawing alila. Kunwari pa siyang may kasalanan ako para may dahilan siyang alilain at pagkuskusin ako ng bakod. Bakit hindi n'ya utusan ang mga lalaking may malalaking katawan na nakita ko sa basement? Sa dami noon walang kahirap-hirap na malilinis nila ang buong lugar pati bubong ng bahay n'ya kasama na siya baka sakali na maging malinis ang puso niya. Dahil malayo ang tinatakbo ng isipan ko ay hindi ko na alintana ang biglang malakas na buhos ng ulan at malamig na simoy ng hangin. "Malaking tulong talaga ang ulan kahit kailan." Napapangiti ako sa naiisip ko dahil pagkatapos ko sabunin ang bakal na bakod ay hindi ko na kailangan na banlawan ito. Minsan kalikasan na rin talaga ang tumutulong sa akin sa gitna ng unos. Kailangan lang na ma appreciate natin ang mga munting bagay para maging magaan ang pakiramdam natin sa gitna ng unos sa buhay na tulad na lang nito. Madilim na ng matapos ko ang isang helerang bakod. Mabuti na lang at maraming ilaw. Basang-basa na rin ako ng ulan kaya hindi ko alam kung saan dadaan para makapasok. Wala din akong makitang ibang tao maliban sa guards na nasa guardhouse sa dulo. Hindi rin ako makapunta doon dahil sa layo ng distansya ay baka pagalitan pa ako ng lalaking umaalila sa akin dahil siguradong hindi ako pwedeng pumunta doon. Palinga-linga akong naghanap ng pwedeng pagtanungan ng bumukas ang front door ng bahay. "Nagawa mo ba ng maayos ang trabaho mo?" tanong ng devil na lalaking kaharap ko habang naka-pamewang na nakatingin sa bakod. Hindi ito makalapit para tingnan ang ginawa ko dahil na rin sa malakas na buhos ng ulan. "Opo," mahinang sagot ko. Ngumisi ito saka humakbang palapit sa akin. "Good, mukhang masunurin ka na pala ngayon. Hindi ka ba magrereklamo?" nang-uuyam na tanong nito na ang mga mata ay nakatutok sa mga dibdib ko. Mabilis na tinakpan ko ang dibdib ko ng makita ko itong nakailang lunok habang malagkit ang tingin sa akin. Nanginginig ang katawan ko sa intense ng titig nito sa akin sabayan pa ng malakas na simoy ng malamig na hangin. Hindi ako umimik hinayaan ko lang siyang magsalita. Pagod na din ako at ang tanging gusto ko lang naman ay maka-akyat sa kwartong tinutuluyan ko at makapag pahinga na "Tsk," narinig ko mula sa kaharap ko. Gustong-gusto ko itong sigawan, napaka-arogante ng kumag at wala man lamang pakialam kung mamatay ako sa gutom. Gustong gusto ko ng tumakbo paakyat pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko sa takot na baka magalit na naman ito at may gawin na naman na kung ano. Mabuti ng mag-ingat ako dahil sa ganitong pagkakataon alam ko na wala akong laban at kakayahan na ipagtanggol ang sarili ko. Laging payo sa akin ng mga magulang ko na para walang gulo ako na mismo ang umiwas at magpasensya. Kaya kahit kumukulo ang dugo ko mula ulo hanggang paa ay nanahimik ko. Mas nakakapagod kasi makipag-sagutan kesa gumawa ng gawaing bahay. Sa situation ko ngayon mukhang mahabang pisi nga ng pasensya ang kailangan ko. Itong kumag na nasa harapan ko talo pa ang prinsipe ng kadiliman kung itrato ako. "Pumasok ka na at magbihis ka. Kapag tapos ka na pumunta ka sa silid ko at maglinis ka ng banyo ko," utos na naman nito. Lihim na umiikot ang aking mga mata. Sarap din sakalin ng isang ito gagawin na akong katulong niya. Hello graduate ako ng business management tapos gagawin niya lang akong alila. Naku lang talaga, kung hindi lang masamang isako ang isang ito at itapon sa ilog pasig ay ginawa ko na kanina pa. Tumutulo ang damit na pumasok ako ng bahay. Nakita ko naman yung babaeng kasambahay kanina at may inabot itong makapal na tuwalya na mabilis na ibinalot ko ang katawan ko. Sanay naman ako sa ulan kaya natagalan ko sa labas kahit pa malakas ang buhos ng ulan at malamig ang simoy ng hangin. Mabuti na lang at malakas ang resistensya ko dahil kung hindi ay baka matagal na akong nangangatog sa labas. "Umakyat ka na agad para makaligo at makapag-bihis ka," sabi ng babaeng kaharap ko matapos iabot sa akin ang towel. "Salamat po ate," nakangiting sagot ko. Sa lahat ng tao dito sa mansion tanging siya lang ang tingin sa akin ay tao. The rest mga mata nila kung makatingin parang kapareho ng amo nilang mukhang lion at tigre. I wonder kung ano kaya ang trabaho ng mga ito. Bakit ang daming mga may baril akong nakita kanina sa bahay na ito? Kahit ako nahihiwagaan dahil iilan lang din ang nakikita kong babae lalo na at karamihan ay mga kasambahay lang din. Narating ko ang kwarto at mabilis na naligo at nagbihis. Nakita ko ang pang kasambahay na uniform at isinuot 'yon dahil wala namang ibang damit sa loob ng kwarto at tanging iyon lang din ang nakita ko na nakapatong sa ibabaw ng kama. Napabuntong-hininga ako. Okay na rin ito, mas maigi din ito at hindi hapit sa katawan ko. Makakilos ako ng maayos kay mas komportable ako. Mabilis akong nakapag-bihis at pinuntahan ang kwarto ng magaling na lalaking nag-utos sa akin na linisin ang banyo nito. Hindi ko alam ang pangalan niya kaya kung anu-ano na lang ang na itatawag ko sa kan'ya. "Bagay naman sa kan'ya ang devil na pangalan diba?" sang-ayon ng isipan ko. Nasa harap ako ng pinto ng silid nito at hindi ko alam kong kakatok nga ba ako. Nagdadalawang isip kasi ako lalo na pakiramdam ko papasok ako sa pugad ng mabangis na hayop na handang lumapa sa akin. Naka ilang taas at baba ako ng kamay pero wala akong lakas ng loob na kumatok. Nasa loob ng pintuan ng kwarto nasa kaharap ko ang lalaking kinakatakutan ko kaya paano ako magkaka-lakas ng loob na pumasok sa loob. Napabuntong-hininga ako, kung hindi ako agad papasok ay siguradong magagalit na naman ito sa akin at sigurado akong paparusahan na naman ako. Hindi ko na makakayanan ang maaaring ipagawa nito dahil sa totoo lang ay pagod na pagod na ako. Dahan-dahan na lakas loob na kumatok ako nakailang ulit din ako bago ito sumagot mula sa loob. "Pumasok ka na!" pasigaw na naman na sabi nito. Hindi ba ito nauubusan ng hininga at maya't-maya na lang nakasigaw. Napalunok ako ng mapasukan ko itong naka boxer lang. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang namumula kong mukha. Pasalamat ko na lang na malamlam ang ilaw at hindi gaanong kita ang mukha ko. Yumuko ako dahil hindi ko kayang tumingin dito lalo na at kami lang dalawa sa apat na sulok ng kwartong ito at halos kakarampot lang na damit ang nasa katawan nito. Kahit sabihin na galit ito sa akin ay babae at lalaki pa rin kami at maraming pwedeng mangyari. Napailing na lang ako sa kung anong pumasok sa isipan ko. Hindi ako magpapaapekto kahit gaano pa kaganda ang katawan nito sa harap ko. Hindi sapat ang ma abs niyang tiyan at matigas na dibdib kasama ng super toned body na nakabalandra sa harap ko para maibsan ang pagod at inis na nararamdaman ko. Para hindi magkasalubong ang mga tingin namin ay sa mga kuko ko sa paa ako nakatingin. Mas okay na ito dahil natatakot akong mag-angat ng tingin at baka nakasalubong ko na naman ang nagbabaga niyang mga mata na tila puno ng pagkamuhi sa akin Kagat labi na hinintay ko itong magsalita dahil tulad ko na tahimik rin ito. Marahil iniisip pa nito kung ano pang kasamaan ang gagawin sa akin. Ang awkward sa pakiramdam promise, parang gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa o kaya naman ay magtatakbo palabas dahil hindi madali sa akin na kaharap ang isang ito na alam kung nakatutok sa akin ang mga mata nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD