Pinagmamasdan ni Brielle si Sebastian habang nagbibihis at nag-aayos sa pag-alis nito. Nang matapos ito sa pag-gayak. Naglakad siya patungo sa pintuan. Nakatitig pa din siya kay Sebastian, sa tuwing susulyap ito sa kanya ay pilit siyang ngumingiti. Ayaw na ayaw nitong iiwan sila ni Brianne sa apartment lalo na kapag ganitong gabi. Pero ngayon aalis ito para sunduin ang nanay nito at ang babaeng nagngangalang Cassandra na hindi niya alam kung anong relasyon kay Sebastian. Wala siyang karapatang makaramdam ng bigat sa dibdib. Dahil wala silang relasyon. Malamang mas mahalaga ang nanay nito at ang Cassandra na iyon kay Sebastian, kaysa sa inyo kanila ni Brianne. Huminga ng malalim si Brielle upang pigilan ang sakit na umaahon sa kaniyang dibdib ng mga oras na iyon. Bigla namang napaling

