SA ILANG linggong paninirahan ni Brielle at ng anak niya sa bahay ng magkasintahang Abi at Ivan. Hindi pumayag siya na 'di magbigay ng share nila. Kahit sinasabi ng mga ito na huwag na niyang isipin iyon. But she insisted. Patira na nga sila. Alangan namang libre pagkain pa. Hindi siya lumaking abusada. Isa pa mula noong maipanganak niya si Brianne at mamuhay ng dalawa lang sila sa nakalipas na limang taon. Natutunan niyang maging independet, hindi umasa at maging pabigat sa ibang tao lalo na sa mga kaibigan niya. She learned to shoulder everything. Ang expenses nila maging ang masasakit na pangyayari sa buhay nila, sinosolo niya. May ipon naman siya na tingin ni Brielle ay kakasya hanggang sa makapanganak sa batang nasa sinapupunan. Pang gastos nila sa araw-araw at mga neccessities ng m

